Angelo
ANGELO
"Kunin mo yung remote." utos ko sa katulong namin, si Demi.
"Ang tamad mo talaga eh noh?! nandyan na nga sa harapan mo eh."
"Baka nagkakalimutan tayo ditoㅡ"
"Sabi ko nga kukunin ko na, eto na nga oh. May iuutos pa ba kayo?"
Tingnan mo 'tong babaeng 'to siya na nga nangangailangan siya pa nagrereklamo.
Tuesday ngayon at sinadya namin na hindi pumasok para sa deal. Since unang araw ng deal ako ang nakatoka para dun.
Kanina pa ako utos ng utos pero imbis na siya ang mairita eh bumaliktad na ata mas naiirita ako sa kanya.
Nilipat ko na lang ang channel. Psh ano ba yan walang magandang palabas. Si Demi naman nasa kusina ginagawa niya yung inutos kung meryenda.
Nagpaluto ako ng french fries na sour cream flavor. Gumuhit ang ngiti sa labi ko, I'm sure matatagalan siya sa paghahanap ng sour cream powder. Tinago kasi namin kagabi yung mga kakailangin niya siyempre kelangan niya talaga mahirapan noh!
Kung bibili naman siya ay matatagalan din siya dahil sigurado kami na walang tinda nun dito.
Well we have connections so inutos namin na if ever pumunta ang babaeng ito sa mall eh aware na sila na dapat ay sabihin nila na out of stock na ang mga hinahanap niya.
"Ano ba yan ang tagal!" reklamo ko sa kanya. Wala yung anim may inasikaso pa kasi sila.
"Eto na nga oh! Excited much?" Nagulat ako nung nilapag niya yung tupperware sa maliit na lamesa.
"Paano ka nakahanap ng sour cream powder?" Tanong ko sa kanya, siyempre nakakapagtaka.
Tinago namin kagabi yun eh.
"Duh! nasa counter top lang kaya nakalagay yun."
Psh. Nevermind.
Kinuha ko nalang yung tupperware at nagsimulang kumain.
Napansin ko naman si Demi na nakatayo parin sa gilid ko.
"Oh bat nakatayo ka pa diyan? Clean my room." utos ko sa kanya pero nagpout lang siya.
"Ah pwede bang pahingiㅡ" hindi niya na natapos ang sasabihin niya kasi tumunog yung tiyan niya.
"Ayoko." Tumayo na ako sa sofa pagkatapos ay nagtungo sa garden.
Gusto kong tumawa ng makita ko ang reaksiyon niya kaso di ko naman ugali yun pag ibang tao kaharap ko.DEMI
Ang damot talaga nun.
Humawak ako sa tiyan ko pagkatapos ay pumunta sa ref. Naghanap ako ng puwedeng kainin.
Kinuha ko na lang yung chocolate na monde sa ref. Naglunch naman na kami kaya lang nagutom ako kasi ang dami daming inuutos ng Angelo na yun.
Pagkatapos kong kumain ay nagtungo na ako sa kwarto ni Angelo.
Ang tahimik ng bahay ngayon, wala kasi yung anim na unggoy. I wonder where they are.
Binuksan ko na ang kwarto ni Angelo.
Kwarto ba 'to?
Ang gulo ng kama. Hindi nakaayos yung unan pati bedsheets. Lalong dumilim sa kwarto niya kasi nakababa lahat ng kurtina.

BINABASA MO ANG
Demi
FantasiDEMI Meet Demi ang anghel na pinababa sa lupa para patinuin ang grupo ng mga lalaki. Then there's Angelo ang isa sa mga target niya. Basagulero, palamura, laging nagkacutting at walang ibang ginawa kundi ang mangbully kasama ng mga kaibigan niya. W...