Handsome Girl :>

221 5 0
                                    

(A/N: 2nd story.)

"O.. O.... PASA MO NA SA AKIN!!" Sabi ko kay Justin.

"Oh, PAREKOY!!!" Sabi nya  sabay pasa ng bola sa akin.

Shinoot ko....

PASOK!!! HAHAHA.

"Nice game Alli ! hahaha" sabi naman ni Gab

"Ge, Bukas ulit." sabi ko sa kanila.

Nagpaalam na silang lahat sa akin, yung mga kalaro ko sa basketball. Ang saya talaga pag nakakapaglaro ako ng Basketball, iba yunbg feeling. HAAAY. :)

"ALLISON !! Pumarito ka nga!!" Sigaw ni mama.

Lumapit naman ako. 

"Ma, Alli na nga lang po." sabi ko.

"haay nako, pa-alli alli ka pa dyan! ikaw talaga, basketball nanaman yang ginagawa mo! " sabi ni mama. -,-

"Ma..."

Pumasok na kami sa loob ng bahay.

*

Ako si ALLISON, ALLI for short.

TBoom ako. :)) Ang daming nagsasabing sayang ako. Anong sayang sa akin, ang gwapo ko kaya. :) Pero kahit TBoom ako hindi ako nagpapagupit ng maikli, ang ganda kaya ng buhok ko, mahaba pero lagio lang itong nakaipit. Simula pagkabata ganito na ako, kilos lalaki, lalaking magdamit at nagkakacrush sa babae, pero ahh.. di pa ako nagkakagirlfriend. :( 4TH YEAR NA AKO :)

*

Nagbibike ako papuntang tindahan, bibili ako ng meryenda ko. :))

Nang biglang may lalaking tumawid.

P*cha! Napatumba yung lalaki. Sa sobrang pagaalala syempre kasi natumba eh. ko nagdali dali akong bumaba sa Bike ko at lumapit sa kanya.

"Kuya, sorry.. di ko naman sinasadya. Ikaw naman kasi bigla nalang tumatawid..." sabi ko habang hinahawakan ko ng padampi dampi yung balikat nya.

"So ako pa pala ang may kasa--" sumigaw sya kaso di nya natuloy sasabihin nya nang tumingala sya sa akin at para bang napatulala at napangiti na parang ewan sa akin. Ang weird.

Pare, di tayo talo. -,- gwapo din ako. Oo, may itsura sya, gwapo, maputi, matangos ilong at yung mga mata nya talaga ang pamatay kasi nasisinagan ng liwanag at kulay brown sya. Naelibs naman ako. weew, pero mas gwapo pa rin ako. bwahahaha.

Habang nakatitig sya sa akin na para bang nakakita ng anghel..

"Uhmmm, kuya, ok ka lang ba? masama ba bagsak mo? sorry talaga" sabi ko.

"Ok lang ako, pero mas Ok kung sayo ako babagsak." sabi nya na nakatitig pa rin sa akin.

Nakakapikon ahh. Kung di lang talaga kita nabunggo sinapak na kita.-,- Nakakainsulto sa pagkalalaki ko kahit kunwari lang. haay. -,-

"uhhmm, mukhang Ok ka naman. Alis na ako." sabi ko at akmang sasakay na sa bike ko nang pinigilan nya ako.

"Teka lang miss...."

Tama bang tawagin akong miss? sa gwapo kong 'to? nakakalalaki na talaga 'to eh kahit di ako lalaki.

".... pwede bang malaman ang pangalan mo?" dugtong nya.

"Bawal.." di nya ako pinatapos sa sasabihin ko nang bigla syang nagsalita.

"sige ok lang, kahit masakit yung bewang ko kasi nabagsak ako dahil nabangga mo ako, ok lang talaga kahit Pinipilit ko lang talaga makatayo kahit ang totoo ang sakit ng paa ko. OK LANG TALAGA."

ONE SHOT STORIESTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon