My Author Crush

127 3 0
                                    

(6th Story)

"Pupunta sya sa MOA." parang tangang bulong ko sa sarili ko habang iniistalk ang facebook at twitter ni Sic. Author sya nung dalawa kong libro at syempre syempre syempre! Crush ko sya! Sobra!

Tumakbo ako sa kalendaryo ko at tiningnan kung anong araw sya pupunta sa MOA at sakto! sabado! May isang linggo pa ako para makapag-ipon!

Grabe, ang lakas ng pintig ng puso ko, pakiramdam ko mahihimatay ako! makikita ko na sya! sa wakas! Humiga ako, niyakap ko ang hawak hawak kong dalawang libro nya na nabili ko, dalawa lang, yung book 1 at 2 ng Diary ng hindi malandi slight lang, di naman kasi ako ganun kayaman para matustusan ang wattpad life ko.

"Ano kayang susuotin ko? magfloral kaya ako? wag.. baka magmukha akong garden. Magshorts kaya ako tapos tshirt lang para simple lang? wag.. baka magmukha akong vendor, di pa naman ako kasing ganda ni Anne Curtis na kahit basahan lang ang suot eh pwede ng rumampa. Eh anong susuotin ko!!" sabi ko sa sarili ko.

Gayahin ko kaya si Pipay, wag na lang ako maligo? tapos hindi rin ako magpapalit ng panty, isang linggo para malupit na amuyan, may regla pa naman ako. Ewan ko na lang kung hindi rin mainlove sa akin si sic my labs. Biro lang.

*

Lumipas ang mga araw, ni-hindi talaga ako gumastos sa school para lang bukas! pakiramdam ko nga may ulcer na ako, candy lang kasi kinakain ko, yung XO caramel para masarap, minsan pag gutom na talaga, skyflakes na nakalagay sa bulsa ng uniform ko na pabaon ni inay na padala ni itay galing saudi, biro lang. Sabado na nga kasi bukas at syempre syempre syempre! I have to stay fit, Joke!  syempre yun na nga, kailangan ko ng pera para makapuntang MOA! Hello? taga Cavite pa kasi ako at sa pagkaka-kwenta ko, 250 pa lang pamasahe na, kasama na yung jeep at tricycle doon. Oh diba nakakaloka?

Kinakabahan ako! ano kayang sasabihin ko sa kanya? 

"SIC!!!!! CRUSH NA CRUSH KITA!" wag, masyadong papansin at malandi. 

eh ganito kaya..

"Hi po, hihi. cresh pe kete." ano may singaw lang?

paano ba kasi kita makakausap? paano ko ba masisimulan ang pakikipagusap sayo my labs! Ang hirap naman nito, ang gwapo mo kasi. 

"Gelay!pumarito ka na at kakain na!" sigaw ni mama.

"Opo ma!" sigaw ko rin

Ayun nagsigawan na kami. Kala mo naman napaka laki ng bahay namin at dalawang bundok ang pagitan ng kwarto ko sa kusina. Paglabas naman ng kwarto ko kusina na.

"Ano ba ulam ma?" tanong ko.

"yung paborito mo." sagot ni mama na nakatikod dahil hinahanda ang pagkain.

Natuwa naman ako. "PORKCHOP?" sigaw ko.

"Hindi." sabi ni mama. "KETCHOP! nang mabusog ka!" sabi ni mama.

napa pout ako. "Ma naman eh." sabi ko.

Tumawa kaming dalawa. Pakiramdam ko nga pipay na pipay ako, ang pinagkaiba lang namin naliligo ako at nagpapalit ako ng panty. Parehas kasi kaming may nanay na praning pero mahal na mahal ko yan.

Pagkatapos maghugas ng pinggan, pumasok na ako sa kwarto ko. Kailangan ko ng mag beauty rest kasi magkikita na kami ni my labs bukas!

"Makikita na kita bukas my labs! iiiiiiiihhhhhhh" kilig na kilig na sabi ko sa kisame.

KINABUKASAN.. ♥

Naiiyak na ako, hindi ko kasi alam kung saan dito yung  SMX Convention center kung saan gaganapin yung MIBF, hindi naman kasi ako gala. Baka maubos lang oras ko kakahanap, nasaan ka ba my labs?

"Excuse me."  sabi ng lalaking nakabunggo sa akin mula sa likod ko.

"ano ba yan, hindi natingi---" Hindi ko natuloy yung sasabihin ko at nanlaki lang ang mga mata ko sa gulat at pakiramdam ko nagiinit ang mga pisngi ko.

"Sorry sorry miss, nagmamadali lang kasi.."sabi nya at agad agad na ding umalis papunta sa isang malaking building.

"my labs." nabulong ko sa sarili ko.

Segundo rin ang lumipas bago ako napabalik sa katinuan. At dali daling naglakad papunta sa pinuntahan ni My labs.

"Eto pala yun." pagkakita ko sa isang malaking building. Probinsyanang probinsyana ako.

Pumasok agad ako. 

Ang daming tao, saan ba dito yung sa mga wattpad? saan ba nagpunta si My labs? Nagtanong tanong ako at ayun nakita ko. Nakita ko na rin si My labs, daming tao. Katabi nya si Maevel anne, author nung My Tag Boyfriend kasama nya si Jasmine Curtis kasi ipapalabas sa TV 5 yun. Hindi ako makasingit. Mapa gilid daming tao. Paano ako makakalapit kay my labs?

"Excuse me.. excuse me po." sabi ko. daminbg ulo, hindi ko na matanaw si My labs.

sa wakas! naka singit na ako! Pero nasaan si My labs? Nawala sya sa inuupuan nya. Tanging mga fans at sila maevel anne na lang ang natira. Nanghina ako at naiiyak na. Si Sic lang naman kasi.. nasaan ka na? hindi ko na napigilan, tumulo na ang luha ko.

Nanatili akong nakatayo sa kumpol ng tao ng nagpapapirma kay maevel anne, hindi ko alam pero ayaw gumalaw ng paa ko. Nababangga na ako, naaapakan na nila paa ko, pero nanghihina talaga ako. Pakiramdam ko nasayang lahat.

*

Naupo ako sa may sea side habang kinakain yung binili ko sa KFC na Bucket Fries. Para akong tangang, kumakain ng fries habang naiyak. Drama dramahan ako ngayon. Gabi na rin eh, ewan ko kung anong oras na.

"Oo, nasaan ka ba? ah sige sige." sabi ng isang lalaki na may kausap sa cellphone.

Napalingon ako sa kanya at eto pati dito nakikita ko mukha ni my labs. Teka, si my labs to eh. HALA! SYA NGA!

"Si-sic?" nanlalaki ang mga mata ko nanaman. Nagiging hobby ko na to.

Lumingon yung lalaki at si SIC nga! Hala anong gagawin ko? oily na ba mukha ko? magulo ba buhok ko? mabango pa ba ako? Hayayay! 

Huminga ako ng malalim." ah-ano p-po kasi, pwe-pwede po bang magpapirma?"  sabi ko at ngumiti sya na nagpatigil ng puso ko ng ilang segundo, charot!

"Sure, sige sige." sabi nya at ngumiti nanaman sya!

Halos mapatalon ang puso ko! Kotang kota na yung puso ko! Ayokong mahimatay! hindi pwede.

Kinuha ko agad ang libro ko sa bag ko at pinapirmahan sa kanya, nanginginig pa ang kamay ko habang iniaabot sa kanya. Dear diary, eto na! Joke, di pala ako si Pipay! si Gelay ako.

"Ano pangalan mo?" sabi nya sa akin. 

"Ge-gelay po." sabi ko sa kanya.

Maygaaaaahddd!

Pagkatapos ng ilang minuto.

"Heto na yung libro mo, thank you ha. Kailangan ko na kasing umalis. Nice meeting you.Bye." sabi nya at ngumiti at umalis na.

nalungkot ako pero ang saya saya saya saya pa rin! nahawakan na nya yung libro ko tapos may pirma pa nya tapos nagkamoment pa kami na dalawa lang kami! waaaah! Mamaya ko na sa bahay babasahin yung sinulat nya. Uwi na muna ako.

*

Pagkauwi na pagkauwi ko kahit tinatawag ako ni mama ay tuloy tuloy lang ako sa kwarto ko, kating kati na kasi akong basahin kung anong nilagay ni my labs!

Binuksan ko...

Hi gegelay, thank you to the pempem and back for the support. ♥

sabi sa dalawa kong libro. GEGELAY? para tuloy JEJELAY. JEJEMON! Kasalanan to ng kabado kong puso, pero okay na yun at least may heart sa huli. Kyaaaaah! 

Kailangan ko ulit magstalk sa mga susunod pa at pag nagkita ulit tayo? sasabihin ko na talaga sayo ang I LOVE YOU SIC TO THE PEMPEM AND BACK! 

(A/N: Yun lang. :D Hindi lahat totoo ah, yung nakita ko sya na katabi sya ni ate maevel at yung hindi ako nakapagpapirma noong MIBF, totoo yun. Yung sa sea side hindi, kasi hindi talaga ako nakapagpapirma kay Sic, huhuhu. :D Sana mabasa mo ito crush, sic the great santos. :D Napagtripan ko lang gawin. :D ♥ ♥ ♥ ♥)

ONE SHOT STORIESTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon