Chapter 9

102 11 2
                                    

Raven

DEMI

Nagising ako sa sinag ng araw na tumatagos sa bintana. Nasan ba ako? napahawak ako sa noo ko ng maramdaman kong may bimpo. Tinanggal ko ito kasabay ng pagbalikwas ko sa kama ko. Aish. Ano ba nangyari kagabi? nilagnat pa ata ako.

"Oh gising ka na pala," bungad ni Raven habang may hawak na tray. Nilapag niya ito sa side table ko, umuusok pa ang lugaw na nasa mangkok. Mukhang masarap.

"Ah R-raven salamat. Ano nga palang nangyari kagabi? pasensya na ah. Ako dapat ang nagsisilbi sa inyo." nahihiya akong iniabot ang mangkok na nasa tray. Kinuha ko ang kutsara at tinikman ito. Not minding that it was still hot.

"Awww," nabitawan ko ang kutsara pagkatapos ay pinaypayan ko ang dila ko.

"Hahahahaha yan kasi. Wait ako na nga magsusubo sayo," pakiramdam ko ay umakyat ang lahat ng dugo ko sa mukha. First time ko lang susubuan ng lalake. Inagaw niya na yung mangkok at dahil nga mahina ako ay nakuha niya ito mula sakin.

"To answer your question, hinimatay ka kagabi dahil sobrang taas ng lagnat mo. Buti na nga lang naabutan kita. Ano ba kasing pinaggagawa mo?" tanong niya sakin pagkatapos ay hinipan niya muna ang lugaw na isusubo niya sakin.

"I was cooking for you guys, ewan ko bigla nalang ako nahilo," I smile shyly. Muntik ko na makalimutan. The game is still on.

"Wait, bago isubo sakin yan. Baka mamaya may nilagay ka diyan ah?" Sinuri ko ng mabuti ang mukha niya pero tumawa lamang siya saking tinuran.

"Silly. Sa tingin mo magagawa ko yun?" he asked. Siguro iniisip niya na nababaliw na ako.

"H-hindi, eh kasi diba the dare is on-going. So I was thinking that this was a part of your plans to sue me," I look down, bakit ganun? pag si Raven kaharap ko lumalambot ako. Paano ba naman kasi, I can't deny that he's really charming. Ang amo ng mukha niya kaya up to now hindi ko maimagine kung anong mga ginagawa niyang kalokohan. Well evil sometimes wear pleasant face. You'll never tell.

"Sue you? you know kahit kakakilala palang natin naging magaan na agad ang loob ko sayo." He lifted my chin to see my face clearly. Pakiramdam ko'y nabingi ako sa sinabi niya.

Isang Raven Suarez, ayaw akong paalisin sa bahay nila. Unbelievable.

Napangisi ako at inaalis ko ang pagkakahawak niya sa baba ko. Nasisiyahan na ata siya. "Really? you know Rave. I'm the type of person who hates liars." tiningnan ko siya kung anong magiging reaksyon niya. He's good. Good in lying. I can tell it through his eyes.

"Feisty are we?" sa isang iglap ay nagbago ang ekspresyon ng mukha niya. From angel to devil, real quick.

"See hahaha,"

"Earn my trust first." tumayo na siya. Kinuha niya na ang dala niyang tray.

"Inumin mo pala 'to. Pagaling ka," afterwards he leave.

Aish. Feeling ko lalo lang akong lalagnatin. Pinapasakit nila ang ulo ko.

Una si Angelo, napaka moody. Dinaig pa ang isang babae sa tindi ng mood swings niya. Maarte rin.

Pangalawa si Garix, the casanova. Kelan kaya titino 'tong babaero na 'to?

Pangatlo si Raven, amidst of his angel facade there was a monster behind it.

Hindi mo talaga malalaman ang tunay na ugali ng isang tao hangga't hindi mo sila nakakasama sa iisang bubong.


GARIX

"Ano ba kasing nangyari Garix?" my train of thoughts stopped when I heard Grei's voice.

"I was driving home, I was drunk. Hindi ko napansin yung bata." I feel so hopeless. Kinakain ako ng konsensiya ko. I brushed my hair because of frustration. Kagabi pa kami nandito sa ospital ngunit wala paring balita sa bata.

Ilang oras na silang nasa emergency room. Di ko alintana ang pagod at antok dagil sobrang kabado ako.

"Anong gagawin mo? alam mo namang hindi pwedeng malaman ng iba 'to. We'll be in trouble again Garix." ang dating kalmado at kadalasang walang paki sa mundo na si Grei ay nandito ngayon sa harap ko na pinapangaralan ako.

"I don't know, I don't know Grei." he sat beside me afterwards he heaved a sigh.

"Don't worry we'll fix this." napatayo kaming dalawa nung bumukas ang pinto ng emergency room.

"Sino ang guardian ng bata?"

"Wala po. Nakita lang po namin siya sa daan," paliwanag ni Grei sa doctor.

"Stable na ang bata. Malala ang natamo niyang sugat sa kanyang ulo. Kelangan niya lang magpahinga. A day or two magigising rin siya,"

"Salamat po Doc," nakahinga na ako ng maluwag. Buti naman at maayos na ang kalagayan ng bata. Hindi ko alam ang mangyayari kung namatay ito ng dahil sakin.

"I'll settle the payment first then were going home."

Mas matanda ako ng ilang buwan kay Grei. Pero kung umasta siya parang siya pa ang mas matanda samin. Aish. Cold man siya kung ituring ng iba pero samin lumalambot yan.

Nang mailipat na ang bata sa kanyang silid ay sumunod narin ako. Grei paid for this private room. Umupo ako sa tabi nito at pinagmasdan siya.

San kaya galing 'tong batang 'to. Kung susuriin mo ay hindi naman siya mukhang mahirap. Ngayon ko lang napansin ang maputing kutis nito at matangos na ilong.

"Papunta na raw sila," nagulat ako ng marinig ko ang boses ni Grei. Walang hiya talaga 'tong lalaking 'to. Ako pa ata ang mamatay eh.

Umupo si Grei sa isang sofa at kinalikot niya na naman ang cellphone niya. Kung hindi laptop, cellphone naman. Techno freak.

Ilang sandali lang ay narinig ko ang mga katok. Let me rephrase that. Kalabog sa pinto. Wala talagang modo 'tong mga 'to.

I lazily open the door habang naguunahan silang makapasok.

"Anong nangyare?" tanong ni Seph habang histerikal na nakatingin sa bata.

"Nasagasaan ko siya," maikli kong tugon sa kanila.

"Hindi ka kasi nagiingat. Ilang beses ko bang sasabihin na wag magddrive ng lasing?" galit na wika ni August.

"Oo na. Sorry na nga eh." inirapan ko sila at binuksan nalang ang tv.

"Babaero kasi." ani Raffy.

"Ano namang konek nun Raf?" natatawang tanong ni Seph kay Raffy. Parang siya pa yung napuruhan. May tama talaga sa utak tsk.

"Wala, nga pala walang kasama si Demi sa bahay." saka ko lang napansin na wala si Demi.

"Ano naman?" tanong ni Grei kay Raffy.

"May sakit yung tao Grei. Ano ba!" napalingon kami kay Raven. Ba't ang init ng ulo ng kumag na 'to?

"Malaki na siya. Kaya niya na sarili niya." sabi naman ni Angelo na nakatuon lang ang atensyon sa tv.

"Wag mong sabihin na lumalambot ka na Rave? remember this. Don't ever let your guards down." nakarinig nalang kami ng pagkalabog ng pinto senyales na lumabas si Grei.

At some point I'm guilty. Bakit kaya siya nagkasakit?

DemiTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon