Nakatulog na ang alaga kong prinsipe dahil siguro sa kakatunganga nya sa malaking bintana. Ewan ko ba dun, parang akala mo nakakakita eh. Hindi man lang magisip ng ibang magandang libangan para hindi sya yung laging nganga, naghahanda na lang na may magsisilbi sa kanya. Laki kasi sa yaman eh, haysh.Pababa na ako mula sa kwarto nya para ibalik yung pitsel na walang laman. May nakasalubong naman akong isang tisoy na lalaki pero hindi ko na sya nilingunan, mukha kasing katulong rin sya dito napansin ko lang sa pangdriver nyang suot kaya naman dere-deretso na lang ako sa kusina.
Nakita ko marami na namang hugasin kaya hindi ako nagatubiling mag hugas.
"are you new here?"
"Ay jusko!" napatalon ako nang may lalaking boses akong narinig mula sa likod.
Patuloy ako sa paghuhugas at hindi nagawang lumingon. "Uhm-- ako yung hinire na personal maid ni Prince Christian" sabi ko.
"Prince Christian?" tanong nya. Sino ba 'tong kausap ko at parang feeling epsi? Kita nyang naghuhugas ako eh.
"Oo bakit? Si Christian na nagaastang prinsipe kung maka-utos, daig pa yung may period na babae." paliwanag ko, at inilipat ang mga nahugasang pinggan sa likod ko.
Ilalagay ko na sana nang makita ko yung lalaking nakasalubing ko kanina. Tumawa syan ng mahina."Ahh, how could be my brother so rude to his personal maid..." lumaki ang mga mata ko sa sinabi nya.
K-kapatid nya si Christian?! Napakagat ako sa lower lip ko nang marealize ko ang katangahang sinabi ko. Dahan-dahan akong lumingon sa likod.
"S-sorr--"
"Ah ah ah! Don't apologize. I'll keep it as a secret." napahawak ako sa puso ko nang makahinga ng maluwag. Akala ko talaga katapusan na ng trabaho ko.
"Your name, anyway?" nakangiti nyang tanong.
"Uh, Briana..." ngumiti sya ng makahulugan sabay umalis. Ang weird 'non ha. Naguluhan ako sa kanya.
"Brianaaaa!"
Napalingon ako sa tumawag sa akin. Si Willa, "Yung gripoooo!!!" sigaw nya sabay turo sa gripong nakabukas. Oh shit!
"Hay, ano ba yan. Mabuti na lang at walang ibang nakakita kung hindi malamang wala nang personal maid si Sir Christian." tiningnan ko sya ng nakakunot ang nuo. Naalala ko na naman ang sinabi nya na 'Gusto nya akong palitan bilang personal maid ni Christian.'
"Ikaw ba sume-segway para lang maging personal maid ni Sir Christian?" nagtataka kong tanong. Napaismid sya at di makatingin ng deretso sa mga mata ko.
"H-ha? Ako? Segway? H-hindi! Bat ko naman gagawin 'yon?" psh, kahit naman i-deny nya halatang halata eh.
"Bilisan mo na jan at matulog ka na! Mag aalas onse na! Maaga ka pa gigising bukas para alagaan si Sir Christian." tsk.
Nilapitan ko sya at inakbayan. "Okay lang yan, may mga bagay talaga na kailangan nating tanggapin na hindi talaga tayo itinadhana sa gusto nating mangyari." sabi ko habang hinahagod ang likod nya habang sya parang nagmamaktol.
"Alam ko pero bakit kasi ganito kasaki--teka?!" tumigil sya nang may marealize...atsaka don ako tumawa papaakyat ng kwarto ko.
"Hoy! Briana! Wala akong gusto sa kanya noh! Wala!" pagsisigaw nya habang umaakyat ako. Umiling iling na lang ako.
Pumasok na ako sa kwarto at nagpahinga na. Mahabang araw na naman bukas ang sasalubungin ko.
~• Josh's PntofVw •~
BINABASA MO ANG
Loving You, Unconditionally
Fiksi Remaja"Learn to love without hate and without conditions." - Author(Me)