Chapter 1 - Once Upon A Time

777 11 3
                                    

"Boss."

Humarap siya sa lalaking bagong dating at tinalikuran ang tatlong lalaking kaharap.

"Tapos na po yung inuutos mo." sabi nito sa nanginginig na boses. Tumaas ang kilay nya at tinignan ito ng masama na lalong ikinanginig ng katawan nito.

"Kanina pa dapat tapos iyon, bakit ngayon ka lang?"

Iniamba niya ang hawak na baseball bat dito na naging dahilan ng biglaang pagluhod nito sa harap niya.

"Boss, patawarin niyo po ako. Medyo traffic po kasi at nawala ako." nanginginig na sabi nito.

"I don't care! Kapag sinabi ko, dapat gawin mo agad!"

Dumapa ito sa harap niya. Sa sobrang inis, inihampas niya ang hawak na baseball bat sa lamesa at binasag ang lahat ng nandoon.

Siya si Vendetta. Death para sa lahat ng tauhan niya. Oo, tama kayo. Siya ang amo ng apat na lalaking ngayo'y nakaluhod sa paligid niya. Ang apat na ito ay kabilang lamang sa halos singkwentang tauhan niya. Bakit sya may mga tauhan? Simple. Isa siyang gangster, miyembro mafia. Everything works the way she wanted it. Until one fateful day.

"No, Mom!" mariing tanggi niya. Paanong hindi siya tatanggi? Pinipilit nanaman siyang i-matchmake ng kanyang ina na si Victoria von Phoenix.

"But you're not getting any younger, Ven. Nag-iisa ka naming anak." Huminga siya ng malalim. Hindi na niya alam ang gagawin sa kapipilit ng mga ito na mag-asawa sya.

"Tama ang Mommy mo, Ven. Gusto na namin ng apo. Paano kung may mangyari samin?" pakikisama naman ng ama niyang si Blake.

"What the-?" nabitin sa ere ang mura niya nang maalala na ang mga magulang pala ang kaharap.

"Pagiisipan ko po." tangging nasabi niya. Alam niyang hindi siya titigilan ng mga ito hanggang walang solid na sagot na nagmumula sa kanya.

Nagpalitan ng makahulugang tingin ang mga magulang niya. She went out of her parent's house and lit a cigarette. Agad namang lumapit sa kanya ang tatlo niyang tauhan.

"Boss," tawag sa kanya ni Tyson. "Saan po tayo?"

"Kay Yamaguchi. Sinasagad ako ng hayop na iyon." sumakay na siya sa kotse kung saan naghihintay ang driver niya.

Sumakay sa passenger seat ang isa sa tatlo, habang sumunod naman ang dalawa pa niyang tauhan lulan ng isa pang itim na BMW. Habang tinatahak nila ang daan ay napansin niyang may tatlong van ang sumusunod sa sasakyan nila.

"Bilisan mo, Rocky." utos nya sa driver na parehong nakatingin din sa misteryosong sasakyan. Inilibas niya ang cellphone at tinawagan sila Tyson na nasa kabilang sasakyan. "Sa Dummy Road kayo dumiretso. Keep an eye."

"Yes, boss." sagot ng mga ito mula sa kabilang linya. Tinanguan niya si Rocky para doon din idaan ang sasakyan. Kung sakaling isa sa mga kalaban ang nagpadala ng mga goons na iyon, ayaw niyang madamay ang ibang tao. Pinaharurot ni Rocky ang sasakyan, at kapansin-pansin ang patuloy na pagsunod ng mga ito.

"Ihinto mo."

Agad namang nagpreno si Rocky at ipinarada ang sasakyan sa gilid ng Dummy Road. Isang lugar na wala halos dumadaan.

Agad na nagbababaan ang mga tauhan niya.

"Call Blaze. Tell him where we are." Utos niya kay Ars na agad namang sinunod nito. Pinaligiran siya ng mga ito nang dumating ang tatlong van. Nagbababaan ang hindi hihigit sa labinlimang tao na pareparehas na may pulang bracelet.

"Yamaguchi. Putcha."

Dehado sila sa bilang, pero hindi siya takot.

"If anything happens, escape at once. Itimbre niyo sa tropa agad. Keep DeathScythe safe." Ang DeathScythe na tinutukoy niya ay ang hideout nila at pangalan ng kompanya na pag-aari niya.

"Yes, boss!" sabay sabay na sabi ng mga ito. Nang ilabas ng mga tulisan ang mga hawak na baseball bat at baril ay naalarma siya. May mga armas din ang mga tauhan niya. At meron siyang samurai. No one can beat her with that. And her shooting skills are superb. Walang salitang pinaulanan sila ng bala ng mga kalaban. Yumuko siya at nagtago sa pinto ng kotse. Binaril ang lalaking pinakamalapit. Halatang handang mamatay ang mga ito para sa amo, at ganoon din ang mga tauhan niya.

Nagtuloy-tuloy ang palitan ng putok. Umaalingaw-ngaw sa tahimik na paligid ang palitan ng mga bala. She shoot another one on chest. And another one. And another one. Marami na ang bumulagta sa aspaltong daan.

"We can make it!" sigaw nya sya mga kasamahan. Until someone close to her place threw a tear gas. Nakaramdam sya ng agarang pagkahilo dahil sa amoy. Narinig niya ang pagtawag sa kanya ng mga kasamahan.

"Run!" utos nya sa mga ito. Nakita niya ang pagtakas ng mga ito, at ang pagsunod sa kanya ng ilang pang kalaban. In dizzy state, she tried to run fast away from them. Nagpapaputok ang mga ito na agad din naman niyang sinasagot. Hanggang sa maramdam niya ang pagdaloy ng ng maiinit na likido mula sa balikat niya.

"Shit!"

Bumababagal na din ang pagtakbo niya. Nakakita siya ng isang Dodge Viper na nakahimpil malapit. Konti na lang. Until she tripped and fall flat on the ground. Katapusan na niya. Kinapa niya ang baril gamit ang walang pinsalang kamay, pero hindi niya iyon mahanap. Masakit na ang mga paa niya. Ang balikat niya. Before anything went black, she felt someone coming for her. Isa ba ito sa mga kalaban ko? Hindi niya alam. Then that someone lift and carry her and then darkness ate her.

She's The GangsterWhere stories live. Discover now