(7th story)
HER
Naghahanap ako ng librong pwedeng basahin, ito kasi ang madalas kong gawin. Lagi akong pumupunta sa isang library malapit sa school namin pero 'tong library na ito ay hindi sa school namin. Isang malaking library ito at maraming lumang libro dito. Napunta ako dito pagkatapos lagi ng klase namin, kasi laging half day lang ang klase ko.
Kakaunti lang ang mga tao dito lagi, kasi kakaunti na lang din ang taong mga mahilig magbasa, madalas kasi sa internet na lang kumukuha ng mga impormasyon kahit kulang kulang nakukuntento na kasi naniniwala naman sila na tama ang mga nakukuha nila sa internet. Para sa akin kasi, hindi naman sa hindi ako naniniwala sa internet na yan, kahit paminsan-minsan eh sumasanguni din ako sa internet pero mas naniniwala kasi ako na mas maigeng magbasa ng mga libro kaysa sa internet,
Nakakuha na ako ng mga librong pwede kong basahin para sa gagawin ko. Naghanap kasi ako ng libro na may kinalaman sa mga sakit sa utak, may isusulat kasi akong kwento tungkol doon. Mahilig kasi akong magsulat ng mga story, ewan ko nakahiligan ko na lang.
Tahimik lang akong nagbabasa nang biglang may nagpatong ng libro sa lamesa kung nasaan ako nakaupo kaya napatingin ako sa kanya.
"Pwede makiupo, miss?" sabi ng isang lalaking nakaupo na sa harapan ko.
Tumango na lang ako, ano pa bang magagawa ko eh nakaupo na sya nung naisipan nyang magtanong sa akin kung pwede bang maki-upo. Pero syempre ang hindi ko maintindihan, ang lawak lawak ng lugar at sabi ko nga kanina, kakaunti lang ang tao dito, bakit kailangan nya pang maki-upo sa kinauupuan ko?
Naiilang ako, pakiramdam ko may nakatingin sa akin. Sumilip ako ng konti, pero syempre nakatakip pa rin ako ng libro. Nakita kong nakasilip din ang lalaking nasa tapat ko kaya napataas ang kilay ko at dahil doon itinaas nya ang librong hawak nya para takpan ang mukha nya. Ano bang problema ng lalaking 'to? pinagtitripan ba nya ako?
HIM
Maagang natapos ang klase ko kaya pumunta na lang ako sa library malapit sa school namin. First time ko lang makakapasok dito, hindi naman kasi ako mahilig magbasa ng libro. Aanhin ko pa ang libro kung nasa internet naman ang lahat. San ka pa?
Ang laki pala nitong library na ito, parang isang mall ng mga libro. Kakaunti lang ang taong nandito, sabagay yung iba nasa computer shop na para doon magcomputer.
Habang kunwari akong nagtitingin-tingin ng mga libro na kunwaring babasahin ko eh may isang babae akong nakita na parang may hinahanap. Ang ganda nya, maputi, mahaba yung buhok na sa dulo lang ang kulot tapos may full bangs sya at nakasalamin sya na parang kay ninoy pero kahit ganoon ang ganda nya pa rin.
Kaya ang ginawa ko ay sinundan ko sya. Napangiti ako ng ngumiti sya kasi parang nakita na nya ang hinahanap nyang libro. Ang dami nyang kinuha, gusto ko syang tulungan pero bigla na lang syang umalis.
Sinundan ko pa rin sya, nakatago lang ako. Nakita ko syang umupo na at sinimulan na nyang basahin ang libro na kinuha nya. Paano ba ako makakalapit sa kanya? Kumuha din ako ng libro na kunwari ay babasahin ko.
Lumapit ako sa kanya, umupo ako bago ko inilapag sa lamesa ang mga libro. Napatingin sya sa akin, at para akong pinana ni kupido,
"Pwede makiupo, miss?" sabi ko sa kanya. Tumango lang sya at bumalik na ulit sa pagbabasa.
Hindi naman talaga nga ako nagbabasa ng libro diba, kaya ang ginawa ko ay kunwari nagbabasa ako pero tinititigan ko lang sya. Akala ko hindi nya ako mahahalata, pero napansin nya ata kaya sumilip sya at nakita nya akong nakasilip din. Magpapakilala sana ako pero nung tinaasan nya ako ng kilay ay nahiya bigla ako at itinaas ko ang libro sa mukha ko. Paano ko ba sya makikilala?
BINABASA MO ANG
ONE SHOT STORIES
RandomAng daming storyang pumapasok sa utak ko kaya naisipan kong gumawa ng isang compilation ng mga naiisip ko. Every chapter different stories about love. Every chapter new characters. Created:2014, please mga so jeje pa talaga. Haha