Chapter 10

53 3 1
                                    

Grei

DEMI

"Ipagluto mo nga ako ng dinner." sambit ni Grei habang paakyat ng hagdan. Napakawalang modo talaga ng lalaking yun. Actually they're all the same. Birds with the same feather flocks together.

Gabi na at hindi ko alam kong nasaan ang mga amo ko. Halos kakagising ko lang. Hindi pa rin maayos ang kalagayan ko. Hindi ko alam kong bakit nag-aalala ako sa mga lalaking 'yon.

Sinunod ko ang utos ni Grei, wala naman akong magagawa binabayaran ako dito at kelangan ko ng tulong nila.

I cooked tinola dahil malamig ngayong gabi marahil babagay ito para maging hapunan namin. I did my best para lang sumarap ang luto ko. After all the hardships ay natapos rin ako. Mukhang sa maikling panahon ay natututo narin ako.

Inilagay ko na ito sa isang mangkok pagkatapos ay hinanda ko na ang lamesa. Napatigil ako sa paglalagay ng mga kutsara ng makarinig ako ng kalampag. Aish. Siguro kong may sakit ako sa puso ay matagal na akong namatay dahil sa pagiging magugulatin ko. Scratch that I've already died.

"Ilagay mo sa tupperware yan pati narin yung kanin." His voice is cold as an ice. Binilisan ko ang kilos ko habang ramdam ko ang mga titig niya na animo'y tumatagos hanggang sa kaluluwa ko.

"Nasan yung iba?" tanong ko habang tinatakpan ang tupperware. Ang boring naman kasi dito ako lang mag-isa.

"It's none of your business." marahas niyang kinuha ang paper bag na naglalaman ng pagkain at dumiretsiyo palabas ng bahay.

That guy! Grei! naasar ako sayo, napaka mo talaga.

Nagtungo ako sa living room, nakakabingi. Napakatahimik. Kinuha ko ang remote at binuksan ang tv.

Ilang minuto na akong palipat-lipat ng channel. Wala namang magandang palabas.

"Ilang araw na ang nakakalipas simula mawala ang anak ng mga Grimaldi. Patuloy pa ring pinaghahanap ang bata, huli itong natagpuan sa isang parke. Sa mga nakakaalam o nakakita kay Jasper Grimaldi, nasa baba ang contact information." aniya ng news reporter habang pina-flash ang contact information tungkol sa batang nawawala. Nandun din ang larawan nito, maihahambing mo sa nyebe ang kutis nito. Bumabagay rin ang matangos niyang ilong sa kanyang bilugang mukha.

Nasan na kaya ang batang 'to? sana ay may magawa akong paraan para makatulong.

Amidst of my train thoughts, naramdaman ko ang paglubog ng foam sa kanang parte ng inuupuan ko.

"Pwede bang i-inform mo muna ako kung pupuntahan mo ko Zeke? geez para kang kabute."

"Nah, I want to surprise you Dems. So kamusta ka na pala dito?" tanong niya habang nakatuon din ang atensyon sa balita.

"Last night, bigla nalang sumakit ang puso ko. Pakiramdam ko pinipilipit ito, sobrang sakit nun Zeke. Is it normal?" I asked him.

He look at me, I can't read his expression. It was blank.

"It's not normal Demi,"

"B-bakit ganun, I'm not a human right? so I shouldn't feel pain. Can you explain it to me? naguguluhan ako." I pleaded. His gaze become soft, biglang lumamig ang paligid.

"Your mission is to cut their horns right? you need to change them. In every bad deed there is also another punishment, bukod sa mababawasan ang pearl na pupuno sa boteng binigay ko ay makakaramdam ka rin ng matinding paninikip sa puso mo. It's a sign, tuwing sasakit yang puso mo malamang ay sangkot na naman sila sa isang gulo. I'm sorry Dems, but I can't do anything about this."

DemiTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon