(A/N:3rd story)
January 14.
"Happy monthsary babe." Sabay bigay sa akin ng flowers and Chocolates.
"Happy Monthsary din babe." sabi ko sabay yakap sa kanya.
Ang sweet ng Boyfriend ko.
Hi :) ako nga pala si Thia Fuentes. Loyal at sobrang magmahal na klase ng babae.
Si Gino , Boyfriend ko.
Mag1 year na kami next month, Feb. 14 ♥
Monthsary namin ngayon, nasa Mall Of Asia kami, sa Ferris wheel. Maganda rin pala pag mabagal ito no? mas naeenjoy ang view at yung moment na kasama mo yung taong mahal mo.
"Babe" bulong nya sa akin habang nakayakap sa bewang ko at nakapatong ang ulo sa balikat ko.
"mmmmhh?"
"Kahit anong mangyari, tandaan mong mahal na mahal kita ha." sabi nya.
Ewan ko pero tumaas ang mga balahibo ko. Bakit kaya? Hindi ako mapakali. o_0
"h-ha?" sabi ko sa kanya.
"sa 11 months natin babe, masasabi kong ang 11 months na yun ang pinaka masayang sandali ng aking buhay. Alagaan mo palagi ang sarili mo, wag matigas ang ulo, tapusin mo yang kurso mo. Babe......" sabi nya at huminto ng saglit dahil parang pinunasan nya ang ilong nya, parang may sipon.
"Babe, mahal na mahal kita kahit anong mangyari at mamahalin kita hanggang sa huling hininga ko. Hindi kita iiwan babe." pagpapatuloy nya.
"Tama na nga babe, alam mo mahal na mahal din kita at patuloy kitang mamahalin kahit sobrang drama mo. ha-ha-ha" sabi ko sabay tawa ng pilit. Sa totoo lang, naiiyak na ako sa mga sinasabi nya kasi parang naghahabilin na sya o naglalast word na sya sa akin. Ayoko umiyak, siguro kaya lang sya nagiging emosyonal ngayon kasi magiisang taon na kami next month. Tama yun lang.
Niyakap nya ako ng mahigpit na mahigpit halos hindi na ako makahinga, literal na hindi makahinga kasi sobrang higpit nga.
Natapos ang araw na ito na sobrang saya.
♥
=====
"Wait babe." sabi ni Gino. Humawak ito sa kanyang ulo.
"Bakit babe?" tanong ko sa kanya.
"wala babe, sumakit lang ulo ko." sabi nya at ngumiti sa akin.
"Mukhang napapadalas na yan babe ah. Ayos ka lang ba?" sabi ko sa kanya.
Ilang araw na kasi syang ganyan, laging masakit ulo.
"Wala 'to babe, siguro sa pagod lang. Graduating na kasi eh. hehe"
Mas matanda kasi sya sa akin ng 1 year. Kakatapos nya lang magsalita bigla nanaman syang napahawak sa ulo nya.
"babe, ano ba ayos ka lang ba talaga? Please naman sabihin mo naman yung totoo sa akin." sabi ko sa kanya.
Ngumiti lang sya sa akin at parang hindi pinansin ang sinabi ko.Inakbayan nya ako.
"Tara na babe, kain na tayo." sabi nya.
Lumakad na kami, hindi na ako nakapagsalita kasi baka kaya nasakit ulo nya kasi nagugutom na sya.
====
Ilang araw pa ang lumipas, lalong dumadalas ang pagsakit ng ulo ni Gino. Minsan pa nagiging makakalimutin sya, isang beses pa nga hinahanap nya yung panyo nya hindi nya matandaan kung saan nya ba talaga nailapag yun pala nasa bulsa nya lang. Minsan pa ay nawawala sya sa sarili nya, yun bang kinakausap ko sya pero parang lutang lang sya tas pag kinalabit mo magugulat at nakalimutan na nanaman nya lahat ng pinagusapan namin. Nanlalabo na rin ang mata nya na pinagtaka ko, ang linaw linaw kaya ng mata nya tapos ngayon kahit malaking letra na minsan hindi nya pa mabasa.
BINABASA MO ANG
ONE SHOT STORIES
RandomAng daming storyang pumapasok sa utak ko kaya naisipan kong gumawa ng isang compilation ng mga naiisip ko. Every chapter different stories about love. Every chapter new characters. Created:2014, please mga so jeje pa talaga. Haha