Talks
Third person point of view
Nang makalabas si Demi sa tambayan ng S7VEN KINGS para bumili ng pagkain niya eh nagsalita si Angelo.
"Anong plano?" tanong niya sa anim na may kanya-kanya na namang mundo. Si Grei busy sa laptop niya, Si Garix sa FHM mag, Si Raven sa gitara niya, Si August na kumakain ng marshmallow at si Raffy at Seph na nagbabato-bato pik.
'Kaibigan ko ba talaga 'tong mga 'to?' umiling si Angelo habang pinagmamasdan ang mga kaibigan niya.
"Ano ba ang naisipan niyo bakit pinatira niyo yung babaeng yun sa bahay. In fact di rin naman natin kelangan ng maid. Paano pala kung magnanakaw yung babaeng yon?" tanong ni Grei habang nakatingin parin sa screen ng kanyang laptop.
"Ano ka ba naman Grei may magnanakaw bang ganun kaganda? chix pre! wala ka talagang taste tsk tsk." Ibinaba niya naman ang magazine na kanina niya pa hawak.
"Palibhasa kasi malandi ka." sabi ni Grei at nagsmirk siya kay Garix at inirapan lang siya nito.
"Hindi niyo ba nahahalata parang pamilyar si Demi eh." ani August habang nagbubukas na naman ng panibagong supot ng marsmallow.
Tila nakuha niya ang atensyon ng anim pati sila Raffy at Seph eh tumigil muna sa pagbabato-bato pik dahil lagi naman silang tabla kaya wala pa silang score.
"Baka naman may kamukha lang." naninibago ang anim kay Grei dahil simula ng dumating si Demi ay naging madaldal narin ito.
Nagsitanguan lang sila at sumang ayon sa pahayag ni Grei.
"So anong plano? Isang linggo then I'm sure aalis narin yun." sabi ni Angelo napatingin naman sa kanya si Raven na nakakunot ang noo.
"Hindi ba kayo naaawa? Pag umalis yun san na siya titira?" ani Raven nagtaka naman ang anim sa narinig.
It's very unusual to hear from him that he cares for that girl. Kasi kahit kelan eh wala pa namang nakakuha ng atensyon niya at alam na alam ito ng kanyang mga kaibigan kaya nagtataka sila.
"Anong nangyari sa sungay mo Rave, naputol na ba?" tanong si Raffy habang tumatawa. Naalala niya kasi ang sinabi ni Demi.
"Gago!" ambang ibabato niya ang hawak na gitara kay Raffy ng nagsisigaw ito.
"Waaahhhhhh. Hindi naaa to naman hindi mabiro. Alam mo yung joke?"
Nagtawanan silang lahat ganito sila pag magkakasama. Laging nagbibiruan at nagtatawanan pero pag nasa labas na eh maraming takot sa kanila. Maraming umiiwas dahil sa ugali nila.
"Basta ang usapan pag nanalo tayo aalis siya." tila siguradong sigurado si Angelo na aalis na ang dalaga.
"But if she win, then let her stay." ani Raven hindi niya alam kung bakit siya nagkakaganun.
Dati naman eh wala siyang pakialam sa mga babae, normal na lang naman sa kanya iyon na maraming humahanga sa kanya. Pero since Demi came parang may biglang nagbago. Kahit pa kakakilala pa lamang nila dito kahapon.
Ibinaling ni Raven ang ulo niya sa kabilang direksiyon para mawala ang iniisip niya.
"Una si Angelo then si Garix, Rave, Grei, Raffy, August at lastly ako." turo ni Seph sa sarili niya habang nakangisi. Marami na kasi siyang naiisip na gawin para paalisin si Demi sa bahay.
Hindi naman sa ayaw niya kay Demi infact natutuwa siya sa presensya nito. He just want to make sure na hindi sila lolokohin nito.
"Gawin niyo lahat ng paraan para mapaalis siya. I don't want that girl in our house."
Sa kanilang lahat si Grei lang ang may ayaw sa dalaga. He finds her very mysterious like him. Sino ba naman ang hindi kung bigla-bigla nalang kakatok ang pinsan niyaㅡFaith. With a girl saying na may gusto kay Angelo, na nandito raw siya para putulin ang mga sungay nila at lastly to be their maid. Nagtataka lang siya sa nangyayari. You know Grei is observant at kahit kahapon lang nila ito nakilala eh alam niya nang may kakaiba sa dalaga, and he wants to know what it is.
"DEAL!" sigaw nilang pito at bakas na bakas sa kanila ang excitement.
"Uhh did I miss something?" hindi nila napansin ang pagpasok ni Demi kaya nagulat sila. Hindi naman kasi nila narinig ang pagbukas ng pintuan.
"Oh nandyan ka na pala?" tanong ni Raffy, Demi used her powers at huli niya lang marealize kung ano ang ginawa niya. Tumagos lamang siya sa pinto. I should use the door always paulit ulit niyang sabi sa sarili niya.
"He-he Oo bat di niyo napansin? pinaguusapan niyo ako noh?" tanong ni Demi naningkit naman ang mata ni Grei.
"Bat ka naman namin pag-uusapan sino ka ba?" sabi ni Angelo at tumingin sa labas ng bintana. Tanaw na tanaw niya ang buong school grounds. Bumalik narin sila sa kanya kanyang gawain.
"Sus deny pa narinig ko naman." bulong niya sa sarili niya.
"May sinasabi ka?" tanong ni Angelo na masamang nakatitig sa dalaga.
"May narinig ka ba?" umupo nalang si Demi sa pagitan ni Raffy at Seph at nilabas ang dala niyang box ng donut.
"Akin yung chocolate Seph!" sabi ni Raffy at tinapik ang kamay ni Seph. Tila bata silang nag-aagawan sa donuts.
"Eh pano yan chocolate yan lahat."
"Edi akin lahat." sabi ni Raffy kay Seph na nakapout hindi pa ito nakuntento at kinuha niya ang box na nakapatong sa maliit na lamesa na nasa harapan nilang tatlo.
"Pahingi kasi ako." pilit parin inaabot ni Seph ang box kay Raffy. Habang si Raffy ay sarap na sarap sa pagkain.
"Bleehhh." Raffy stick his tongue out.
"Bat sayo ba yan?" singhal niya kay Raffy, hindi na makatiis si Demi dahil naiipit na siya ng dalawa.
"A-aray bitaw na." sigaw ng dalawa ng pingutin sila ni Demi sa tenga.
"Akin na nga yan!" kinuha ni Demi ang box ng bitawan niya ang tenga ng dalawa.
"Hmmmppp." sabay na sabi ng dalawa hindi naman siya nakatiis nang makita niyang nakapout silang pareho. Ang cute sabi ni Demi sa isip niya.
"OH SHARE TAYO DIYAN AH. SHARE!" Tumango naman ang dalawa na parang bata. Ito ba yung kinakatakutan nila nagaagawan sa donut na parang bata? napangiti nalang si Demi sa kanyang naiisip.
Nang maubos nila ang donuts ay parang wala lang nangyare.
"So hindi manlang kayo magpapasalamat?" ani Demi sa dalawa.
"You're welcome." tumawa ang dalawa at nag-apir pa ito sa harapan niya. Gusto niyang sabunutan ang sarili niya akala niya kasi okay na. She just sighed kelangan niya talaga ng mahabang pasensya.

BINABASA MO ANG
Demi
FantasyDEMI Meet Demi ang anghel na pinababa sa lupa para patinuin ang grupo ng mga lalaki. Then there's Angelo ang isa sa mga target niya. Basagulero, palamura, laging nagkacutting at walang ibang ginawa kundi ang mangbully kasama ng mga kaibigan niya. W...