Eighth Chapter - #SeventhDay

16 1 0
                                        

Shiena

Alam kong ayos na si Sir Zyron sa condo nya kaya hindi na ako bumalik. For sure naman nandoon na ang mommy nya.

Ginawa ko nalang ang trabaho ko dito sa office and then umuwi na ako.

*bzzt! bzzt!*

Oh! May nag text.

From Zyron: Shiena hindi ako nakapunta kanina dahil masama ang pakiramdam ko. Pero ayos naman ako ngayon. Nga pala.. ready ka na ba para bukas sa birthday ni Zyna?

Me: Ah okay lang. Salamat naman at magaling ka na. Saan ba tayo magkikita bukas?

From Zyron: Sa bus terminal!

Me: Okay! Sira parin ba ang kotse mo?

From Zyron: Oo eh!

Oh diba? Effective pala yong pag-aalaga ko kay sir. Tingnan mo at magaling na sya. Makakatulog na ako ng maayos.

*****KINABUKASAN*****

Maaga akong gumising para i-handa ang sarili ko. Dali-dali akong kumilos at umalis. Mamayang 8 pa ang usapan namin pero kahit 7 palang nandito na ako sa bus terminal.

At since may 1 hour pa namang nalalabi ay nag-ikot muna ako sa mall. Total walking distance lang naman ang terminal at ang Mall.

I texted Sir Zyron na nandito pa ako sa mall para bumili ng gift for Zyna.

***
Zyron

Alam kong magaling na ako kasi inalagaan ako ni Donna kahapon kaya naligo na ako at nagbihis para pumunta sa Foundation.

Ngayong araw na kasi kami pupunta ulit don para sa birthday ni Zyna.

Nong ayos na ako ay hinanap ko ang cellphone ko. Pero hindi ko mahanap.. Nasaan na kaya yon? Dito ko lang yon nilagay kagabi ah!

Ay shit! Baka nadala ni mommy. Pinasok ko kasi yon sa bag ko. At dinala yon ni mommy kanina.

Di bale. Mamayang 8 pa naman ang alis namin ni Shiena.

Speaking of her baka nagtext na sya. Tapos di ko mabasa ang text nya dahil wala sa akin ang phone ko.

Buti pa doon ko nalang sya tatagpuin sa bus terminal.

Kung ayos lang siguro ang kotse ko ay malamang yon na ang sasakyan ko. Yong bwiset ko kasing kapatid. Kasalanan nyo to.

Ngunit paglabas ko ng pinto nakita ko si Donna na bitbit ang napakaraming tupperware at may mga basket pa. Tapos may malaking bag sya sa likod nya at may bitbit na mga plastic.

Saan naman kaya galing ang babaeng to? Maglalayas? Pero hindi pa naman sya nag f-file ng resignation paper ah!

" Donna? Anong ginagawa mo? Hindi ka ba papasok?" Hindi rin kasi sya naka office-uniform eh!

" Ah- eh! Sorry sir ha? Kasi may Family outing kami. Kaninang umaga ko lang naalala. Kaya hindi muna ako makakapasok." paliwanag nya.

" Ah! it's okay! Thank You rin pala kahapon!" naalala ko kasi na hindi ko pa sya napapasalamatan.

Falling ChallengeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon