Chapter 11

18 4 0
                                    

Kid in the house

DEMI

*PEEP* *PEEEEEEEEEEEP* *PEEEEEP*

Nagmadali akong bumaba ng hagdan nang marinig ko ang busina ng kotse. Malamang ay sila Angelo na yun.

"Dalian mo kumilos Dems, tagal-tagal." ani Seph, di ko alam kung matutuwa ako o maasar sa tinuran niya eh. Brat.

Hindi na lamang ako sumagot bagkos ay dinalian ko ang kilos sa pagbukas ng gate. Di nagtagal ay maayos ng nakaparada ang sasakyan ni Garix.

Isa-isa na sila lumalabas, papasok na sana ako ng may isang tao pa ang lumabas mula sa sasakyan ni Garix. Whaaaat? isang bata.

Nagtama ang tingin namin at di nagtagal ay lumapit ito sakin at yumakap sa bewang ko. Natuwa naman ako dahil ang lambing ng batang ito.

"Hi po Ate, anong pangalan niyo?" tumingala siya habang nakangiti. This kid is a charmer, sobrang puti pa ng kutis neto.

"Ako si Ate Demi," ngitian ko to at tinapik ang ulo nito.

Oh I wish I have a brother like him. Sobrang cute ng batang 'to.

"Oy kayong dalawa pumasok na kayo, mamaya na kayo maglandian diyan." nakasimangot na saway ni Angelo samin.

Kumalas na sa pagkakayakap sakin yung bata at sabay na kaming pumasok sa loob.

"How 'bout you, what's your name and how old are you?" tanong ko sa kanya nung makaupo kami.

"I'm Jasper po, tsaka 9 years old na po ako Ate." sagot nito habang nililibot ang paningin niya sa living room.

"Ah okaaaaay. Anyways dito ka muna ah, ipaghahanda lang kita ng makakain may gusto ka ba?"

"Ah, hmmmmmm ah! Ate gusto ko po nung samyang."

"Huh? anong samyang Jasper? di alam ni Ate yun eh. Gusto mo iba nalang?"

"Noodles yun ate. Ehhhh dali na pooooo. Yun po yung gusto ko eh. Pretty please," tell me kung paano makakatanggi sa batang nagpa-puppy eyes?

"Meron dun sa kusina Dems, tara lutuin natin." minsan nagtataka na rin ako kay Raven kung kabute ba siya o ano eh. Bigla-bigla nalang sumusulpot.

"Dito ka muna Jasper ah, magluluto lang kami ni Kuya. Behave ah!" tumango siya at nag-thumbs up pa.

Sinundan ko naman si Raven sa kusina, ang tahimik talaga dito. Nasan na naman kaya yung mga kumag?

"Gaano karami yung ilalagay na tubig Raven?" tanong ko dito habang kinukuha ang kaserola sa drawer. Binasa niya muna ang instructions na nakalagay sa packaging ng noodles.

Kinuha niya sakin ang kaserola at siya na mismo ang naglagay ng tubig at nagsalang sa kalan. Tahimik masyado ni Raven.

"Akala ko ba tayong dalawa magluluto? eh ikaw naman na halos gumawa lahat."

He chuckled for a while then sat beside me. We're sitting in the stools here in the counter top. Hinihintay namin na kumulo ang tubig na sinalang niya.

"Umupo ka nalang muna diyan, ako na bahala."

"Bat ang bait mo ata ngayon? may sakit ka ba? hahaha," hinawakan ko ang leeg at noo nito na siya namang nagpailang sakin dahil bigla na lamang siyang namula. Hahaha

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Dec 26, 2017 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

DemiTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon