(5th story)
Ang init sobra! kahit nakapayong na ako tagus-tagusan pa rin yung init ng araw. Kailan ba magssnow sa pinas?
"Ate, Paload nga po. Kinse lang, sa TM." sabi ko sa tindera dito sa isang sarisari store.
"Paki lagay ng number dito." sabi ng tindera sabay abot sa akin ng isang notebook.
Pagkatapos ko ilagay yung number dun sa notebook, umalis na ako. Habang naglalakad ako, may nadaanan akong nagtitinda ng halohalo.
"Babalikan kita, kuha lang ako pera." bulong ko sa sarili ko tapos ngumisi ako. Para akong baliw.
Pagkapasok ko sa bahay namin, chineck ko muna phone ko kung nandun na yung load, pero Wala pa. Badtrip, babalik nanaman ako dun. tsk
Eh ano pa nga ba, kaya madali akong pumunta sa tindahan. Kinse din yun, may dos pa ngang patong yun bale 17 pesos din yun.
"Ate, Wala pa yung load." agad kong sabi.
"Nasend na, may confirmation na eh." sabi ni ate.
" Hala, Wala pa talaga. Patingin nga po ng number." sabi ko Kaya inabot sa akin yung phone nya.
0_______o
"Nasobrahan ng 3, dapat 2 na yung susunod eh, ba yan. " bulong ko sa sarili ko.
"Ate, Paload na nga lang Ulit." inis kong sabi. Eh paano pang halohalo ko na dapat 'to, kaso pinangload ko pa. Nakakainis. Ang init na nga ng panahon, tapos ang hot ko pa, tapos pati ulo ko umiinit.
Umuwi ako ng banas, may load nga ako kaso naiinis talaga ako. Nakasandal ako sa sofa, halos nakahiga na nga 'tong sandal ko eh. Naiinis kasi ako!
Banas talaga, ba't ba kasi nagkamali yung kamay ko sa paglagay ng number, yan tulog napadalawa tuloy gastos sa load.
Wala akong magawa, sobrang init nakakatamad din manood ng TV. Itext ko kaya yung napagsendan ng load ko na ibalik nya sa akin yung load ko. Agad kong kinuha yung cellphone ko at agad na gumawa ng isang text message.
" Hoy! akala mo sinuswerte ka. Ibalik mo yung load ko! nagkaload ka pa dahil sa akin! ibalik mo!!" sabi ko sa text.
Kaso hindi nagreply. Kukulitin ko pa, lokong 'to.
"Ibalik mo yung load koooo!!! di kita titigilan. Kaya kung ako sayo ibabalik ko na yung KINSENG load!"Text ko ulit sa kanya.
Tinadtad ko ng "HOY LOAD KO! MAGNANAKAW NG LOAD!!!!" Puro ganyan.
Napagod na ako sa pagtadtad Kaya nagpahinga muna ako sa pagtetext. Maya maya'y may nagtext. Aba nagreply na sya!
"Sino ka ba?" sabi nya.
agad agad akong nagreply.
"Ako lang naman ang dapat na nagmamay-ari ng load na meron ka ngayon. Kaya utang na loob, ibalik mo na lang. " sabi ko sa reply ko. Matagal magreply. Ano ba yan.
"Wala akong pake sayo. Sino ba naman kasing tanga ang magmamali ng number nya sa pagpapaload." Reply nya sa akin. aba!!!
BINABASA MO ANG
ONE SHOT STORIES
RandomAng daming storyang pumapasok sa utak ko kaya naisipan kong gumawa ng isang compilation ng mga naiisip ko. Every chapter different stories about love. Every chapter new characters. Created:2014, please mga so jeje pa talaga. Haha