Halos mag tu-two hours na kaming bumabyahe at naka-ilang tulog na ako pero wala pa rin akong ideya tungkol sa aalagaan ko at kung saan kami pupunta. Hindi kaya inuuto lang ako ni Ash? tapos ang totoo pala, eh ipapakidnap nya ako? Tapos ipipilit na magbenta ng drugs?
Jusko, napakabata ko pa...
"We're here." tuwang tuwang wika ni Ashleigh habang pinagbubuksan kami ng pinto ni Manong Driver bago lumabas. Kumunot ang nuo ko sa nakita ko. Asan kami? Eh puro puno ang nakikita ko dito?
"Uh-- Bri? You're facing the wrong way." Kinalabit ako ni Ash at pinatalikod.
Gumulanta naman sa akin ang isang malaking mansyon, isang napakagandang mansyon. Halos wala akong masabi sa sobrang laki at ganda ng bahay.
"D-dito ka nakatira?" Nabubulol kong tanong, dahil sa hindi makapaniwala.
"Yep!" Sagot ni Ash. Grabe! Hindi ako makapaniwala. Hinila nya ako papasok, sa gate pa lang sumalubong na saamin yung mga maids at nagsibati kay Ashleigh. Bago kami tuluyang makapasok sa loob, napansin ko yung crystal na bato na hugis puso na may nakaukit na
Hodgekinson's Residence
So mga hodgekinson ang mga nakatira dito? Hmm, sa apelyido pa lang mayaman na. Nagulat ako nang kinuha nang dalawang lalaki na nakauniform na pang guard ang mga bitbit ko at ipinasok sa loob.
Nabighani ako sa ganda ng loob ng bahay nila.
"Saan mo ba ako dadalhin? Ash?" Tanong ko habang sinusubukan kong tanggaling yung kamay ko sa kamay nya.
Para tuloy akong nasa isang mall, na walang katao-tao kahit na sobrang laki.
Huminto kami sa isang kwarto na may office door. Kumatok muna si Ash bago kami pumasok.
"Mom, this is Briana Cervantes. Christian's personal maid." Agad agad? Nakipag shake hands ako sa isang babaeng hindi halatang nanay sa ganda ng mukha. So ito ang mommy nya? Alam ko na kung saan sya nagmana sa kaputian at sa kagandahan.
"Good Afternoon Ms. Cervantes, Im Mrs. Hodgekinson. And Im glad to meet you." Mukha namang mabait ang mommy nya, kaya medyo napawi ang kaba ko. "Ash, ipakilala mo sya kay Kilay." Utos ng mom nya, pagkalabas namin, nacurious agad ako sa pangalang kilay.
"Sino si Kilay?" bulong ko. Di sya sumagot at ngumiti lang na parang nangloloko. Mukhang may binabalak 'to ah.
Hinarap nya ako sa isang medyo mataba na babae. Now I know kung bakit kilay ang pangalan nya. "Kilay, this is Briana Cervantes. Bri, this is kilay. So I'll leave you two for a minute, and Kilay you know what to do." ngumisi silang dalawa sa harapan ko habang ako kanina walang kamuang muang sa mga pinaggagawa nila.
"Hi, Miss Briana. Ako ang mayordoma nang mansyong ito." Pakilala sa akin ni Kilay. Hindi ko sya matingnang deretso sa mukha dahil sa naiilang ako sa kilay nyang napakaliit at napaka-ikli.
"Just call me kilay, Miss Briana." Ehhh?
"Teka ho, bakit may Miss pa? Okay lang ho kahit Briana na lang." nakaka-ilang kasi kapag tinatawag akong ganun. Di ako sanay.
"Ah, hindi pi-pwede. Iyon ang bilin sa amin ni Miss Ashleigh." Ano?! Papaano? Bakit? Aish, Hindi dapat ako tinatawag na parang kasing lebel ko lang yung mga nakatira dito. Nakakahiya iyon.

BINABASA MO ANG
Loving You, Unconditionally
Teen Fiction"Learn to love without hate and without conditions." - Author(Me)