DX: 19

67 3 0
                                    

Tatlong araw na ang nakalipas mula noong nakulong si Thung Ineh, Karylle at iba pa nilang kasabwat. Nagpasya si Vice na piyansahan si Manuel Crisostomo upang makalayo-layo ito kasama ng pamilya niya. Pasasalamat na rin niya ito sa ginawang pag-amin upang makamit na nila ang hustisya.

Dahil sa mga nangyari ay nagpasya rin si Vice na ipasa na ang mga pagiimbestiga at iba pang legal na gawain sa mga opisyal. Pinili niya nalang na bumalik sa dating Vice na nakasanayan niya.

Pagkatapos niyang magtrabaho ay didiretso na siya sa paborito niyang club. Iinom magdamag hanggang sa malasing. Hindi nga maintindihan ni Billy at ni Vhong kung bakit hindi tinatablan ng hangover si Vice kahit gabi-gabing umiinom. Baka dahil manhid na talaga siya.

-

Si Trevor naman ay patuloy parin sa pagasikaso sa kasong isinampa nila laban sa kampo ni Ineh. May parte kasi sa kanya na hindi naniniwalang totoong kasabwat si Karylle. Maaari kasing nadamay lang ito ni Ineh kasama ng ibang empleyado nitong napatunayang inosente naman.

Di na rin niya natiis at dinalaw na rin niya si Karylle sa selda.

"Ate K?" mahinahon nitong tawag kay Karylle na nakabaon ang mga mukha sa yakap niyang tuhod.

"Trevor? Bakit ka nandito? Baka magalit sayo si Kuya Vice mo."

Napangiti naman si Karylle nang binuksan ng pulis ang selda niya.

"I brought your favorite." nakangiting saad ni Trevor. Sinalubong naman siya ng isang mahigpit na yakap ng huli.

"Akala ko pati ikaw galit sakin. Diba isa ka sa mga nagimbestiga?"

"Oo. Pero kasi, nagdududa parin ako."

Malungkot namang napangiti si Karylle.

"Nakakulong na nga ako nagdududa paing kayo?"

"Hindi, ate. Tingin ko kasi hindi tamang nandito ka. Ate K, sabihin mo yung explanation mo sakin. Gusto ko lang naman na magsabi ka ng totoo eh. Makikinig ako, promise."

Huminga ng malalim si Karylle bago nagsalita.

"Ineh hired me as Vice's documentator. I need to report to him what's happening on the company Vice is managing. At first, I had doubts because I know that there is a big competition between their companies but then Ineh explained that Vice's mother requested that so she could monitor what her son is doing to their company. That is his explanation to me but I didn't know that it is because Ineh wants to steal his designs and make them disqualified in the event. Trev, believe me. Alam ko, nasira ko na yung tiwala mo sakin pero sana bigyan mo ko ng pagkakataon."

"Yun ba talaga yung totoo?"

"Oo, yun talaga. Naniniwala ka na ba?"

"Babalikan kita, Ate. Maghintay ka lang."

Umalis na ng presinto si Trevor.

Lingid sa kaalaman ng lahat...

"Boss, nagsalita nanaman si Karylle dun sa kutong lupa. Mukhang makakalaya na tong Karylle mo, boss."

"Umamin na din siya? Okay. Madali naman akong kausap eh. Isama mo na yang Karylle na yan sa listahan."

"Kasunod po ba ni Manuel, Boss?"

"Kayo na bahala, basta sundin niyo yung inuutos ko."

-

"450,ooo?!!!!" sabi ni Trevor na napalunok bigla nang makita ang presyo ng....

.... pang-piyansa...

"Jusko, saan ako kukuha ng ganitong halaga?" sabi pa nito sabay kuha sa wallet niya.

Agad niyang tinawagan ang isang taong kumakampi sa kanya. Kumakampi at naniniwalang walang kasalanan si Karylle.

"Ate G!"

"Trev? Napatawag ka?"

"Pwede pautang?"

"Nako ang bata-bata mo pa nangungutang ka na? Para saan ba? Baka keri naman ng budget bibilhin ko nalang para sayo."

"Pang-piyansa sana."

"Bakit?! Nakulong ka?!"

"Hindi! Para kay..."

"Okay gets. Magkano ba?"

"At least 450,000," sagot ng bata sabay lunok.

"Whoa! That's a lot of money."

"I know, pero diba you believe na walang kasalanan si Ate K?"

"Wait, baby. Wala pang final hearing and we still don't know kung bailable ba yung kasong ipapatong sa kanya. Malay mo naman diba, iurong din ng Kuya Vice mo yung kaso diba?"

"But what if, hindi?"

"Ang love, mananatiling love yan. Tandaan mo yan ah." sabi nito bago tulyang babaan ng telepono si Trevor.

Documentator XTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon