First day of school with them
Demi
"Uy gising na."
Sino ba 'to kanina pa 'tong yumuyugyog, nahihilo na ako.
"5 minutes pa." inalis ko ang kamay niya sa balikat ko.
"HOY! BUMANGON KA NA!" Napadilat ako nang may sumigaw sa tenga ko.
"Oo na oo na psh sisigaw pa eh."
"May sinasabi ka?" tiningnan ko si Angelo na nakataas ang kilay.
"May narinig ka ba?" He just rolled his eyes on me.
"Tumayo ka na dyan papasok ka kasama namin." binato ni Raffy yung uniform at tumama naman sa mukha ko.
"Arghhh you don't haㅡ" hindi ko pa natatapos ang sasabihin ko ng makita kong wala na si Angelo at si Raffy sa kwarto ko.
Grabe talaga sila. Tumayo na ako at pumasok sa banyo. After 30 minutes natapos na ako. I look in the full length mirror, I'm wearing a black skirt 3 inches above the knee. Tapos puting long sleeve at coat na may logo ng school sa upper right malapit sa dibdib at sa kanan naman ay may may rectangular pin na may pangalan.
Bagay sa akin ang uniporme katulad din ito sa mga napapanuod kong koreanovela dati.
Kinuha ko ang sling bag na nakapatong sa study table ko. Wala naman ito kagabi I guess galing ito kay Zeke.
"Ang bagal mo malelate na tayo." hinila ako ni Garix palabas ng bahay nila.
"P-pero hindi pa ako kumakain." lumingon siya sa akin at hindi pa rin binibitawan ang palapulsuhan ko.
"Tsk. Sa school ka na lang kumain." He said then sumakay na siya sa Van kasama ang iba.
Badtrip naman. Sumunod narin ako sa kanila at umupo sa dulo. Yun lang naman ang bakante. As if I have a choice eh yaya nga lang nila ako.
"Matanong ko lang sang planeta ka pala galing?" Ani Raven na nasa harapan ko.
"Ah-eh taga Fern ako." sumingkit lalo ang mata niya na parang pinag-aaralan ako so I just composed my self.
"Sa kabilang city pa yun ah, paano ka napunta dito?" tanong ni August at tumango si Raven bilang pagsang-ayon sa tanong ni August.
"Kelangan ko kasi ng trabaho kaya nakarating ako dito," Well half of it was a lie, totoo naman ah trabaho ko sila.
"Muka ka namang mayaman bakit kelangan mo magtrabaho?" Ani Garix habang tinitingnan ang sling bag na nasa balikat ko. Ngayon ko lang napansin na Louis Vuitton pala ang tatak nito.
"Kasi ako nalang mag-isa so I need to work work work work work."
Napailing nalang sila sa akin. What? masama na bang kantahin ang Work ni Rihanna?
"You're so impossible woman." dinig kong sabi ni Angelo sa first row ng upuan. I have abilities too, kaya kong marinig ang mga sinasabi nila kahit nasa kabilang building pa sila. Pero nagagamit ko lang ito pag nagcconcentrate ako at tahimik ang paligid. Marami pang iba you'll know it soon.
After 5 minutes na katahimikan eh huminto na ang sasakyan. How boring! paano ba naman kasi may sari-sariling mundo 'tong mga lalaking 'to. Di kaya napapanis mga laway nito?
Isa-isa na silang bumaba, rinig na rinig ko ang tilian ng mga babae.
"Oh my god! pumasok si Angelooooo!"
"I LOVE YOU GREI."
"Ang hot mo Garix!"
"Raven be mine."
"Raffy and Seph ang gwapooo niyooo!"
"Oh my g! girl August smile at me!"
"Saakin kaya siya ngumiti bulag ka ba?"
At nagsimula na silang mag-away. Friendship over na ba ito? Kidding. Ano ba nagustuhan nila sa mga unggoy na 'to? eh ang sasama naman ng ugali.
"Sino yung kasama nila?"
"Whatta bitch, kala mo ang ganda."
"Slut."
Ilan lang yan sa mga narinig ko. Grabe naman 'tong mga babaeng 'to. Porket kasama ko 'tong mga unggoy na 'to bitch agad? Hindi ba pwedeng maid lang? OA namern.
Paano nga pala akong mapagkakamalan na maid eh maganda pala ako.
"Yabang naman." nagulat ako nung bumulong si Zeke sa tainga ko. Naglalakad parin kami patungo sa classroom. I guess they can't see Zeke.
Tiningnan ko siya ng masama habang binabasa niya ang laman ng utak ko. Hindi naman akong pwedeng magsalita edi napagkamalan akong baliw dito.
Parang baliw lang siyang tumatawa.
"So kamusta naman?"
Hindi pa ako kumakain badtrip. Sabi ko sa utak ko.
"Poor Demi haha."
Nagulat ako nung nabangga ako sa pader. Tiningnan ko ito, ay hindi pala pader. Likod pala niㅡsino ba 'to?
"Ano pang tinutunganga mo diyan pasok na." sabi ni Seph
"Akala ko ba papasok kayo? bat nandito tayo sa tambayan niyo?" I placed my both hands on my waist then I look at them.
Paano ba naman kasi nandito kami sa tambayan nila, dito ako hinatid ni Faith kahapon.
"Pumasok ka mag-isa kung gusto mo." ani Grei na nakatingin lang sa laptop niya.
"Hindi sasama kayo sa akin!" Isa-isa ko silang hinila, una si Grei tumayo naman ito, sunod si Angelo tumayo din ito pero umupo uli si Grei. At paulit ulit hanggang kay Seph.
"Arghhh! Ano ba kasi dali na!"
"A-YAW NA-MIN." ani Seph na nakaupo sa sofa habang nakapatong ang dalawang paa sa coffe table.
"Ganito nalang ako magluluto ng pagkain natin, what do you think?"
"Eh trabaho mo naman talaga yun Dems eh." sagot ni Garix habang may hawak na naman na FHM mag. Please remind me not to look on that magazine again. Gosh. Ang inosente kong mata.
"Ah oo nga noh! hmmmm. Let's have a bet."
"Okay then ano ba yun?" tanong ni Angelo sa palagay ko I really get their attention.
"Pahirapan niyo ako sa loob ng isang linggo since pito naman kayo. Pag nanalo kayo aalis na ako sa bahay niyo if not papasok na kayo lagi at makikinig kayo sa akin." I said with conviction. Akala nila susukuan ko sila? No way highway.
"Sigurado ka?" tanong ni Grei while smirking. Why is he so gwaㅡokay I didn't say anything delete that part.
"Of course."
Tumayo sila isa isa at lumapit sa akin. Umatras naman ako pero wala na.
Dead end.
"Deal." malademonyong ngiti ni Angelo. Dapat na ba akong kabahan?
"Deal." at isa isa akong nakipagkamay sa kanila.
Let's see then kung sino ang mananalo.
I smirked.
![](https://img.wattpad.com/cover/73165463-288-k304983.jpg)
BINABASA MO ANG
Demi
خيال (فانتازيا)DEMI Meet Demi ang anghel na pinababa sa lupa para patinuin ang grupo ng mga lalaki. Then there's Angelo ang isa sa mga target niya. Basagulero, palamura, laging nagkacutting at walang ibang ginawa kundi ang mangbully kasama ng mga kaibigan niya. W...