(8th story)
WIFE
“Hi hon. Luto na ang breakfast.” Sabi sa akin ng asawa ko.
“ang sweet naman ng asawa ko, talagang ikaw ang nagluto ng breakfast ah. “ niyakap ko sya.
“Syempre, anniversary natin. Happy 5th anniversary, hon. “ sabi nya tsaka mabilis akong hinalikan sa labi ko.
“Happy anniversary. I love you.” Sabi ko.
“I love you always.” Hinalikan nya ulit ako.
“Tama na nga, baka maihi na ako sa kilig. Kainin na natin yung niluto mo. “ sabi ko.
Umupo na kami para kumain pero parang ang sangsang ng amoy ng niluto ng asawa ko.
“Hon? Bakit parang panis na ‘tong pagkain?”
“Ha? Kakaluto ko lang nito, hon.” Sabi nya. Tsaka inamoy iyon para makasiguro na din. “hindi naman, hon ah. Okay naman ang amoy.”
“Hindi eh, amoy panis talaga hon.”
Tumingin sya na parang naguguluhan. Pero inilayo nya na lang sa akin.
“Osige, hon. Luto na lang ako ng bacon para sayo.” Sabi nya na parang nalungkot.
Tumayo sya para magluto. Tumayo din ako at niyakap ko sya.
“Hon, sorry ah. Hindi ko lang talaga alam kung bakit parang naamoy ko parang panis.”
Humarap sya sa akin habang nakayakap pa rin ako sa kanya, hinaplos nya ang pisngi ko at ngumiti sya.
“Okay lang, hon. “ sabi nya at hinalikan ako sa labi.
Masasabi ko na napaka swerte ko at nagkaroon ako ng asawang napaka maintindihin kagaya ng kayakap ko ngayon. Kaya mahal na mahal ko ‘to eh.
Pagkatapos nyang magluto ay kumain na kami. May pasok pa kasi sya, ako naman wala akong trabaho ngayon kaya dito lang ako sa bahay. Siguro nga pag nagka anak na kami ni Dane, mas matutukan ko sya kasi di naman palagi yung pasok ko.
“Hon, alis na ako.” Sabi nya. “I love you, happy anniversary. See you later. “ nag-wink sya sa akin. Natawa naman ako sa ginawa nya, kahit limang taon na kaming mag-asawa, kinikilig pa rin sa mga pang-teenager nyang mga kilos.
“I love you too. Happy anniversary, hon.”
Hinalikan nya ako sa labi ng mabilis tsaka sumakay na sa kotse nya para pumunta na sa trabaho nya. Habang pinapanood ko syang paalis ay kumakaway ako sa kanya.
Pumasok na ako sa loob ng bahay, tutal wala akong trabaho ngayon, mag-lilinis ako ng bahay. Kailangan ko na ring palitan ang sapin sa kama namin, lalabhan ko na rin ang mga labahan. Papalitan ko na rin ang mga kortina, pero kailangan ko munang ilabas yung manok sa ref para lumambot na, magluluto ako ng tinola. Teka? Anong araw ba ngayon? Dadaan ata ang basura ngayon, ilabas ko muna.
BINABASA MO ANG
ONE SHOT STORIES
RandomAng daming storyang pumapasok sa utak ko kaya naisipan kong gumawa ng isang compilation ng mga naiisip ko. Every chapter different stories about love. Every chapter new characters. Created:2014, please mga so jeje pa talaga. Haha