Eleventh Chapter

21 0 0
                                    

. #Eighthday

SHIENA

Ngayon ay naliligo na ako para sa outing daw namin ni Sir. Date? Pwede rin.

Total sabi ng Doctor ayos naman daw na ako at pwede nang kumarengkeng eh!

Pero curious ako ha? Saan nya kaya ako dadalhin? Sa langit kaya? O kaya'y sa puso nya?. Ahaha.. ang corny ko pala kapag excited. Well ganon talaga eh! Ganito kasi yon.. Welcome sa corny world if you are inlove.. Wait.. inlove ba ako? Ah basta ewan..

Ay nga pala. Di ko pwedeng sunduin ni Sir dahil baka kung ano an isipin ng mga kapatid ko. Wala pa naman ngayon si Mama.

Anyway naglalakad na ako ngayon papuntang office. Dito kasi ang tagpuan namin. Tsaka nakakatamad syang puntahan sa condo nya.

At ayan na sya.. nakikita ko na. Sa loob ng kotse.

At halos matapilok ako ng makita ko syang ngumiti. Seriously na talaga to. Hindi na ako nag-e-effort pa ngitiin sya. Iba kasi talaga ang charm ko no?

Pinagbuksan nya ako ng pinto ng kotse nya. Oh diba. Gentlemen na?

“Hi! ” bati ko ng makapasok na ako.

Ang OA ko din no?. Nong nagkita kami hindi ako nag hi tapos tsaka pa ako nag hi nong makapasok na. Late ako masyado.

Ngumiti na ulit sya at pinaandar ang sasakyan. Di ko na sya kinulit kung saan kami pupunta dahil nakalutang sa kakaimagine ang brain ko.

Paano kung sa beach nya ako dadalhin? No. Hindi maaari kasi wala kaming pagkain dito.

Waaaah.. iisipin ko nalang na date namin to.

“Shiena!”

“AY DATE! Ano ba?” nagulat kasi ako eh! Ayan tuloy.. naisigaw ko ang nasa isip ko.

“Yon ang iniisip mo no? Date?” pang-aasar nya.

“O-oy endi ah! ” sabay hampas ko kunwari sa braso nya.

Tsaka wait.. tama ba yong ano? Nang-aasar sya? Si sir? Nang-aasar na? Waaaah.. I'm gonna die...

“pero sige na nga.. Date natin to!” halos pabulong nyang sabi at lumingon pa sa left side nya para di ko makita ang mukha nya.

Napangiti naman ako don! Kilig eh! Pak na pak na kilig!

After 3 hours of talking, asaran, kwentuhan at tago-kiligan ay nakarting na kami sa destination namin. Pero di parin tumitigil ang sasakyan. Naghahanap pa siguro sya ng parkinglot.

Mula sa kotse ay kita ko ang mga matataas na building na abot langit. Mga restaurant na sobrang laki at mukhang mamahalin. At mga landscape na parang nasa paraiso. Whoaaaaaa!! Ang ganda!..

Wait.. narecognize ko na ang lugar na to! BACOLOD CITY.. waaaah.. ang ganda ..

Tumigil kami sa isang restaurant. Wow! .

Umupo kami doon at sya na ang umorder. Kapag ako kasi ang umorder baka lahat ma-order ko. Mamulubi pa si sir at ako pa ang dahilan.

Pagkatapos naming kumain ay lumabas na kami at may pupuntahan pa kami.

Na-surprise nga ako eh kasi akala ko yon na yon! Meron pa pala. Di ko tuloy maiwasang mapangiti ng sobrang lawak.

“baka mapunit yong bibig mo!” napaserious naman ako kaagad dahil sa sinabi nya. Nang-aasar pa eh!

“Ang ganda kasi dito!” sabi ko.

“Pwes ihanda mo yang bibig mo dahil nandito na tayo!” sabi nya at lumabas. Then pinagbuksan nya ako.

Halos lumabas ang mga mata ko at ang puso ko at ang ngipin ko. Dahil nasa... nasa... nasa Campuestohan lang naman kami..

“WAAAAAAH!” sabi ko at di ko napigilang mapayakap sa kanya.

Sobrang saya ko ngayon. Sobrang sobra..

Nakita ko rin maraming mga tao dito dahil marami ring nakapark na sasakyan.

Hinatak ko sir kasi nakatulala lang sya sa ganda ko. Dito palang ang ganda na paano pa kaya sa loob? Waaah..

“Tara doon!” sabi ko at pumunta doon sa entrance. Sa gilid nito ay may pine tree pa.

Nakipagselfie muna ako doon at feel na feel ang lugar.

“Ay teka! Tayo din sir!” sabay hatak ko sa kanya itinaas ang cp ko.

Nabigla sya sa pangyayari kaya nanlaki ang mga mata nya sa picture.

“Ahahahahaha!” di ko kasi mapigilang humalakhak sa itsura nya. Anyway, cute parin naman sya eh!

“Ay look oh! Tama ba yong nakikita ko?” sabay turo ko sa statue ni Snowhite and her Seven dwarf.

“Oo naman! Tara lapitan natin!” sabi nya at hinatak ako. Ayos ah! Nagpapaunahan kami ng hatak.

“whoa! Snowhite.. Idol kita alam mo ba?” sabay haplos-haplos ko sa mukha ni Snowhite at pa twinkle-twinkle eyes pa.

Para akong baliw doon na nagdadrama habang kinukwento kung gaano ko ka idol si Snowhite kay Sir.

Pag-alis namin don iba naman ang pinuntahan namin. Doon kami pumunta sa mga statue ng mga Super Heroes.

Lahat ng superheroes ay inisa-isa kong kinunan ng selfie. Nandyan si Batman, Superman, Yong sa Green Lantern, Yong Captain America, Siderman, si Hulk, Yong sa dragon Balls, yong sa unknown.. di ko alam eh. Meron ding sasakyan don na parang nasusunog. Pumasok pa ako sa loob at nag-act ng parang nasusunog.

Then hindi lang yan. Meron ding mga statue ng characters sa Kung Fu  Panda. Syempre pinicturan ko kaagad sila.

Meron ding mga statue ng dinasaur na parang buhay talaga.

****

“Masarap ba yong sayo?” tanong nya habang tinuro yong cornetto ko na chocolate flavor.

“Oo naman! Bakit? Yong sayo ba hindi?” Iba rin kasi ang flavor ng sa kanya.

Pansamantala kami ngayong nakaupo sa Bench dito sa Campuestohan. Aba! Nakakapagod rin kaya ang magselfie sa bawat statue na madaanan namin. At nakakagutom rin kaya ito kami ngayon at namamahinga muna.

Di na namin namalayan na gumagabi na pala.

Lumabas muna kami sa Campuestohan para pumunta sa Hotel na tutuluyan namin. Oh diba? Hanggang kelan kaya kami dito. Kunti pa naman ang nadala kong damit. Ito kasing si sir eh! May surprise-surprise pang nalalaman.

Anyway, ang sabi nya first part palang daw yong napuntahan namin sa Campuestohan. Dahil bukod don ay marami pang dapat puntahan sa Campuestohan. At sabi nya na bukas na namin yon puntahan.

At dahil excited ako, heto at di ako makatulog. Ganito ako kapag excited. Naiimagine ko kasi ang mga pupuntahan namin.

Mga bandang 10 ay dinalaw na ako ng antok. Mabuti na to para maka beauty rest ako.

**********************

Berniontot’s Note:

Sinubukan kong mag-insert ng mga pictures sa chapter na ’to, kaso di ko rin ma sync kasi offline ang pagt-type ko eh! Poor kasi ang lugar namin at walang wi-fi. Nakakapag-update lang ako sa school kasi doon ang may wi-fi at tsaka baka ma-edit ko ang chapter na to at malagyan ko na ng picture soon. Pero kung gusto nyo talagang makita ang itsura ng Campuestohan, just ask me at i-po-post ko yon sa FB ko . Or gagawa nalang ako ng video at ii-insert ko lang dito soon okay?..

****

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Feb 10, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Falling ChallengeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon