SHIENA
.
.
.
.
"Morning friend! " sabi ko kay Therese at nakisabay narin papasok sa office.
" Hhmmm-waaaah! Shiena bwiset ka talaga! "
Ha? Anong problema nito? Bakit iiyak nalang bigla? Meron ba sya ngayon? O nababaliw lang talaga.
"Ha? Ano bang ginawa ko?" tanong ko.
" Hindi ko kasi napangiti si Lawrence ko sa tula ko eh! Kumunot lang yong noo nya" sagot nya.
"Ha? Paki ko? Kasalan ko ba? Baka naman kasi ang panget ng tula mo?"
"Pero sayang ang effort ko teh! "
" Nah! pasok na nga lang tayo! "
*----*
Nasa middle ako ng pagtatrabaho ng biglang lumabas si Sir sa Office nya.
"Sir! Good day! " sabi ko while nakatayo.
Kininutan nya lang ako ng noo at tuloy-tuloy na syang umalis. Parang may emergency appointment or meeting ata!
Yong ibang employees naman ay tumingin sa akin.
Sinulyapan ko si Therese at tiningnan nya lang ako ng ilang-beses-ka-ng-nag-greet-kay-sir-look.
Tsaka ko lang narealize yon. Masyado na ata akong halata.
"Ahm.. hehe! " hiyang-hiya akong umupo.
"Psst! Wala ka bang planong gawin ang step 3?" tanong ng loka-lokang si Therese habang nakadungaw sa akin.
"Oo pero... " I paused.
"Pero ano? "
"Pero super nakakahiya ang step 3 eh! " dugtong ko.
"Ha? Bakit ano ba yon? " tanong nya.
"*sigh* ayaing magdate! daw! " sagot ko.
"Ahaha! Your right! nakakahiya nga! AROUCH!" Binatukan ko nga. (Arouch- combination of aray and ouch! )
"Grabe ka! Tulungan mo nalang ako kung paano sasabihin sa kanya" sabi ko.
"Well, that's so easy! "
"Talaga? How? Tell me.. Dali! " Sabay alog-alog sa kanya.
"Arouch! Bitawan mo muna ako! " Binitawan ko naman sya kaagad.
"Ganito lang yan oh... " pagkukewnto nya.
[Imagination of Therese's Plan]
Therese's POV
11:50 nang bumalik si Sir Zyron sa Office nya. Para kang timang na maglalakad papunta doon sa office ni Sir para ayain syang sabay kayong maglunch!
Pagpasok mo sa office nya ay nakita mo syang gwapong-gwapong nakaupo sa swivel chair nya habang nakabukas pa ang polo nya at lantad na lantad ang pandesal nya sa tyan.
Naglalaway kang lumapit sa kanya at walang pagdadalawang isip na nagsabing..
"Can I go out on a date with you handsome? " naka-puppy eyes mong sabi with matching kumikinang pa ito.
"Sure! " sabay tayo ni Sir at inakbayan ka.
You grab the chance na mahawakan ng few seconds ang pandesal nya.
Tapos instead na dalhin mo sya sa restaurant ay dinala mo sya sa isang napakagandang lugar na ikaluluwa ng mata nya.
Maglalagay kayo ng blanket sa grass and then magpipicnic kayo. Mag-uusap kayo ng ilang anak ang gusto nyong magkaroon and then maya-maya ay huhubad sya dahil maliligo sya sa Maria Cristina Falls. And then susunod karin sa kanya at malalasing kayo habang naliligo... And then AROUCH!
*END OF THERESE'S WILD IMAGINATION *
SHIENA
Binatukan ko sya bigla. Ang wild kasi ng imagination nya. Lahat impossibleng mangyari. Tanong ko nga? Nasapian ba to ng malanding ispiritu?
"Bakit? What's wrong with my effective plan?" tanong nya.
"Effective plan ka dyan! Ang laswa nga eh! Naiimagine ko pa lang napapayuck na ako! " sumbat ko.
"But-"
" No but.. hindi ko gagawin yon!" sabi ko.
I swear! hindi ko gagawin yon..
*****
Sometimes I really hate Therese. Para syang Therang. Theranggutan. Alam nyo kung bakit?
Kasi saktong 11:50 ay bumalik na si Sir at ako ngayon ay parang timang na naglalakad papasok sa office nya.
Pinagpilitan nya kasing gawin ko ang wild imagination nya.
Binlackmail kasi ako ng gaga na ikakalat nya sa buong mundo ang tungkol sa Painlovin si Boss Zyron Operation pati narin ang fix marriage ko.
At ako naman na uto-uto ay walang ng nahawa kundi ang mag tremble habang papasok sa office ni Sir.
Ok Shiena hingang malalim. Wag mong isiping totoo nga ang wild imagination ni Therang na nakabikas ang polo ni Sir at lantad na lantad ang mga pandesal nya.
*Tok! tok! tok! *
Kumatok ako.
"Come in! "
Pagbukas ko nakapikit pa ako dahil ayokong makita kung totoo ngang nakabukas ang polo ni Sir.
"Miss Rafales? " tanong nya.
"Ahm.. hehe" sagot ko.
"Why are you sleeping? Sleepwalk?" tanong nya ulit.
"Ahehe! " sagot ko.
"Sleepwalk and sleeptalk?" tanong nya ulit.
"Ahehe! Gising po ako! " at iminulat ko angga mata ko. Phew buti hindi sya naked- I mean nakabukas ang polo.
"What are you doing here! Hindi ka ba maglulunch ngayon? " tanong nya.
" A-actually S-sir ahm.." Ano ba yan.. hindi ko ata kaya.
"Hmm? "
" Sabaynatayongmaglunch! " mabilis kong sabi.
"Ha? I didn't catch that! "
" A-ahm Sabay na tayo! " nakayuko kong sabi dahil sa kapulahan ng mukha ko.
Since nakayuko ako di ko nakita reaction nya.
"K. " tipid nyang sagot.
Yes! Haha! Success.
Ganun pala kadali yon eh! Sabay kaming maglunch pero iisopin ko nalang date yon.
*****
Supposed to be ako dapat ang gagastos kasi ako ang nag-aya pero sya ang nanlibre. Oh well At least makasave ako ngayon ng money.
" Sir Thank You ah!" sabi ko sa kanya habang nakasakay ako ngayon sa kotse nya.
Oh diba? Ang haba ng hair ko. Nakasakay ako sa mabangong kotseng ito. Inggit kayo.
" You're Welcome! thanks din dahil sinabayan mo akong maglunch. Now I know kung gaano ka kadaldal. " natatawang sabi nya.
" Ikaw talaga-" napatigil ako ng nag chuckle sya.
" Why?" tanong nya.
" Nothing... it's just.. I saw an angel" wala sa sarili kong sagot. Lutang eh. Dahil sa walang yang chuckle na yan.
" Ha? "
" A-a I mean mas gwapo ka kapag nakangiti. "
" Oh nandito na pala tayo! " sabi nya at bumaba sa kotse.
Hinintay ko sana syang pagbuksan ako pero narealize kong hindi nga pala sya gentleman.
*******
BINABASA MO ANG
Falling Challenge
RomancePaano kung i- Challenge ka na pa-inlovin ang boss mo with in just 10 Days? This story ay tungkol sa isang babaeng alinga-nga, ale-ler, shunga-shunga, parang timang,Loka-loka , at mukhang engot na binigyan ng task para pa-inlovin sa kanya ang boss n...
