Δ Briana's PntofVw
Kung minamalas nga naman ako oh. Ngayon pa ako natagusan. Ugh. Tumayo ako at nagpalit sa cr. Nagpahinga muna ako sa kakaligpit ng mga kinalat ng magaling kong alaga, kanina pa sya angal ng angal na gusto nyang mapagisa-- tss! ang sabihin nya gusto nyang umiyak! dahil naririndi na ako sa pa-get lost get lost nya, umalis na lang ako.
*Knock! Knock!*
"Miss Briana! kailangan mo nang ihanda yung pagkain ni Sir Christian." narinig kong sigaw ni ate kilay.
"Ah opo! bababa na po ako." Hindi ko alam kung narinig nya akong sumigaw mula sa cr pero lumabas na agad ako at naghanda ng kakainin ni Prince Christian. -,-
Tinulungan ako ni ate kilay sa paghahanda.
"Miss Briana, tandaan mo. Kailangan mong alamin yung schedules ni Sir Christian. Kung anung oras sya dapat kumain at yung pagpapainom ng gamot sa tamang oras. Yung appointment nya sa check up, yung oras ng pagligo nya. Naiintindihan mo ba?""Opo, ate Kilay. Naiintindihan ko naman, tsaka dapat lang na gawin ko lahat. Syempre binabayaran ako dito eh." ani ko pero teka~ kasama ba sa bayad yung pagliligo kay Sir Christian?!
O.O
"Sige, ihatid mo na yan sa taas." utos sa'kin.
Bago ako tuluyang makaakyat, may tumawag sa'kin. "Ay Iha! Halika muna rito! Isama mo 'tong sinigang na hipon dahil paborito ito ni Christian." nagtaka man ako pero tinanggap ko na lang. Mukha kasing ngayon ko palang nakita yung mukha ni manang. Hmm...
Umakyat na ulit ako para ihatid ang pagkain kay Sir Christian. Pagpasok ko ng kwarto nya, nadatnan ko syang nakasandal sa headboard ng kama nya habang malalim na nagiisip. "Sir!" bati ko ng pasigaw kaya nakuha ko agad ang atensyon nya.
"Kumain ka na. Favorite mo daw yung sinigang na hipon kaya ito ang niluto." pagdadaldal ko sa kanya.
"You said you're gonna take care of me? right?" Huh? teka--may sinabi ba akong ganon? hmmm parang..."ganon na nga." sagot ko.
"Hanggang kailan?" well, uh...
"Hanggang sa magsawa ka? ganon ba yon?" dugtong nya pa. Tinitigan ko syang mabuti, ano na naman bang iniisip ng kulokoy na 'to. Napaka seryoso nya talagang magtanong.
"Depende naman yun eh. Kung magpapakabait ka, edi magiistay ako. At ibigsabihin non magkakasama pa tayo ng matagal." sabi ko sabay kindat ng pang-inis sa kanya. Basically, wala naman kasi akong mapupuntahan kaya mas mabuti kung nandito nalang ako, nagtatrabaho.
"So you found me naughty?" tanong nya.
"Hindi lang naughty, masungit pa at mayabang. Gusto mo patunayan ko pa eh? ano? sabihin mo lang."
"Im sorry, pero hindi ako pumapatol sa mga babaeng basagulero." nakahalf smile nyang sagot. Hindi ko alam kung yan yung style nyang panginis, pero sa totoo lang naiinis ako. Marunong syang bumawi huh, tingnan natin...
"Kumain ka na! bago pa ako may malagay na lason sa pagkain mo. Hmp!" ani ko. Tinulungan ko sya sa pagsubo, dahil nga hindi nya makita yung pagkain nya. Pinagbalatan ko na rin sya ng hipon para hindi na sya mahirapan pa.
"I can eat on my own." seryosong tono ni Sir Christian. Patuloy pa rin ako sa paghihimay sa kanya. "Wag na matigas ulo, sir." tanging nasagot ko.
Wala na rin syang magawa kundi manahimik at kumain na lang.
Matapos ang ilang oras.
"Sir, di ka pa ba pagod sa kakanguya ng hipon? pagod na akong maghimay dito, pagod na rin akong akyat baba para lang makakuha ng hipon." sabi ko habang halatang pagod na. Tumihaya ako ng saglit para maka-unat. Halos maligo na ako sa sarili kong pawis sa sobrang pagod.
BINABASA MO ANG
Loving You, Unconditionally
Novela Juvenil"Learn to love without hate and without conditions." - Author(Me)