DX: 10

508 24 0
                                    

"Vice..."

Napatingala naman si Vice nang tawagin siya ni Karylle. Nasa labas parin sila ng emergency room at hinihintay ang doktor na lumabas at i-update sila tungkol sa bata.

"Pasensya ka na Karylle ah. I know we're supposed to have fun pero naudlot dahil kay Trevor. I really promise babawi ako."

"No. Don't think about that. What's important is gumaling si Trevor. Next time nalang siguro yung mga ganyan."

"Salamat, Karylle."

"No worries. I bought some coffee nga pala."

Habang naghihintay sa doctor ay sinubukang aliwin ni Karylle sa pamamagitan ng knock knock joke nito. Ito kasi ang dati nlang ginagawa noong magkasintahan pa sila.

"Psst! Vice!"

"Hmm?"

"May knock knock joke ako."

Napa-kunot naman ang noo ni Vice dahil dito.

"Hmm sige. Ano yun?"

"Knock knock."

"Who's there?"

"Amo ni Juan."

"Amo ni Juan who?"

"Amo ni Juan call away I'll be there to save the day.."

Napangiti at napailing na lamang si Vice sa biro ni Karylle. Alam kitang simusubukan nitong pagaanin ang loob niya at tila anghel naman ito na agad na nagagawa ang pakay niya.

"Meron pa akong isa."

"Ano nanaman yan?"

"Coca-cola..."

"Coca-cola who?"

"Coca-cola-ng sana ang 'yong minahal di ka na muling mag-iisa. Coca-cola-ng sana ang 'yong minahal di ka na muling luluha pa."

Tulad ng kanina ay napangiti uli si Vice pero mas malaki at kita ang aliw nito dahil sa cornyng jokes ng dalaga.

"Eto... Sino ang mga kapatid ni Jed Madela?"

"Sino?"

"Edi sina Jed Mangepen, Jed Magelaged, Jed Mangoso."

Sa pagbitaw ng joke na iyon ni Karylle ay napatawa na niya si Vice.

"O diba? Havey ako!"

"Bat ang galing mo mag-joke?"

"Kasi, I once had a boyfriend na sobrang galing magpatawa. Dun ko nga siya nagustuhan eh. Dahil dun sinagot ko din siya. Kapag nga nag-aaway kami isang joke niya lang bumibigay na ako eh."

"Nasaan na siya ngayon?"

"Nasa harap ko." bulong ni Karylle habang naka-yuko.

"Huh? Ano sabi mo?"

"Wala. Ano, uhm... Di ko na rin alam kung nasaan siya eh."

"Di na niya nadaan sa jokes yung away niyo?"

"Hindi na. Kasi ako yung nang-away. Ako yung nang-iwan. Tanga ko diba?"

"Shh. Di naman."

Agad na napayakap si Vice kay Karylle.

"Sorry ah. Na-ungkat ko pa tuloy past mo."

"Okay lang nandito naman na yung future ko."

Napakalas naman si Vice sa pagkakayakap niya kay Karylle.

"Uyyyy! Charot lang yun nukaba?! Hahaha!" medyo awkward na bawi ni Karylle.

Napa-tawa nalang din si Vice sa kanya..

Documentator XTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon