DX: 16

242 7 0
                                    

Madaling araw nang magising si Trevor. Lumabas siya ng kwarto at nakita sina Vhong, Georgina, Vice at Karylle na natutulog sa iba't-ibang pwesto sa sala. Nagkalat rin ang mga bote ng alak at mga basura ng pulutan nila. Dahil sa masyadong malinis sa katawan maging sa paligid si Trevor ay naisipan niyang mag-linis at ayusin ang mga kalat.

"This is so disgusting." sambit pa nito habang pinupulot ang mga chicharong nababad na sa suka pero hindi nakain.
(Kadiri nga naman, bes.)

Nang itatapon na niya ang mga kalat na naipon ay nakita niya ang kumalat na suka (yung suka na ng tao bes) sa lababo.

"Fuck! This is damn so gross!" naiinis pa nitong sabi habang naka-ngiwi.

Nang masigurong malinis na ang lahat ay isa-isa niyang tinignan sila Vice na kay lalakas ng hilik. Sunod naman niyang pinagmasdan ang pinaghihinalaan na si Karylle. Ngayon niya lang nakita ang tattoo sa pulso sa kamay ni Karylle. Meron itong mga numerong 14 at 25 sa itaas na bahagi at 31 at 22 naman sa ibabang bahagi. Pinaghihiwalay ang mga numero ng isang plus sign sa gitna nito. May dalawa ring guhit na pa horizontal sa baba ng nga numero.

(Nag-explain pa ako may picture naman pala :3)

Pinagmasdan niyang mabuti ang tattoo. May kutob siyang hindi personal ang ibig sabihin ng mga numero kundi mga may kinalaman sa 'ginagawa' ni Karylle ang mga iyon.

"14, 25, 31, 22. What's with those numbers?"

Agad niyang sinearch ang mga numero na naka-tag pa sa pangalan ni Karylle ngunit walang naitulong ang Google sa kanya.

"Cross in the middle then two horizontal lines below?"

"Cross, letter T, plus sign... Plus sign?! Tama! Plus sign! Tapos yung dalawang linya, equal sign! Faaaak, Trev! Ang talino mo talaga!"

Agad niyang sinolve ang mga nasabing numero.

"4547. I knew it."

Dahil sa natuklasan ay agad niyang ginising si Vhong.

"Kuya, wake up! You have to see this."

Mabuti nalang at madaling magising si Vhong, agad siyang bumangon at tinignan si Trevor.

"Anong meron?" bangag pang tanong nito.

"I just discovered something, something that would probably help us."

"Ano yun?"

"Look at Ate K's tattoo, do you know something about those numbers that could be related to her or to them?" sabi ni Trevor na tinutukoy ang ViceRylle.

Binasa ni Vhong sa utak ang mga numero ng pa-ulit-ulit hanggang sa may magregister sa utak niya.

"14, probably monthsary nila. 25, yung day ng first sex nila."

(0____0)

"Then?"

"31, March 31 ang birthday ni Vice, 22 naman si Karylle."

"Soooo, does this mean na related to sa codes?"

"Siguro, pero kasi personal siyang impormasyon tsaka imposibleng customized yung passcodes ng mga ganung secret drawers noh."

"Samahan mo ko, pupunta tayo sa unit niya and we'll both try to unlock that drawer."

"Baka, magising sila."

"Hindi yan. Wait..."

Kinuha ni Trevor ang 360 camera niya at pinatong niya ito sa tagong lugar pero malinaw at kitang-kita si Vice at Karylle. Naka-connect ang camera sa phone ni Trevor.

Documentator XTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon