DX: 17

101 4 1
                                    

Nagkita-kita sila sa dating tinatambayan ni Trevor.

"Anong meron, brad? Tsaka nasaan si Viceral?" tanong ni Jhong.

"Out muna sa plano si Viceral. Tayo-tayo muna ang magtutulungan." simpleng pagpapaliwanag ni Vhong.

Nang makumpleto sila ay pinaliwanag na ni Trevor ang mga nangyari sa nagdaang mga araw.

"Punyeta sabi na eh! Kaya pala sunod ng sunod si Karylle kay Vice!" sigaw ni Billy.

"Kuys, easy lang. Eto mga files niya oh." sabi ni Vhong sabay abot sa mga kasamahan ang papeles.

"Saan niyo to nakuha?" tanong ni Jugs.

"It's a long story, kuya Jugs. What we have to do is to plan something for tomorrow's event." sahot ni Trevor.

"Anong event?" Tanong ni Kuya Kim.

"Interior designs event. It's like an expo pero building and house designs ang binebenta and it's gonna be sold to large companies and to the biggest entrepeneurs sa buong mundo. For sure, Thung Ineh will attend the event so we have to make sure na walang mangyayaring masama kay Kuya Vice."

"How did you know na may gagawing masama si Ineh kay Viceral bukas?" tanong ni Billy.

"Hinala ko lang naman po."

"Trev, hindi pwedeng base sa hinala mo ang lahat ng mangyayari. Pag pumalpak tayo dito walang ibang masisisi kundi ikaw." parangal ni Jhong.

"Paano kung pakantahin natin si Manuel ngayon? Tapos i-public natin yung revelation niya." suhestyon ni Jugs.

"Hindi pwede Jugs kasi hawak ni Ineh ang pamilya ni Manuel at kung isasapubliko natin ang pagkanta niya, baka patayin ni Ineh ang mag-iina ni Manuel." Pagkontra ni Vhong.

"Ganito nalang, wag na isapubliko. Sa ma pulis nalang. Hihingi ako ng tulong sa mga kakilala ko." sabi naman ni Jhong.

"Tama! Kapag kumanta na si Manuel sa mga pulis they will finally set a warrant of arrest at pwede na natin ipakulong si Ineh at mga kasabwat niya!" dagdag pa ni Jhong.

"Guys, don't you think we're gonna be so impulsive in doing this?" kontrang tanong ni Kuya Kim.

"Kuya Kim, yung pag-amin lang ni Manuel sa pulis ay sapat na para maging mabigat na ebidensya plus knowing na si Manuel ang may gawa sa lahat ng krimen sa pamilya ni Vice." pagpapaliwanag ni Billy.

Nang sumangayon ang lahat ay agad silang nagpunta sa presinto para makausap si Manuel.

-

"Paano ang pamilya ko? Papatayin ni Ineh ang mag-iina ko!" iyak ni Manuel sa kanila.

"Sa mga pulis at sa huwes ka lang naman magcoconfess then when the judge decides to file a warrant of arrest saka na sila magpapadala ng tauhan para bantayan ang pamilya mo." pagsisigurado ni Billy.

"Sige. Sasama na ako sa inyo."

-

Agad na pumunta ang grupo nila Trevor sa korte. Hiniling nilang maging pribado muna ang magiging pag-amin ni Manuel at ikinatuwa naman nila nang payagan sila ng mga opisyal.

Nang makarating sila sa korte ay nagsimula na ang tila panghhot-seat kay Manuel. Nasa harap niya ang tatlong huwes maging si Atty. Katarungan (mare pahiram muna, salamat!) na nasa panig ni Manuel.

Nasa bandang likod naman ang mga opisyal ng pulis na noo'y humuli kay Manuel. Sobrang secured ang lugar na napapaligiran ng mga sundalong may mga hawak na matataas na kalibre ng baril para makasiguro. Dahil underage pa si Trevor ay hindi siya pinayagan na pumasok sa court room.

Documentator XTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon