DX: 12

269 14 1
                                    

Pagkagat ng dilim...

(Taray! Lakas maka-horror! Choz!)

Nasa itaas sina Karylle at Trevor habang nasa kusina naman si Vice at Georgina na nagkakape.

"V, how's your plan going?"

Napahinga naman ng malalim si Vice bago mag-salita.

"Still no improvements. Kung meron man maliliit lang but I guess, those little ones are rooting for the importang ones. Dalawang araw ko na ring hindi nakakamusta dahil sa pagkakaospital ni Trevor."

"Just tell me if you need any help ah?"

"Of course, G. And oh, I was planning in involving the little guy here."

"Si Trev? How? Paano kung hindi niya gusto?"

"He will! Nabasa ko sa wallet niya na gusto niya maging detective and look, the kid is very intelligent. He could be a great shot in my team."

"It's all up to you."

Sa kabilang banda...

"Ate K, matutulog na po ako. Salamat po uli."

"Oo sige. Magpahinga ka na diyan. Sweet dreams, baby boy."

"Goodnight po."

Nang marinig ni Karylle ang mumunting pag-hilik ng bata ay dumiretso siya sa banyo na nasa loob lamang ng kwarto.

Agad niyang tinawagan ang isang taong ilang araw na niyang hindi nakakausap.

"Giiirl! May pake ka pa pala sa'kin! Napatawag ka?"

"Grabe ka naman, Anne. Buti nga naalala pa kita eh."

"So ano? Kamusta ang 'Oplan: Paibigin muli ang ex-jowa kong may Amnesia'?"

"Sira ka talaga. Pero seryoso, ang hirap ng trabaho ko. Daladalawa ang gumugulo sa utak ko eh. Alam ko naman na ang pag-update lang at pag-alam sa mga ganap sa kumpanya pero binabagabag ako ng mga kilos ni Vice eh. Nung isang araw, pumunta kaming presinto tapos kahapon, narinig ko siya na parang may iniimbestigahan siya."

"Girl, you're ESSTF's finest agent. Nagawa mo nga ang tatlong missions ng sabay-sabay noon eh. Yakang-yaka mo yan!"

"Thanks! Pero iba talaga to except sa fact na ex ko siya ay kailangan ko rin mag-ingat sa kapatid niya. Sa misyong 'to kailangan ko siyang kaibiganin and yun ang hindi ko pa nagagawa sa mga dati kong misyon."

"Basta, if you need anything don't forget that you have me on your back. Okay? I love you, honey."

"I love you too, honey."

(OMG! ANNERYLLE! ASJSDHHD!)

"Honey?"

Nanlaki naman ang mga mata ni Karylle nang makita si Vice.

Lord, sana di niya narinig. Sabi ni Karylle sa kanyang isip.

"Kala ko ba single ka?" naka-ngising tanong nito.

"Bestfriend ko lang yun plus, babae yun." kabadong pag-eexplain ni Karylle.

"May bestfriend ka na pala." malungkot na sabi nito.

"Para kang bata, Viceral!" sabi niya sabay hampas sa braso nito.

"Hahaha! Baba na tayo! Nag-order ako ng pizza. Sayang nakatulog na si bagets."

"Oo nga eh. Hinihila na ng pahinga."
sabi ni Karylle habang pinagmamasdan ang natutulog na si Trevor.

"Hayaan na muna natin. Tara na."

Documentator XTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon