Seventh Day part 2
Shiena
Me: Hi Sir! Mukhang late ka ng gising ah!
Me: Ahm.. sir kanina pa nagsi-alisan ang mga bus.
Isa nalang yong naiwan.Me: Sir nasan ka na? I'll wait for you.
Me: Sir nakaalis na ang bus na supposed to be sasakyan natin.
Kanina ko pa paulit-ulit na binabasa ang text ko. Kanina ko pa hinihintay ang reply nya. Kanina pa nakaalis ang bus. Kanina pa ako nakaupo dito. Kanina pa ako tapos bumili ng gift. Kanina pa ako dito nangangalay.
Bakit ba kasi sira ang upuan dito? Ano na kayang nangyari kay sir? May lagnat pa ba sya? Or baka naman nahimatay ulit. Pero impossible yon kasi nakatext ko pa nga sya kagabi eh.
Bakit kaya di nya sinasagot ang tawag ko? Tapos umagang message ko walang effect.
Di kaya pumasok sya sa trabaho? Impossible naman yon kasi importante sa kanya si Zyna tsaka ayaw nya man sigurong magtampo si Zyna sa kanya diba?
Baka naman naiwala nya ang phone nya tapos busy pa sya sa pagbibili ng gift.
Di kaya nauna na sya at iniwan na nya ako? Tapos kanina lang pala sya nag-eenjoy doon? Still impossible kasi nasira diba ang kotse nya tapos kanina pa nakaalis yong bus.
Tsaka anong oras na ba? 11: 50? Agad? Teka lang *kurap* *kurap* ah akala ko 11: 50 na agad yon pala 11:51 na.. Wait what?
Teka bakit parang bumilis ang oras? Ah! siguro advance to. Sa cp ko na nga lang ako tumingin.
What? 11: 52? Bakit pati cp ko advance din?
" Mama bakit po nandyan parin yong babae? " Napalingon ako doon sa bata.
Waaaaah!!.. Bakit yong araw nasa itaas na agad. Diba kanina nasa gilid pa lang sya? Di kaya Moon to?
Kunting tiis nalang Shiena. Malay mo mamaya nandyan na pala sya.
*****
Zyron
Ano na kaya ang ginagawa ni Shiena doon? Di kaya nagalit na sya?
Siguro naman umalis na sya diba? Kasi almost noon na.
Nakakain na kaya sya? Baka naman still naghihintay parin yon?
" Matagal pa ba yan? " tanong ko sa nag-aayos ng kotse ko.
" Sandali nalang to! Mga 3 hours!"
Ay putcha naman oh! Sandali pa ba yong 3 hours? Mukha ngang 1 year yon eh!
" Donna! Tumawag ka ng sampo pang mechaniko. Gusto kong maayos kaagad to!" utos ko kay Donna.
" Y-yes Sir! Ahm.. ito oh kain muna kayo!" inabutan nya ako ng buko salad!.
" Thank You!"
***
Shiena1: 30 pm
Waaaah!! Pwede mamaya na kayo humingi ng food mga bulate ko? Alam nyo namang may hinihintay pa akong tao eh.
"Di pwede! Gusto ko ng food!" sabi ng mga nag wewelgang bulate sa tyan ko.
Ano bayan? Nag hahallucinate na siguro ako dahil sa kagutuman.
Eeeeeeeh.. di ko na talaga matiis!!
Naglakad ako palapit sa Mang Inasal. Gutom na ako kaya kakain muna ako.
Me: Sir kakain muna ako ha? Almost 2 na kasi eh. Tapos di pa naman ako nakakapagbreakfast. Sige kumain ka na rin. Text back po ha?
***
Zyron4:59 pm
" Teka bakit ayaw umandar?"
Shit namang buhay oh! Ilang oras akong naghintay tapos ayaw pang umandar? Anong klaseng mechaniko sila?
" Sir kelangan po siguro ng fuel?" sabi ng isa.
" AARRGHH!! THEN FILL ITTTT!!" sigaw ko.
Para silang nabuhusan ng kumukulong mantika kasi agad silang nagsi-alisan from different directions.
Its 5 pm pero di pa ako nakaalis sa infernong ito.
***
Shiena*pak* *plak* *pik* *pak*
Bwiset na lamok! Lubayan nyo akooo!!!
Biglang kumati yong paa ko. At nakita ko doon ang nag-eejoy na lamok.
*pak*
Ay bwiset! Bakit hindi pa sya natamaan? Sayang naman-
" Shiena? What are you doing here?"
" Waaah sir buti nandito na kayo- ay Therese.. nandito ka pala.. What are you doing here?"
" Anong- Malamang uwian na kaya! ikaw anong ginagawa mo dito? Uuwi ka na rin ba? Tara sabay na tayo? Kasya pa naman ata itong gasolina ng scooter ko diba?"
" Therese.... waaaah!!"
Bakit ako napahagulhol ng iyak? Bakit ako umiiyak? Bakit ang sikip sikip ng dibdib ko?
" Shiena.. tahan na.. bakit ka kasi umiiyak? Tsaka bakit hindi mo pa naibigay yang gift mo? Don't tell me hindi ka pa nakapunta sa lakad nyo? Nasaan si sir?"
At ayon kinuwento ko sa kanya ang nangyari.. At ang gaga ay hinatid ako sa Foundation.
Doon nakita kong umiiyak din si Zyna. Kanina parin pala sya naghihintay. Todo tampo sya kaya sinoyo ko pa sya. Ayon bumigay din!
Natapos ang gabi ng birthday ni Zyna pero kahit anino ni Sir Zyron wala. Ako naman todo palusot kay Zyna para di sya magalit kay sir.
***
Zyron*bzzzzzzzzzzzzt*
Kasing bilis ko si Flash nong naayos na ang kotse ko kasi pinaharorot ko ito kaagad.
Kahit gabi na gusto kong makahabol.
Nakarating ako doon sa bus terminal pero ang nakita ko doon ay batang pulubi na bukam bibig ang isang babae daw na all day nakatayo dito.
I know si Shiena yon! Pinaharorot ko na naman ang kotse ko papuntang Foundation pero ang nadatnan ko doon ay ang natutulog na si Zyna.
Yakap yakap ang isang Barbie Doll na siguro gift ni Shiena. Nilagay ko nalang ang gift ko sa tabi ni Zyna.
Baka nakauwi na siguro si Shiena.
Pinaharorot ko ang kotse papunta sa labas ng bahay nila. Gusto kong humingi ng sorry pero para akong naging statue. Tsaka ang nadatnan ko doon ay madilim nilang bahay.
Siguro natulog na sya.
Bukas nalang ako hihingi ng tawad.. Babawi nalang ako..
Pero teka? Si Shiena ba yon? Ay! Si Therese pala.
" Sir? Sir ikaw ba yan?" tanong nya.
I scroll down the window..
" Therese... nasa loob na ba si Shiena?" tanong ko. Gusto ko lang masigurado na nasa loob na nang bahay si Shiena.
" Huh! Buti may pakialam ka kay Shiena.. Wala sya dyan! "
" What? Nasaan sya?"
" Nasa HOSPITAL! may Dengue. Dahil sa kahihintay sayo."
" What?-"
" at ngayon let me tell you her suffering !......"
******
![](https://img.wattpad.com/cover/70042335-288-k573909.jpg)
BINABASA MO ANG
Falling Challenge
RomancePaano kung i- Challenge ka na pa-inlovin ang boss mo with in just 10 Days? This story ay tungkol sa isang babaeng alinga-nga, ale-ler, shunga-shunga, parang timang,Loka-loka , at mukhang engot na binigyan ng task para pa-inlovin sa kanya ang boss n...