"Pupunta ka ba sa reunion ng batch natin noong highschool?" Tanong sa akin ni Rein.
Napatingin ako bigla sa labas, nandito kami ngayon ni Rein sa isang Coffee shop. Napaisip ako sa tanong ni Rein. Actually, last week pa ako sinabihan nung isa pa naming kaklase noong highschool pero hanggang ngayon hindi ko pa rin alam kung pupunta ba ako.
"Hindi ko pa alam. Ikaw ba?" Tanong ko pabalik sa kanya.
"Pupunta ako kung pupunta ka, alam mo naman na hindi naman ako mahilig pumarty." sagot nya habang nilalaro ang straw ng inumin nya.
Sya kaya? Pupunta kaya sya?
Tumungo ako at pinagmasdan ko ang cake na inorder ko.
"Sino ba mga pupunta? Yung tropa nila Farah pupunta ba? Sila... Vince?" Tanong ko.
Napatingin sa akin si Rein.
Nagkibit balikat lang sya, wala naman kasing alam si Rein sa nangyari sa amin noon kaya buti na lang talaga dahil kung hindi... Nako tadtad na ako ng asar dito kay Rein.
Nagkwentuhan lang kami ni Rein hanggang sa mapagdesisyunan na naming umuwi na. Malapit lang naman condo ko dito kaya naglakad na lang ako. Nang makarating na ako sa unit ko ay agad akong pumunta sa higaan ko para humiga. Napabuntong hininga ako habang paulit ulit na tumatakbo ang pangalan nya sa isip ko... Vince.
Hindi ko alam na masarap pala tumitig sa kisame. Medyo matagal na akong nakatitig doon nang maramdaman kong may tumutulong luha sa gilid ng mga mata ko. Hinayaan ko lang yun at napangiti ng mapait.
Kumusta na kaya sya?
Pumikit ako at inalala ang mga nangyari noon.
Noong mga bata pa lang kami ni Vince ay magkaibigan kami. Lagi sya noong inaasar dahil mataba sya at ako naman ang laging nagtatanggol sa kanya. Lagi kami noong naglalaro ng bahay bahayan sa may ilalim ng puno ng mangga sa may bukid. Gustong gusto namin maglaro doon kasi bigla na lang may nalalaglag na mangga.
"Oh kunwari ngayon ikakasal tayo." sabi ko sa kanya.
Dala dala ko ang kapirasong tela na kinuha ko sa tinatahi ni mama. Inilagay ko iyon sa ulo ko at kumuha ng maliit ng sanga ng dahon na nalaglag sa puno. Nagsuot ako ng dress ko na puti para mukha talaga kaming ikakasal.
Sya naman ay inayos ang buhok nya at naka puti rin syang t-shirt. Namumula mula pa ang mataba nyang pisngi habang nakatingin sa akin.
"Oh kunwari tapos na, isuot mo na sa akin yung singsing." sabi ko sa kanya.
Tumango naman sya at kinuha sa bulsa nya ang maliit na minnie mouse at mickey mouse na singsing sa bulsa nya. Isinuot nya sa akin ang minnie mouse at isinuot ko naman sa kanya ang mickey mouse na singsing.
At nang mga oras na iyan, alam ko na... Alam ko na na gusto ko sya.
Pero habang lumalaki kami, lumayo na sya. Nagkaroon na sya ng mga bagong kaibigan, minsan na lang kami magkausap hanggang sa dumating sa punto na kahit magkasama kami hindi na kami nagsasalita kasi wala kaming mapagusapan pero kahit na ganoon hindi pa rin nawawala ang pagkagusto ko sa kanya.
Hanggang sa maghighschool na kami at dahil nga sa hindi na kami magkaibigan ni Vince ay may mga bago na rin akong kaibigan, sila Zoe at Rein. Sila ang naging mga kaibigan ko simula noong hindi na kami nagkakausap ni Vince, mas nauna ko nga lang naging kaibigan si Rein.
Magkaedad lang kami ni Vince kaya magkabatch kami pero hindi kami nagiging magkaklase. Hindi man kami naguusap pero nagngingitian naman kami kapag nagkakasalubong. Medyo maganda na ang katawan nya, hindi na sya yung chubby na bata na kalaro ko ng bahay bayahan sa may ilalim ng puno ng mangga. Naging mas gwapo rin sya dahil na rin sa pagbibinata ay tumangkad rin sya.
BINABASA MO ANG
ONE SHOT STORIES
RandomAng daming storyang pumapasok sa utak ko kaya naisipan kong gumawa ng isang compilation ng mga naiisip ko. Every chapter different stories about love. Every chapter new characters. Created:2014, please mga so jeje pa talaga. Haha