TWAF

32 0 0
                                    

Noreen’s POV

Blag!!!!!!!!!!!!

Binato ko yung alarm clock ko. Ang ingay e. Hay nakakatamad ang pumasok ngayong araw na ito! Ewan ko ba hindi ko feel ang pumasok ngayon!? Tssk bakit nga ba?

Napatingin ako sa mga poster na nakapaskil sa dingding ng aking kwarto, mabilis akong napabalikwas sa kama. Iba’t-ibang fairytale characters ang makikita rito. I’m an avid fan of fairytales though sabi nila hindi naman totoo ang mga ito, specially yung prince charming.

Pero ako? naniniwala ako na isang araw ay darating ang prince charming ko. Hindi naman siguro masama ang mangarap di ba? Kaya pag nakita ko na yung prince charming ko hindi ko na siya papakawalan pa. At heto rin ang isa sa dahilan kung bakit ako napipilatan araw-araw na pumasok sa school. Inspired ba? Malay ko ba, baka nandyan lang kasi siya sa tabi-tabi. Chos lang! 

By the way, I’m Francine Noreen Yanga. 3rd year BSA student sa isang university. Only 3 words to describe myself. ---pretty-sexy-intelligent---.

Mabilis akong nagbihis at dumiretso sa school, asusual it’s another boring day. Kaya nung vacant time namin dumiretso ako ng library to review? Nope, para magbasa lang ng mga fantasy stories.

Habang nagbabasa ako at taimtim na kinikilig ng may lalaking magsalita.

“miss, may nakaupo ba rito?” patukoy niya sa bakanteng upuan saking tabi.

Duh? Tanga ba ito? Malamang wala. Nakikita nga niyang ako lang mag-isa e.

Di ako tuminingin sa kanya pero sinagot ko naman siya. Baka sabihin pa niya bastos ako diba? “wala.” Medyo irita kong sabi, ayaw ko kasing naiistorbo pag nagbabasa ako. Dapat kasi dun lang ang focus ko.

“ok.” 

Maya’t-maya ay muli siyang nagsalita. “it seems that you like reading fantasy stories.” Napataas ang kilay ko at tinignan siya. 

“Excuse me? do I know you?.” mataray kong balik sa kanya. 

Feeling close e. Nababadtrip ako pag naiistorbo ako saking pagbabasa kaya nga pumunta na ako sa kasuluksulukan nitong library para makapagsolo e.

“oh sorry. By the way I’m------“ hindi ko na siya pinatapos pa agad akong tumayo at iniwan siya dun.

Wala na akong ganang magbasa. Hay naku!! Badtrip talaga itong araw na ito kaya pala wala akong ganang pumasok kanina.

Dumiretso ako sa canteen dahil may isang oras pa naman akong natitira para sa next subject ko. 

Bumili ako ng isang cheeseburger plus spaghetti plus cola well diet kasi ako e. Joke lang, pag ganyan kasing naiinis ako dinadaan ko na lang sa pagkain para kahit pano naman maiba yung mood ko. 

Naubos ko na ang spaghetti at oras na para kainin yung aking cheeseburger ng makita kong papalapit si fc boy yung lalaking sinungitan ko sa library.

Nawala na naman ang mood ko. Nang makaupo siya saking tabi ay tinignan ko siyang masama. Yung tingin na kulang na lang ay papatay na sa kanya, si FC boy ayun nakangiti lang ang loko. Parang trip niyang mang-asar e.

“Sinisundan mo ba ako!?” iritang sabi ko.

“Hmmm, no!?”

“E bakit nandito ka!?”

“no vacant sit, siguro naman hindi mo pag-aari ito? diba?.” Maangas niyang sagot.

Hala! Ang kapal ng mukha ng isang to. Sarap tadyakan. Nagpigil na lang ako at pinagpatuloy ang pagkain.

Nilapag niya ang kanyang pagkain at sinimulang kumain. Ako heto kunwari walang ibang tao sa harap ko. Sino ba siya para pansinin ko di ba?

Ramdam kong nakatitig siya sakin, kaya tinignan ko rin siya. What the heck!!! Nakangiti siyang nakakaloko habang nakatingin sakin. Nakipagtitigan pa talaga siya huh!? Pwes hindi ako papatalo sayo! tinaas ko pa yung kilay ko.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Sep 29, 2013 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Today was a Fairytale (one shot)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon