SHIENA
.
.
.
.
As usual maaga ulit akong gumising kahit hindi ako nakatulog ng maayos kagabi. Marami kasi ang pumasok na kagagahan sa kokoti ko eh!
Plus yong nakakahiyang pang-yayari kahapon na di ko makalimutan! Sarap magpalamon sa floor.
Gusto nyong malaman? Here's the munting flashback.
FLASHLIGHT ....I MEAN FLASHBACK.....
"Wooh! girl nagsuccess ka! Pero what happen ba? " bungad agad sa akin ni Therese.
" Dhay! naibigay ko sa kanya! hehe! nakakakaba masyado! "
"Hala teh! Good job! sabi ko sayo eh! Anong sabi nya? Natuwa ba! "
"Ewan ko nga eh! since kumaripas ako ng takbo hindi na sya nagsalita pa! "
"Ay gaga ito! hinintay mo sana na magthank you! or baka sabihin non wow Shiena ang sarap nito! dahil dyan doble na ang sweldo mo! " sabi nya at ginaya pa ang boses ni Sir.
"Tange! Bumalik na nga tayo sa trabaho! "
Pagkaupong pagkaupo ko doon sa chair ko halos lumuwa ang mata ko!
Hala! Anong ginagawa ng burger dito sa mesa ko! Bakit to nandito? Binigay ko to kay sir diba? Paano to napunta dito! Minumulto ba ako? Or baka may naglagay lang talaga ng burger sa mesa ko?
"Hoy Morat! May burger ka bang nilagay sa mesa ko? Ikaw ha? May lihim ka palang pagtingin sa akin hindi mo man lang sinasabi! "
Pero deep inside kinakabahan talaga ako. Para kasing may di magandang mangyayari.
"Yuck! ofcourse not! Tsaka if ever na may burger ako, kakainin ko yon no? "
"Eh kanino to? "
"Abay ewan! "
"Kanino kaya to-OH MY GEE! " Paktay talaga.
"Hoy Bakit? May multo ba? " tanong ni Therese.
" Therese! Answer me! na sayo ba ang napkin ko na ibibigay ko sana kay Sarah Babe? " Tanong ko just to make sure na hindi totoo ang nasa isip ko.
"Ha? Wala ah! Ikaw kaya may dala non! Bakit?"
"Waaah Therese! Did you notice na the same ang plastic na pinambalot ko sa napkin at sa burger? "
"HALA H-hala Teh! Wag mong sabihing!-"
"Oo tama ka teh! Waaah! since nandito ang burger! edi yong napkin ko ang naibigay ko! Hala teh! Help me! "
"MISS RAFALES? "
"HAROJUSKO!!! " sabay yuko ko bigla at nagtago sa ilalim ng mesa. At ginawa ang earthquake drill na turo sa amin noon. Ang duck, cover, and hold.
Hindi ako nagkakamali, boses yon ni sir. T-Tinatawag nya ako!!! Jusko po! Dear Sahig, please eat and swallow me! but just spit me after 1 year.
Ano kayang gagawin nya? Sisisantihin ako? Paano na ang fix marriage ko? Ang tanga-tanga ko naman kasi eh!
Kasalanan talaga to ng napkin na yon. Ay hindi!Kasalanan to ng saleslady na nagbalot ng napkin na yon.
"Miss Rafales? "
Napasigaw ako ng bilangkad nong biglang dumungaw ang mukha ni Sir sa akin. At ang lapit masyado. Para bang nagsasabing 'Huli Ka'
"S-sir! Naku! Sir pasensya na! Sorry talaga! Eh kasi yong pambalot ng napkin tsaka yong sa burger ay thesame. Kaya sir sorry! Mag-iimpake na ba ako? " Halos pula pa sa dugo ang mukha ko sa kahihiyan. Nakita kong nagsitayuan bigla ang mga employees at nasa mukha nila ang OMG-Nakakahiya-yon-look. And then nilagay ko ang dalawa kong nakayukom na kamay sa chin ko sabay nakapout pa ako. Naiimagine nyo ba?
BINABASA MO ANG
Falling Challenge
Любовные романыPaano kung i- Challenge ka na pa-inlovin ang boss mo with in just 10 Days? This story ay tungkol sa isang babaeng alinga-nga, ale-ler, shunga-shunga, parang timang,Loka-loka , at mukhang engot na binigyan ng task para pa-inlovin sa kanya ang boss n...
