Kung maging tayo

21 0 0
                                    

(10th story)

"Ano na girl, bilisan mo na para makulot ko na yang buhok mo!"

Yan si Justin, bestfriend ko.

"Teka nga! Nag-bibihis pa eh!"

At heto naman ako...

"Napaka bagal talaga nga naman ni Gabriela Ilang-ilang!"Patuloy nyang pagsigaw.

Dumungaw ako.

"Hoy bakla! Wag mo nga ako matawag tawag dyan ng kumpleto kong pangalan,
Namumuro ka na Justin Pinaglubakan."

Natawa ako nang bigla syang nag-pipiglas na akala mo ay diring diring sa narinig. Tawang tawa rin talaga ako pag naasar ko sya.

Nandito kami ngayon sa bahay, nag-re-ready kami ngayon para sa graduation ball sa school namin.

"Baks,okay na ba 'to?" Lumabas ako mula sa walk in closet ko para ipakita sa kanya yung suot ko.

"Baks! Perfect!"

Kami ni Justin simula nursery mag-kaibigan na kami nyan, kabisado na nga namin ang isa't isa. Pati kung sino yung umutot, alam na namin agad kung sino sa aming dalawa sa amoy ng mga utot namin.

Pag labas ko hindi ko alam na nakapag bihis na rin pala si Justin. Ang gwapo nya. Si Justin yung tipo ng bakla na hindi mo aakalain na bakla sya, oo bakla sya.Ang linis ng itsura nya, naka taas yung mga buhok, mamula mula yung mga labi nya. Hala heto na naman ako!

Erase. Erase. Erase.

Hindi pwede Gab, hindi pwede.

Bakit nga ba hindi pwede?

"Huy Girl! Ano na. Natulaley ka na dyan."

Ah. Kasi bakla sya.

"Ang pangit mo." Sabi ko sabay pasok ulit sa loob ng walk in closet ko.

Puso, tigil. Tagal na nating pinagusapan 'to diba? Wag si Justin, iba na lang. Alam mo namang malabo eh. Kaya kalma puso, okay... kalma.

Ilang oras pa at natapos na kami sa pag-aayos. Dahil wala naman akong boyfriend at hindi pa ako pinapayagan din nila mommy at daddy hangga't hindi ako nakaka graduate, ay si Justin ang nakaka date ko. Simula prom hanggang ngayon, si Justin lang. Sya lang naman kasi talaga.

"Sinabi ng kumalma."

"Ha?" Tanong ni justin. Nasa kotse nya na rin kasi kami.

Nasabi ko ba yun ng malakas, nakakainis ka talaga Gabriela!

"Wala. Kinakabahan lang kasi ako sa pinasuot mo sa akin na heels. Baka matumba lang ako."

Matumba at mahulog sayo. Kalma Gabriela!

"Sus, keribels mo yan."

Ngumiti na lang ako at tumingin sa bintana. Iniisip ko, dati naman noong mga bata pa kami ni Justin, hindi naman sya baklain, sya pa nngalaging nagtatangol sa akin pag may mga kaklase kaming binubully ako at kinukuha yung mga baon ko. Nag-start lang talaga nung first year highschool kami hanggang ngayong college nkami. Minsan pag may nagtatry na manligaw sa akin, sobrang protective nya na to the point na minsan nalilimutan kong bakla sya. Sya yung bakla na maasahan mo pa rin pag nangailangan ka ng lalaking kaibigan. Kaya naman kahit na alam ko na walang pag-asa, ayun patuloy pa rin akong nahuhulog.

Sa wakas at nakarating na rin kami sa venue. Nagpaalam ako na pupuntahan ko muna mga kaibigan ko na iba. Mag-kaiba kasi kami ng course na kinuha; ako architecture at sya naman engineering. Oh diba lakas maka popoy at basha. Pero hindi kami si popot at basha, kami si Gabriela Ilang-ilang at Justin Pinaglubakan. Ang baho ng movie 'pag kami naging bida.

Naging smooth naman ang party. Ang daming pagkain at yan naman talaga ang gustong gusto ko. Nag-start na magpatugtog ng sweet na kanta. Lakas maka prom. Tuwang tuwa naman yung mga babaeng may mga boyfriend syempre isasayaw sila, walang choice mga boyfriend nila.

Sa dinami dami ng lalaki dito, iisa lang naman ang gusto kong isayaw ako. Sya lang. Nasaan na ba sya?

"Binibini maari ba kitang maimbitahan sumayaw?" Nakangiti nyang iinilahad ang mga kamay nya.

"Kala mo talaga lalaki eh!" Pangaasar ko sa kanya sabay tawa ng malakas.

Nagulat ako nang ngumiti lang sya. Anong problema nito? Hinatak nya lang ako sa gitna para sumayaw.

Tahimik lang sya at nakakapanibago.

"May problema ba?" Tanong ko sa kanya.

Tiningnan nya ako sa mga mata ko at umiling. Ano ba Justin, baka matunaw ako nyan!

"Gab..."

"Mmh?"

"Gusto kita.."

Napatigil ako sa pag-sayaw, tama ba yung narinig ko?Gusto nya ako?

" ha? "

"Gusto kita simula pa noon. "Sabi nya habang nakatingin sa mga mata ko.

"Paano? Eh diba bakla ka?" Tanong ko sa kanya.

Nakatayo na lang kami sa gitna, parehas nakatingin sa mata ng isa't isa habang tumutugtog pa rin ang malumanay na kanta na sa lahat ng nagsasayaw ay napapayakap.

"Nagpanggap lang ako, nangako kasi ako sa daddy mo na habang hindi pa tayo nakakatapos ng pagaaral, hindi muna kita liligawan. " sagot nya.

"Inisip ko na lang na magpanggap na bakla, para kahit papaano hindi mo iisipin na lahat ng ginagawa kong pag protekta sayo ay dahil gusto kita. Gusto ko na makapag focus ka at ako rin sa mga goals natin." duktong nya pa.

Nakatingin pa rin ako sa mga mata nya, pinipilit basahin kung totoo ba yung mga sinasabi nya.

"Sorry kasi nagsinungaling ako sayo. Pero ginawa ko lang yun para sa atin, gusto ko na pag pwede na, okay na yung lahat. Alam ko hindi pa tayo nakaka graduate, pero nung makita kita kanina hindi ko na mapigilan ang sarili ko. Kailangan ko ng sabihin bago mahuli ang lahat."

"Bakit?" Naloko na, wala na akong matinong sagot.

"Si carl, may gusto yun sayo diba?" Tanong nya sabay iwas ng tingin sa akin.

" ha? Wala ah, partner ko lang sya lagi pero di ako gusto nun no!"

Hindi sya sumagot kaya naman it's time for me to make a move. Go gabriela!

Hinawakan ko yung dalawang pisngi nya at iniharap ulit sa akin. Ang tangkad nya kaya tumingkayad ako para halikan sya sa pisngi. Halata namang nagulat sya kasi namula sya. Ang cute  nya Lord!

"Gusto rin kita." Ngumiti ako at lumayo sa kanya.

"Tayo na ba?"sigaw nya

"Hindi pa tayo nakakagraduate sa thursday pa, tsaka ligawan mo muna ako no!" Tumawa kaming parehas.

Kung para sayo, para sayo. Matuto lang mag-hintay ng tamang tao, sa tamang oras...







ONE SHOT STORIESTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon