DX: 14

174 8 0
                                    

Nag-daan ang ilang araw at di maikakailang may nag-bago sa relasyon ni Vice at Karylle. Mas naging close at sweet sila sa isa't-isa. Yun nga lang, walang label ang relasyon nila.

(AKALA NIYO LANG WALAAAA PERO MERON, MERON, MEROOON!)

Samantala, si Trevor ay naiwan sa condo ni Vice. Naka-higa ito sa kama niya at nakatingin lamang sa kisame at malalim ang iniisip.

Flashback

"Good morning, chief."

"Diba ikaw yung batang kathama lagi nila Mither Vitheral?" tanong ni Chief Officer Dalisay.

"Opo, ako po yun."

"Anong maitutulong ko thayo?"

"Chief, pwede ko po bang maka-usap si Manuel?"

"Bakit? Mamaya pa ang orath ng dalaw, hijo."

"Pero chief, importante talaga eh. Tulungan niyo naman ako."

"Thige na nga!"

"Chief, last na po. Pwede niyo po bang wag sabihin to kila Kuya Vice?"

"Oo na, thige na!"

-

"Ikaw ho si Manuel diba?"

Tumango lamang ito.

"Nakikiusap po ako sainyo. Sabihin niyo na po sakin kung sino ang mastermind niyo nang matapos na tong istoryang to, wala na kasing maisip si author eh."

CHAROOOT!

"Nakikiusap po ako, sainyo--"

"Si Thung Ineh. Matagal ko na yang sinasabi sa inyo pero ayaw niyo naman maniwala. Sinasabi niyo na nagmumura ako pero ang totoo yun ang pangalan ng utak ng mga nangyari sa pamilyang Viceral. Matagal ng inggit na inggit si Ineh sa mga Viceral dahil sa di makakailang tagumpay ng mga kumpanya nila at ang pag-patay nalang sa mga miyembro ng mga Viceral ang tanging naging solusyon niya."

Nanatiling tahimik si Trevor sa mga nalaman.

"Matalik kong kaibigan si Ineh, napakabait niya pero dahil sa biglang pagbagsak at pagkalugi ng kumpanya niya ay nag-iba ang pananaw niya sa mga bagay. Nabaon din siya sa utang pero lahat ng pinagkautangan niya ay pinatay niya lang. Nasa ibang bansa ako nung mga panahong iyon, napa-uwi pa nga ko nang sabihin niyang hawak niya ang pamilya ko at kung hindi ko siya susundin ay papatayin niya silang lahat. Sinunod ko lahat ng inutos niya sakin yun nga kasama na dun ang pagpatay kay Vice at sa tatay niya kapalit ng buhay ng asawa't mga anak ko. Pagkatapos nun ay unti-unti siyang bumalik sa dating Ineh na nakilala ko. Akala ko magbabago na talaga siya pero nang makabalik si Vice sa kumpanya at umangat muli ang VGC ay nag-init nanaman ang ulo niya. Sabi niya sakin, hindi na raw siya papatay ng tao pero gagawa nalang siya ng paraan para mapabagsak ang kumpanya nila Vice sa illegal na paraan."

"Ano pong ibig niyong sabihin?"

"Ninanakaw niya ang mga disenyo ng Stallion Interiors. May mga tao siyang matiyagang nagiimbestiga kay Vice at sa Stallion Interiors. Pagkatapos ko malaman ang mga yun ay nahuli na ako ng mga pulis, unang araw ko dito sa selda nang may dumalaw saking babae at ayun nga, muli nanamang pinagbantaan ni Ineh ang buhay ng pamilya ko kaya't kahit kelan hindi ako nag-salita, ngayon lang. Pasensya ka na pero yun lang ang maibabahagi ko sayo. Sana nakatulong ako, hijo."

"Malaking tulong po ito. Maraming salamat po." sabi ni Trevor na hinawakan ang kamay ni Manuel.

"Hijo, pwede ba akong humiling sa inyo?"

"Opo. Ano po ba yun?"

"Kung sakaling patayin ni Ineh ang pamilya ko, pwede bang ipaalam mo sakin para kahit papano makahingi ako ng tawad sa kanila sa hindi pagprotekta sa kanila." naka-yuko at naluluhang pakiusap ni Manuel kay Trevor.

Documentator XTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon