Sixth Chapter - #FifthDay (part 2)

19 1 0
                                    

Oh ha? May part 2? Hahaha
***********************************

Zyron

Hindi ko na alam ang nangyayari sa akin. Bakit ba ako nagkakaganito? Ano bang meron kay Shiena at lagi nalang syang nagiging laman ng isip ko?

Bigla nalang kasi syang naging malapit sa akin. At hindi ko maiwasang magandahan sa kanya. Ang cute nya kasi.

Pinagmasdan ko sya habang kumakain..

Haha! Wala ata sa dictionary ng babaeng to ang word na diet no?

Pero hindi naman sya tumataba.. Nananatili pa rin syang sexy at maganda. Tapos ang bilis nya pang kumain. Ngayon lang ako nakakita ng ganitong klaseng babae. Sabi nila kapag once in a blue moon dapat kunin mo na agad ito para hindi maagaw ng iba. At para sa akin once in a blue moon ang pagdating ni Shiena.

" Ahm.. sir bakit ka nakangiti? Oy ikaw ha! "

Oh diba? Nakakatuwa syang kasama. Lagi nalang nya akong napapangiti.

"Ah wala to! Naaalala ko lang ang aso ko sayo! The way you eat! Haha! " At bigla syang nagpout.

" Grabe ka naman! Aso talaga?. I bet cute yong aso mo kasi cute ako eh! "

Confidence much. " You're right! "

Bigla naman syang nagblush nong sabihin ko yon. Sarap tuloy kurutin ang pisnge nyang namumula-mula.

Pagkatapos naming kumain ay sumakay na kami ng bus. Yong kotse ko kasi nasira kanina kasi itong kapatid kong si Bernie nagpraktis magmaneho. Nabunggo tuloy sa poste. Buti nga ayos lang sya eh! Pero mukha na syang walking dead.

" Kumusta na nga pala si Bernie! " she asked.

" Ayon. May bandage ang ulo. Pero okay lang naman sya. Sabi pa nga nya sayang daw at hindi sya nagka amnesia! " sagot ko.

" Ahaha! Loko talaga yang kapatid mo! Parang si Sarah Babe lang din. Ito rin kasing kapatid ko ay hiniram ang cp ko noon tapos nong makita nya ang factory reset na confused at kinlick nya. Umiyak nga ako noon eh kasi lahat ng data ng games ko nabura lahat. "

Nakakatuwa rin ang pagiging madaldal ni Shiena kasi parang di sya nauubusan ng kwento.

After 1 hour.....

Nakangisi ako ngayon habang nakaupo parin sa bus. Alam nyo kung bakit? Hindi ko rin alam eh! Basta basta nalang ngumingiti itong bibig ko. Parang may sariling utak?

Tsaka ito namang kasama ko nakatulog na sa balikat ko. Sino ba kasing hindi mapapagod kung halos 1 hr. ka nang nagkukwento without putol. I mean tuloy tuloy lang kasi syang nagkukwento kanina. I wonder kung humihinga pa ba sya.

Nakasalpak ngayon sa tenga nya ang headset pero naririnig ko pa rin ng kunti ang pinapatugtug nya. Sleeping in you shoulder pa talaga ang title.

At nasabi ko na ba sa inyo na pati itong kamay ko may sariling utak rin? Kumuha kasi ito ng cellphone at nakiselfie kay Shiena.

At may naalala naman ako bigla........

[-Flashback-]

"Kuya? Hindi ka na galit?" biglang bumukas ang pinto ng kwarto ko at lumabas ang pagmumukha ng kapatid ko.

" Ha? Ah Galit ako! Galit na galit! " nag acting pa ako na parang galit nga.

" Asus! Di mo ako maloloko. I know you! Bakit ka nga pala nakangiti kanina? " tanong nya.

Ha? Nakangiti na pala ako? Naalala ko na naman kasi ang kalokohan ni Shiena. Ginawan ba naman ako ng tula? Nawala tuloy ang pagkabadtrip ko sa kasunduan ni Daddy.

Falling ChallengeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon