Chapter 10

2 0 0
                                    

Hindi ako nakatulog ng bongga sa kakaisip...

Gaano ba kaganda at kahalaga yung babaeng yon para pagkabaliwan ni Sir Christian.

Flashback...

"Kung sakaling magkita kayo ng ex mo? Anong gusto mong itanong sa kanya?"

"Kung meron na ba syang iba? Kung masaya na ba sya?....

"At kung minahal nya ba talaga ako...." Tumulo na naman ang mga luha sa mata nya

Ends...

Napapaisip ako ng malalim kasi hindi madali tanggapin ang break up at hindi rin ganun kadali mag move on pero sa sitwasyon ni Sir Christian parang meron pang ibang dahilan kung bakit sya nagiging ganon.

Nakakalungkot lang kasi ako nakawitness ng masama nyang ugali pero hindi nya pa'ko pinakitaan ng full kabaitan nya. Hays.

Siguro nung nakakakita pa sya, ang bait bait nya.
Teka parang ang labo. Siguro masama na sya dati pa tapos lalong sumama lang ngayon.

Hmm pwede pwede...

Nakucurious ako kung anong dahilan ng paghihiwalay nila ng ex nya. Sino na nga ba yon? Si Elize?

Gusto ko syang makilala...

-----

"Briana!!!!!!!!" kinabahan ako nang isigaw ni Sir pangalan ko.

"Baket sir?" irita kong sabi

"Nasan na yung mga picture frames na nakadisplay dito?" nahuli ko syang kinakapa kapa yung mahabang lamesa na may mga nakalagay dati na picture frames.

"Niligpit ko bakit?"

"At sinong nagsabi iligpit mo?" Pagsusungit nya.

Ang aga aga sinusubukan ako ng dimuhong 'to.
"Kapag dinisplay ko uli yan, ano? May bago ka na namang babasagin? Sisirain? Pupunitin. Tapos magkakasugat ka pa. Bakit? Sino bang naglilinis ng sugat mo at nagliligpit ng mga kalat mo? Ako diba?!" sigaw ko sa kanya.

Para kaming magkapatid na di magkasundo sundo. Talo ko pa nga kapatid nya sa sobrang di kami magkasundo.

"Ginigigil mo'ko ang aga aga."

Di naman sya umimik. "Oh kumain ka na bago pa kita masibsob sa mainit na soup na 'to."

Nakakairita naman kasi ang aga aga. Payapa akong nagdidilig sa garden kanina tapos bigla nya akong bubulyawan. Nakakastress.

"Wag mo'kong ginaganyan dahil first of all amo mo ako."

"At wag mo rin akong ginaganyan kasi first of all, may mata ako." pang asar ko. Ma-offend ka sana.

"Get out!" nakalambog yung puso ko sa pagsigaw nya.

"Alam mo sir? Di na uubra yang mga pa get out get out mo sa'kin. Nadadala na'ko jan. Ayoko na. Like it or not. Im gonna stay." Mapangasar kong sabi. Iritang irita sya sa presence ko? Aba ngayon magdusa ka.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jun 14, 2019 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Loving You, UnconditionallyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon