Tenth Chapter

32 2 0
                                    

Seventh Day part 3

---

Zyron

"Let me tell you her suffering.. Alam mo bang halos mabaliw sya kahapon sa pag-aalala dahil hindi ka nakapasok sa office? Tapos umabsent sya kahapon dahil may lagnat ka raw. Inalagaan ka pa nga nya eh! Hindi mo ba nabasa yong note nya? Tapos kaninang umaga naghintay sya ng naghintay sayo. Text sya ng text. Tawag sya ng tawag. Umabot syang ala y singko ng gabi sa paghihintay sayo kaya ako nalang ang humatid sa kanya. Ngayon nasa Hospital na sya dahil sa KAGAGAWAN MO !"

Teka! Si Shiena? Sya yong nag-alaga sa akin? Sa kanya galing yong note?

Tsaka ko lang narealize na si Shiena nga yong nag-alaga sa akin. Bakit ba ang bobo ko? Bakit hindi ko kaagad naisip yon? Bakit hindi sinabi ni Donna na hindi pala sya ang nag-alaga sa akin?

Malabong si Donna ang nag-alaga sa akin kasi inutusan ko sya non na kunin yong laptop ko diba?

" Nasaang Hospital si Shiena? What room number?"

" HINDI KO SASABIHIN! SINAKTAN MO SYA KAYA WALA KANG KARAPATANG LAPITAN SYA FROM NOW ON!"

I look at her ..

" ANO MO AKO? DIBA BOSS MO AKO AT EMPLEYADO KITA? EH BAT MO AKO SINISIGAWAN? GUSTO MONG MATANGGALAN NG TRABAHO?!"

" ah s-sir ito naman highblood kaagad.. Sige lang lapitan mo lang sya. Nga pala... Bayawan District Hospital... Number 143 ang room nya.. Good luck po.. bye bye hehe!"

Kahit gabi na ay pupuntahan ko si Shiena.. Gusto kong mag-sorry. Pero bago ko sya puntahan kukunin ko muna ang cp ko sa bahay. Gusto kong basahin ang mga text nya.

Pagkarating ko nang bahay.....

" Oy Son! Hows your picnic?" tanong ni mommy.

" Mom! " sabay lakad ko papuntang kwarto. Kinapa ko kaagad doon at bag ko at dinukot ang phone.

65 missed calls and 54 messages.

Binasa ko ang lahat ng yon.

Naawa ako sa kanya. Sabi ko na nga ba at hinintay nya ako eh! Kahit kailan talaga si Shiena oh!

Pupuntahan ko kaya sya? Ano kayang sasabihin ng mga magulang nya sa akin?

Naku naman! Kasalanan ko to eh!! Shit.

****

Shiena

"Therese! Bakit ka bumalik?"

" Hay naku! Shiena alam mo bang nakausap ko si sir kanina? Naku! Di pala sya aware na ikaw yong nag-alaga sa kanya. "

" Ha?" di ko sya naintindihan.

" Shiena... alam ko na ang dahilan kung bakit hindi ka nya sinipot."

" Ha? Ano?"

" Kasi sumama sya kay Donna. Akala nya kasi si Donna yong nag-alaga sa kanya kasi diba close distance lang yong condo nila."

" What? Teka paano mo nalaman ang lahat ng to?"

" Kasi nakausap ko nga sya kanina.!"

"Bakit nya naman nasabing si Donna ang nag-alaga sa kanya?"

" Ewan ko din eh! Siguro dahil pumasok si Donna sa kwarto ni sir."

That Bitch!

"Eh si sir, nasaan na?"

"Hmm.. siguro pupunta yon dito or baka bukas pa!"

" Therese.. sure ka ba lahat sa pinagsasasabi mo?" Alam ko kasi na may pagka writer din ang isang to eh! Baka mamaya gawa-gawa nya lang pala ang lahat.

Falling ChallengeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon