"LOVE???"
Paulit ulit ko na lang naririnig yan! At paulit ulit ko na ring itinatanong sa sarili ko kung ano nga ba ang totoong kahulugan nito..
Sabi naman nila hindi mo raw malalaman ang totoong kahulugan ng love until u experienced it..
Hanggang sa nakilala ko siya..
At ngaun ay alam ko na ang totoong kahulugan nito..
That
"love is bullshit"...
Bkit?
Dahil mula ng makilala ko siya, nagbago ang takbo ng utak ko isama pa ang buong sistema ng katawan ko dahil sa dinami dami ba naman ng lalaki sa mundo, sa kanya pa ko tinamaan.. Sa isang iresponsableng lalaking walang ibang alam na gawin kundi ang gamitin ang charm nya para lang makapasa sa subjects nya...(sabagay charming naman talaga ).....
Ano ba yan.... Utak umayos ka ha!....Teka lang..kanina pa ko nagsasalita dito pero hindi nyo pa nga pla ako kilala...
Let me introduce myself...
Im Hanna, but my real name is Hannabel Patrice Cruz but just call me Hanna kasi ang bantot kapag tinatawag sa fullname db?. Mga professors ko lang ang tumatawag sakin ng fullname at si Timothy Brosoto A.K.A. Mr. Timang... Oo Timang ang tawag ko sa kanya kasi ang bad bad nya.. Masahol pa sa leader ng f4 na si Dao ming zu.. Kung makapagpaiyak ng mga babae akala mo napaka gwapo... Heleerrr gwapo lang siya pero hindi napakagwapo... Kung kami lang sana ang may ari ng university na ito ay matagal ko na siyang napa kick out dito... Pero sad to say, isa lang din ako sa libo libong estudyante na pumapasok dito at isa rin sa daan daang kababaihan na nahumaling sa ka gwapuhan ni Mr. Timang...
Yes.. Nahumaling meaning past tense... Hindi present at mas lalo namang hindi future noh!...
And that was before...
At pinagsisisihan kong minahal ko pa siya.. Pinagsisisihan kong siya ang naging first boyfriend ko. Ang first kiss, first touch and first love...
Pero past is past and Im hoping that time runs fast for me to get out of this school kc sa tuwing makikita ko siya,naiinis ako. Sa tuwing may makita akong kasama siyang iba,nanggigigil ako pero hindi dahil sa selos kundi dahil naaawa ako sa babae na maloloko na naman niya.. Sana tumigil na siya.. Sana magbago na siya.. At sana sa huli ako pa rin ang mahalin niya...
Hayyy ...
Bahala na si Batman...
....
"Hannabel Patrice, I said.. What is the symbolic element of water?".... Ang sabi ng prof ni Hanna sa kanya..
Nakatulala lamang ang dalaga at wala na naman sa sarili..
"Miss Cruz, go to dean's office,,, now!!!! "... Bulyaw ng kanyang guro na nagpabalik sa kanyang huwisyo..
Pigil naman ang tawa ng kanyang mga kaklase dahil kilala ang guro nila sa pagiging terror sa klase.. Jackpot itong si Hanna dahil siya ang napuruhan..
Wala na siyang nagawa kundi ang lumabas ng classroom at nagtungo sa opisina.. Nakayuko lamang siya habang naglalakad papasok sa loob...
Pagbukas nya ng pintuan ay nagulat siya sa kanyang naabutan doon...
"Mr. Timang??"... Napalakas ang boses nya at narinig iyon ng dean ng paaralan.. Tumayo ito at tumingin kay Hanna.. Nakatungo naman si Tim at pra bang hindi man lang napansin si Hanna...
"Miss Cruz, sinabi na sakin ng prof mo ang atraso mo at dahil mababaw lang ito ay pagwawalisin na lang kita ng labas ng opisina with Mr. Brosoto..."....
Napatayo si Tim dahil sa narinig.. Nagkatinginan pa silang dalawa. Halata ni Hanna na nagulat si Tim pagkakita sa kanya pero ang binata rin ang unang nagbaba ng tingin..
Halos sabay rin silang napatingin sa guro hanggang si Tim na ang unang nagsalita...
"Sir naman,wala na bang ibang pwedeng ipagawa sakin? Yung wala akong kasama, makakasagabal lang sila sa gagawin ko..." sarkastikong wika ni Tim..
Sinamaan ni Hanna ng tingin ang binata dahil patungkol sa kanya ang mga sinabi nito...
Nilapitan pa niya ang binata at napatingala siya dahil sa may katangkaran itong si Tim. Taas kilay siyang nagsalita dito..
"hoy, Mr. Timang, for your information, hindi ko rin naman gustong makasama ka sa kahit na ano pa mang aspeto.. At for sure mabigat yang pagkakasala mo kaya ka mapaglilinis ng ground.. Araw araw ka ngang may nagagawang not so good kya araw araw kitang nakikitang naglilinis sa labas..."..... Todo pamewang pa nyang wika sa binata...
"ikaw!"....wika ni Tim sabay turo nito sa mukha ng dalawa... Pero ang totoo ay natuwa siya dahil napapansin pala siya ng dalaga araw araw...
Agad namang hinagip ni Hanna ang daliri nito kya nagkahawak ang kanilang mga kamay... Sabay silang natigilang dalawa at napatingin sa magkahawak nilang kamay...
At nag flashback ang nakaraan nilang dalawa....
......
++++
Nsa 3rd year high school noon sina Hanna at Timothy ng may mabuong pagtitinginan sa dalawa. Hindi sila magkaklase pero madalas mgkita dahil magkatapatan lamang ang classroom nilang dalawa. Pareho pa silang malapit sa pintuan kya naman sa tuwing mpapatingin sila sa gawing labas ng pinto ay ngkakasalubong ang kanilang mga mata... Hanggang sa nagkaroon ng isang dance showdown kung saan pareho silang kasali doon at naging mag partner pa.. Doon sila nagkakilala at naging magkaibigan.. Sabay silang umuuwi at inihahatid pa siya ni Tim hanggang sa sakayan.. Tatlong buwan mula ng maging magkaibigan sila ay niligawan siya ni Tim at dahil sa may pagtingin na rin nmn siya sa binata ay sinagot rin nya ito.. Masaya naman nung una pero biglang nagbago ang lahat ng limang buwan na sila. Nagbago si Tim. Nawala ang sweetness nya kay Hanna at halatang nanlalamig na ito sa dalaga.. Napansin naman iyon ni Hanna kaya nagtaka siya at dahil sa mga bata pa sila noong mga panahong iyon kya wala pang tamang desisyon.. Nakipag break si Hanna kay Tim ng walang sinabing dahilan at ito namang si Tim pumayag kaagad na lalong ikinagalit ng dalaga..(girl thing ika nga,ung tipong tulak ng bibig kabig ng dibdib)... Pero huli na ang lahat.. Break na sila,as in wala na.. Wala ng matatawag na "sila".... Halos gabi gabi iniiyakan ni Hanna ang binata at ang maling desisyong nagawa nya at mula rin noon ay kinamuhian na nya ang binata at umasang huwag ng makitang muli...Pero nabigo siya....
Dahil pagtuntong pala ng kolehiyo ay mukha na naman ni Mr. Timang ang makikita nya..
Mas charming, mas gwapo at mas attractive na Timothy Brosoto ang makikita nya....
At ngaun nga , heto at kaharap na nyang muli at sa di sinasadyang pagkakataon ay kasama pa nyang naparusahan.. Hindi naman siya hahantong sa ganoon kung hindi rin naman dahil sa Timang na yun. Kung bakit sumasagi sa isipan nya ang lalaking ito...
...,...Napapailing lamang ang dean nila habang pinagmamasdan ang dalawa. Napapangiti ito at hindi mapigilang kiligin ng bakla... (oo bading yung dean pero hindi siya mkapagladlad kasi bawal yun sa school)...
Lumapit na rin ito at nakisali sa usapan...
"o cge na simulan nyo na yung trabaho bago kayo muling maglampungan jan..."....
Napatingin sila sa dean saka mabilis na nagbitaw ng kamay...
.....

BINABASA MO ANG
Bahala Na Si Batman
Storie d'amoreIt's not who we are underneath, but what we do that defines us..