chapter 9

7 1 0
                                    

Kinabukasan pumasok ako… matagal na din kasi akong hindi nakakapasok. Nagaalala na sa akin si greta at lucas kagabi pumunta si lucas. Chi-ni-check ako. At pinaalalahanan din akong pumasok nagaalala na kasi ang mga guro.

Para akong artista lahat nang mata nila nasa akin pagkalabas ko pa lang nang bahay. Kaya kinuha ko ang headset ko at sinalpak sa phone ko. Makikinig na lang ako nang kanta. Pero hindi ko pa din maiwasan na maramdaman ang kanilang mga mata na nakatingin at nagbubulungaan pa. Nahuhulaan ko na ang mga sinasabi nila sa mata pa lang nila at body language.

“Alam mo nakakaawa naman si mia noh! Sabay nawala ang kanyang mga magulang…”

“Nakakaawa naman siya panno kaya niya nakakaya…”

“Anu kayang manyayari sa kanya ngayon wala na siya magulang!”

Tsk… mga wala kayong kwenta. Isip-isip ko. Ganun din ang exsena nang makapasok ako nang gate nang school. Yung iba na gulat pa, confuse hindi alam kung titingin ba o iiwasan ako. Nagbubulungan… kala mo hindi ko sila napapansin… nakakainis sana pala hindi na lang ako pumasok.

Nagmadali akong maglakad at tumungo agad sa 4th floor, sa classroom ko. Ngunit mas malala pala sa soom ko. Sabay-sabay sila lumapit para kamustahin ako. Ang gulo nila parang mga reporter.

“Mia ok ka lang ba!?” girl 1.

“Wala na bang masakit sayo mia?!” girl 2

“Sabihin mo lang pag my kailangan ka andito lang kame…” boy 1.

“Oo nga,” all classroom cast…

Ngiti lang ang sinagot ko. “Oo, salamat.” Ngunit hindi ko magampanan ang ngiting yun. Mukhang napansin naman nila at nalungkot.

“Ok Guys… naiinitindihan na ni mia ang gusto nyo’ng ipaalam… sana paupuin nyo na siya!?” galling sa likod ko ang nagsalita. Salamat may nagsabi na din nang katagang yan. Ayyaw ko sa lahat pinagkakaguluhan. Lalo nang kinaaawaan. Nagbigay naman sila nang daan at naupo na ako kasabay ko si lucas papuntang upuan ko bandang likod kame malapit ako sa bintana last chair.

“Ok… ka nab a talaga mia!?” ang kulet…

“Tsk…Pag nanghingi ako nang lima sa lahat nang nagtanong sa akin niyan, alam mo pwede ko na kayong ilibre ni greta nang lunch…”  hindi ko na yata matandaan kasi hindi na mabilang nang kamay ko at daliri sa paa ko.

“Uhmf! Gusto ko lang masigurado na hindi ka napipilitan…” napayuko siya sa desk niya. sakto naman papasok nang pinto si greta. Nakangiti siya sa akin una nagulat na nakita ako di kalaunan lumapit siya.

“Mia…” mangiyakngiyak pa nang lumuhod sa harap ko. “Buti naman at pumasok ka na…” hinawakan niya ang kamay ko at ngumiti ako. Pero hindi ko maramdaman ang tuwa para akong bato walang maramdamang iba.

“Hulaan ko sasabihin mo sunod…” pagpigil ko sa pagsasalita niya na susunod. Kunwari nagiisip pa ako. “Mia, Ok ka lang ba!?” napatawa naman sila ni lucas. Pinilit kong pantayan ang tawa nila ngunit di ko kaya.

Napakamot si greta sa ulo. “Mukhang ok ka na nga!” sabi niya na. “Am so happy!” my pinalis pa siyang luha.

Parang ang bagal nang oras sa room pagdating kasi nang teacher. They always great me ‘welcome back, mia’ and next ‘Are you sure you ok!?’ and ‘we are here for you.’. as of now pang 4 na na teacher. Nang maglunch din kame lahat nang nakakasalubong ko bumabati sa akin at mababait sila… ngunit ako tahimik lang.

war of bloodTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon