Fifth Chapter- #FifthDay

13 1 0
                                    

Shiena

Umagang-umaga rumarampa na agad ako dito sa kwarto ko. Halos mawendang ako nong marealize kong nawawala ang lipstic ko. Gusto ko pa naman mag make-up slash magpaganda para ma you know si sir.

After ilang minutes ay sa wakas nakapagpaganda na ako at nakarating sa office on time.

Buti nalang talaga at nahanap ko ito.

Now, nasaan na kaya ang leading man ko ng mabighani sya sa beauty ko?

" Donn-ha did you see sir Zyron?" tanong ko kay Donna slash bruha. For short Donn-ha. Para di nya masyadong mahalata.

"I saw him a while ago carrying a rope heading to the tree outside this building!" sabi sabay flip hair.

Hmp! kahit kailang talaga ang sungit nya. Di hamak na mas maganda ako kesa kenya.

At teka! What did she just say? Nakita nya si Sir na may bitbit na lubid at patungo sa puno sa labas ng building? Don't tell me....

*imagination*

Naglalakad si Zyron na bitbit ang lubid at patungo na sya sa puno ng saging! este mangga.

Naalala nya na wala man lang nagmamahal sa kanya kahit isa. Kaya mag bibigti nalang sya.

Umakyat sya sa puno and he started to tightened the rope to his neck. Hinawakan nya ang rope at ready to jump na.

" I love you all! Goodbye Philippines!" he shouted and jumped. His neck broke and he died!

*end of imagination*

"Naku! wag naman sana! " wika ko.

" SIIIRRR!! Waaaaaaaah! " sigaw ko habang nagtatakbo palabas. Hindi ko sya hahayaang mamatay. Ayoko ko syang mamatay. Paano nalang ang lovelife ko? Yong fix marriage ko.. Waaah! Sir waaaaag!!!

Pagkalabas na pagkalabas ko sa door nakita ko syang nakaakyat na sa trunk ng puno.

"SIIIR PLEEEAASE WAG!! MAAWA KAYO SA SARILI NYO! MARAMI PANG NAGMAMAHAL SAYO!! NANDITO PA AKO!!! PLEASE BUMABA KA! ALAM MO BANG KAILANGAN KITA? PAANO NA AKO PAG WALA KA NA! WAAAAAH! " and then nagtatalon talon pa ako sa kaba!

Nagsilabasan narin ang mga employee at nakitingin na rin ang mga tao sa kalye. Even the traffic light stopped kaya nakatingin narin ang mga tao from their car. Pati nga aso nakiusisa na rin eh!

But wala akong pakialam! Basta mailigtas ko lang si sir.

"AAAAH!!" mas napatili pa ako nong biglang parang itinaas ni sir ang kamay nya. Baka ready to jump?

Pero ang ikinagulat ko ay nireach pala ni sir ang isang bunch ng manggo near his head. After, ay tumalon sya at ang hot na naglakad papunta sa akin.

"What did you just shout?" kunot-noo nyang tanong.

" Ah- eh- uhm- hindi ka magpapakamatay?" tanong ko.

Jusko! Nakakahiya. Pesteng pangyayari naman oh! Ang dami pang tao ang nakatingin. Sana lamunin nalang ako ng lupa.

" Bakit naman ako magpapakamatay? " sabay smirk nya at naglakad papasok.

Hiyang-hiya akong pumasok sa building. Buti nga at wala akong kasabay sa elevator.

Paglabas ko palang sa elevator nadatnan ko kaagad si Therang na naka ngiting-aso habang hawak-hawak ang dibdib nya. Tapos pinapadyak-pandak pa ang paa habang soundless na tumitili.

" Therang halika na sa mental dali!" sabi ko at hinatak ko sya.

" Tange! Hindi pa ako baliw no?" sabi nya at binatukan ako.

Falling ChallengeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon