Chapter 2: Knight In Shining Armor

385 10 3
  • Dedicated to Rachel Amoran
                                    

Panay ang sulyap ni Alrich sa babaeng nakahiga sa backseat ng kanyang sasakyan.

"Saan ka ba galing at duguan ka?" nag-aalalang sambit niya sa sarili. Hindi niya mawari kung sa bahay o sa hospital nya dadalhin ang duguang dalaga. Sa huli, napagdesisyonan niyang iuwi ito.

Pagdating sa bahay niya  ay binuhat niya ito upang dalhin sa guest room.

"Manang, pakitawagan si Doctor Del Carmen." utos niya sa mayordoma na sumalubong sa kanya.

"Sir, ako na po." alok sa kanya ng security guard niyang si Anton.

"Ako na, salamat."

Idineretso nya ang walang malay na babae sa guest room. Pinasadahan niya ito ng tingin. Naka-black pants, black shoes at black suit and tie ito. Maiksi din ang buhok nito. Pero halata parin sa maamong mukha nito ang pagiging babae.

"Sir, hindi kaya magnanakaw iyan?" tanong ni Manang Yolly sa kanya.

"Kahit anong uring tao pa sya, basta nangangailangan ng tulong, dapat natin tulungan." Kahit sya ay alanganin sa sagot.

Ilang saglit pa ay dumating na ang hinihintay nilang doktor. Agad niya itong pinapasok sa loob ng kwarto kung saan naroon ang dalaga.

"Anong nangyari sa kanya, Alrich?" pinunit nito ang bahagi ng suot na damit ng walang malay na dalaga na pinagdaanan ng bala. Sinuring mabuti kung paano matatanggal ang bumaon na bala.

"Ikuha nyo ako ng palanggana, lagyan ng mainit na tubig."

Nilingon niya si Manang Yolly at tinanguan ito. Agad naman itong lumabas para kunin ang mga kailangan ng doktor.

"Saan mo ba nakita ang dalagang ito, Alrich?"

"Sa daan." Matipid na sagot niya. Tumango lang ito habang inilalabas ang mga kagamitan.

"Ito na po, doktor." inilapag ng matanda ang palanggana sa lamesa. Sinimulan na nitong linisin ang sugat. Narinig nilang lahat ang pag-ungol ng babae habang tinatanggal ni Doctor Del Carmen ang balang bumaon. Ilang saglit lang ay inilabas na ng doktor ang bala mula sa balikat nito. Nakahinga ng maluwag si Alrich nang makitang tinatapalan na ng gasa ng doktor ang sugat.

"Kapag nagising siya, masakit iyan. Painumin niyo ng gamot." Iniabot sa kanya ni Doctor Del Carmen ang reseta bago umalis.

"Salamat, Doc."

Kanina pa nakaalis si Doctor Del Carmen at si Manang Yolly ngunit nanatili siyang nasa loob ng guest room. Binabantayan ang dalaga. Nakikita niya ang pagkunot ng noo nito na tila nagagalit. Napangiti siya sa sarili. Hinawi niya ang ilang hibla ng buhok na tumatabing sa mukha nito. Natigil siya nang may kumatok sa pinto at sumilip si Belen, isa sa mga kasambahay nya.

"Sir, nakahain na po." 

"Sige, Belen. Susunod na ako."

Nang mawala ito ay muli niyang binalingan ang dalagang nananatiling walang malay. He reached his hand on her face and massage her knotted forehead. Her features lighten a bit. And to his amazement, her lips curved in a smile.

"Mas maganda ka kapag nakangiti." sambit niya bago tuluyang lumabas ng silid at magdiretso sa komedor.

Doon ay nakita nya ang mga nag-aalalang mukha ng mga kasambahay.

"She'll be fine. Take good care of her. Then, we'll ask about her info. Areglado?"

"Opo." Sabay sabay na sagot ng mga ito.

Umupo na siya sa silya at nagsimulang kumain.

Pagkatpos maghapunan ay nagdiretso siya sa kanyang study room. Doon niya pinag-aaralan ang mga kasong hinahawakan niya at ng firm na pag-aari nila. Ang DW Firm. Isa siyang abogado. Habang pinag-aaralan ang isang kaso ay muling napasok sa utak niya ang magandang mukha ng dalagang natagpuan niya na duguan sa kalsada. He smiled to himself then grunt. "Hormones!"

Muli niyang inabala ang sarili sa trabaho. Hating-gabi na halos nang pumasok siya sa kanyang silid.

Hanggang doon ay hindi pa rin siya nakakaramdam ng antok. Maraming tanong ang pumapasok sa isip niya ukol sa pinagmulan ng dalaga. Ni wala nga siyang nakitang identification card sa bulsa nito. Walang cellphone. Walang wallet. At wala kahit na piso. Hindi naman ito mukhang pulubi o di kaya ay takas lang sa isang mental. Na-hold-up kaya ito? Pero imposible. Mayroon kasi itong suot na isang mamahaling relo. At may kwintas din na gawa sa ginto. Madaming tanong ang gusto niyang masagot. Hindi na niya alam kung anong oras siya nakatulog. Pero ang alam niya, umaga na iyon.

Napabalikwas ng bangon si Alrich nang marinig ang mga katok ni Manang Yolly.

"Nariyan na ho." sagot niya. Agad siyang tumayo mula sa kama at pinagbuksan ito ng pinto.

"Bakit ho?"

"Gising na siya." medyo kabadong saad nito.

She's The GangsterWhere stories live. Discover now