5th Chapter: My Boss Gone Mad

13 1 0
                                    

*yawn*

"Sobrang lamig naman!" mas lalo kong hinigpitan ang pagkakakumot ko. Hindi naman siguro nakakamatay yung aircon, noh? Tsk. Tumayo ako at nagunat-unat ng katawan. Napansin kong wala man lang sinag nang araw ang tumatagos mula sa bintana kaya nagtataka ako kung gabi pa ba o umaga na.

May biglang kumatok sa pintuan kaya lumapit ako sa pinto at binuksan. Si Ate Kilay, may dalang tray ng pagkain, siguro eto yung tinatawag ng mga mayayaman na breakfast service in bed. Whoah! Sulitin mo, Briana. Minsan nalang 'to sa buhay mo. "May 40 minutes ka pa para maligo at magbihis bago simulan yung trabaho mo." walang emosyon nyang paalala sa akin saka ibinagsak ang pinto.

May galit ba yun o may dalaw? Kumain muna ako bago ako naligo. Medyo nakakapanibago yung banyo, masyadong maluwag. Bumagal tuloy yung kilos ko.
Nang matapos ko na ang lahat lahat, ngayon lang sumagi sa isipan ko na nakalimutan ko kunin yung tuwalya sa cabinet. Ulyanin mo Briana!

Kaya wala akong choice kundi lumabas nang nakahubad, wala naman sigurong papasok sa kwarto ko hanggat hindi kumakatok diba? Pagkalabas ko mula sa banyo ---bigla na lamang nanginig yung mga tuhod ko at napahinto sa gulat nang madatnan ko ang isang lalaki na nakatayo sa harapan ko habang ako walang suot na damit, in short? Hubad-- as in HUBAD.

"Sheteeeeeee!!!!!! Huwaaaaaaah!" dali dali akong bumalik sa banyo at nagsara ng pinto. Hndi ko alam kung ano ang dapat kong gawin. "Huwaaaah! Nanay ko! Wala na! Wala na! Huhuhu Wala naaaaaaaaaa! Sheteeeeeee!" Patuloy akong nagsisisigaw sa inis at sa kawalang-yaang ginawa nung lalaki.

Hindi ako makapaniwala! Hindi na ako virgin! Wala na! Wala na! Huhuhuhuh! Waaaaaah! Ayoko nang mabuhay sa mundo! Ayoko na! Parang gusto kong mawala na sa mundo ngayon mismo.

"What the hell is that noise?!" Huminto ako ng biglang may narinig akong nagsalita mula sa labas. Malamang yung lalaki yun, eh sya lang naman ang tao jan eh. Dinikit ko yung tenga ko sa pinto ng C.R. para marinig ko kung ano yung sinasabi nya sa labas. "Hey! Is there anybody here? Hell speak!!" Ano bang pinagsasabi nitong lalaking 'to. Hindi nya ba ako nakita kanina?!

Panandaliang tumahimik ang buong kwarto, pero di ko sure kung umalis na yung manyakis na lalaking yun! Kung sexy lang 'tong katawan ko hindi ako mahihiyang harapin at bugbugin sya eh. Kaso wala eh, di ako pinagkalooban.

Nang wala na talaga akong marinig 'ni kakaramput na ingay, dahan dahan kong binuksan ang pinto para silipin kung wala na nga talaga yung lalaki. Pagkasilip ko ng dahan dahan, bumungad na naman sa'kin yung mukha nya kaya agad agad ko uling sinara yung pinto. Juskooo! Bakit kasi manyakis pa yung dumating, bakit di na lang zombie!?

"Hey! Excuse me? Who are you? and where the hell are you? Are you a stranger?" aba! Sya pa ang may ganang magtanong ng mga ganyan sa'kin. Sipain ko kaya ang isang 'to nang makatikim. "Hoy! Manyak na lalaki! Bibilangan kita ng sampu kapag hindi ka pa umalis dito, tatawag ako ng sundalo! Isa....dalawa...." di ko natapos nang bigla nalang may kumatok sa pinto ng cr. Aba't! Kita mo nga naman! Sinusubukan nya ako ha.

"Hoy---"

"Briana?" Huh? Nagtaka ako ng biglang nagiba yung boses nung tao sa labas. "Hey! Briana it's me, Ashleigh. Are you okay? Please, open the door." Si cashley na ba 'to? Omg, life saver! Binuksan ko ang pinto ng konting espasyo lang at sinilip sya.

"Ashleigh, anung ginagawa mo? May manyakis jan! Magtago ka dito! Bilis!" bilin ko sa kanya habang hinihila sya papasok.

"Ey-ey, wait. Walang manyakis dito? Kaya get this towel and get out of there." Inabot nya sa'kin yung tuwalya, kaya naman tinapis ko agad ito sa katawan ko at dahan dahang lumabas.

Loving You, UnconditionallyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon