Chivalry is Dead

156 2 0
                                    

Thomas Torres and Ara Galang

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

Ara Galang

Araaaaaa, daks gumising ka na, malalate na tayo sa training baka nakakalimutan mo na may training tayo ngayon, daks kilala mo naman si Coach Ramil allergic siya sa mga late sa training diba. Anong oras kana umuwi kagabi Galang ha?! Saan kaba nagsusuot baka nakakalimutan mo sa akin ka binilin ni Tito Uncle at Kuya Djun. Nako sinasabi ko sayo Arabella malilintikan ka sa akin.

Umagang umaga sumisigaw ang best friend kong higante akala siguro niya nakahilata pa ako sa kama ko kaya lang naman ako na late ng uwi kagabi kasi may nakabangga sa aking lalaki at nahulog lahat ng dala kong gamit at papeles na gagamitin ko sa pagtatayo ng sarili kong restaurant aba kung si Motherf may Tyang Aby's ako naman may Ara's Food Palace ganern diba. So yun nga may nakabangga sa akin hindi ako tinulungan lalaki pa naman siya ayon kaya nga ako naniniwala sa kasabihan na Chivalry ise Dead kasi wala ng matinong lalaki sa mundo, wala na as in wala na talaga kung meron man mabibilang na lang sila.

Araaaaaaa, nilamon ka na ba ng kama mo at ayaw mo pang bumangon pag tayo na double training dahil sa kabagalan mo sinasabi ko sayo Galang ipapatapon kita pabalik ng Pampanga huwag mo akong galitin.

Reyes, tumahimik ka nga Ye umagang umaga sumisigwa ka ayan na tapos na ako mahal na reyna baka pwede na tayong gumora sa La Salle at ayaw ko rin mag double training.

Sorry na daks, kilala mo naman si Coach Ramil kung magpa double training parang wala ng bukas at hindi ka pa kumakain ng breakfast Galang pepektusan kita pag hindi ka kumain.

Ayaw ko, mamaya nalang ako kakain pagkatapos ng training may gatorade naman ako okay na ako dito.

So eto kami ngayon ng best friend kong damulag tinatahak ang daan patungo sa Razon's at buti nung nakarating kami sa 9th floor ay wala pa si coach Ramil pati na rin ang lady spikers at iba pang member ng F2 Cargo Movers, oo mga bes, nag PSL na ang lola niyo at kay Coach Ramil pa rin ako napunta. Nandito rin pala ang Green Archers kakatapos lang ata ng training nila kasi may binibigay lang na  instructions si Coach Aldin  kay Teng at sa kanyang co captain na si Torres. At lumapit rin silang dalawa kung saan kami nakaupo nitong si  Mika na kumakain na naman ang takaw talaga ng babaeng to.

Hi ye, good morning mas maganda ka pa sa umaga.

Hello Je, good morning din. Sabay sweet smile ay este pabebe smile ni Damulag naloloka na ako sa best friend kanina galit tas ngayon ngumingiti ng napakatamis, ipapa check up ko na talaga itong si Reyes malala na siya guys swear.

Tumigil ka Jeron, hindi maganda si Mika baka lumaki ulo niyan.

Ara, baka naiingit ka lang, nandito naman si Thomas oh. Yieeee ThomAra is real.

Ewan ko sayo Teng, tumahimik ka baka maging tikoy ka sa paningin ko at makain kita gutom pa naman ako.

Sabi ko naman kasi sayo daks kumain ka ng breakfast, ayan tuloy pati si Jeron ginawa mong tikoy, nako bibilhan nalang kita ng pagkain sa baba.

Don't worry Mika, I'll just give her my baon, here Ara you can have it, you should take care of yourself you're an athlete pa naman then you forget to eat breakfast tas may training ka pa, kompleto yan Ars, may bacon, rice at egg yan just open the tupperware and start eating wait you need to drink coffee its a great way to start your day wait lang at baba ako at bibilhan kita ng coffee.

What just happened? Ay shet pati ako napapa english dahil kay Thomas na binigay lang naman niya ang pagkain niya sa akin.

Jeron, bakit may dalang baon si Thomas yung totoo ilang taon na ba talaga yang best friend mo?

Tignan mo to si Teng tinatanong ng maayos tas tawa lang isasagot niya sa akin, ang sarap niya batukan swear.

Actually Ars, kaya may dalang  pagkain si Thomas kasi hindi pa siya nagbebreakfast pupunta nga sana kami ng Agno para makain niya yung dala niya.

Anoooo?! Je bakit ngayon mo lang sinabi nakakahiya kay Thomas wala pa pala siyang breakfast pero ito binigay niya sa akin. Nakakahiya naman sa kanya.

Ang gentleman talaga nitong si Torres nakakainis, hindi naman siguro masama diba kung magshashare kami sa pagkain niya kasi sa kanya naman to at ako lang naman talaga ang nakikishare diba?

Hey Ara, here's your coffee bakit hindi kapa nagsisimulang kumain? Baka maabutan ka ni coach Ramil sige na start eating your breakfast.

Ahh,ehh, Thom nasabi kasi sa akin ni Jeron hindi ka pa kumain ng breakfast gusto mo share nalang tayo pagkain mo naman to in the first place.

Ara, you should be treated like a lady and a princess, I can't buy you meals for now baby but hey I cooked for you and yes we can share it okay. So let's start eating.

Putspa bakit ang gwapo nitong si Torres kung makangiti lang parang model ng close up.

Sige Thomas kain na tayo. Pero may problema tayo, isa lang ang kutsara at tinidor na dala mo.

Wait magkakamay na lang ako Ars, maghuhugas muna ako ng kamay.

Thom, wait lang subuan nalang kita kung okay lang siya sayo.

Ano naman isusubo mo sa akin, Ars? *smirks*

Oh my gahd. Tama ba yung narinig ko mga baks? Mas mapula pa ata ako sa mansanas na kinain ni Snow White. Ano nga ba ang isusubo mo sa kanya Ara ay shet bakit ba ako nag-iisip mg ganito.

I was just kidding Ars, and I respect you a lot baby. *kisses my forehead*

Uhhhm, Thom pwedeng kumain na tayo natatakam na ako sa bacon at bakit mo ako hinalikan sa noo ko?

It's because I love you Ara matagal na, its just that masyado lang akong takot sa sasabihin mo once na malaman mo na mahal kita and now here I am taking this chance to ask you if I can court you . Let me prove to you that Chivalry is still here. Will you allow me to do that Ara?

Oo, Thom please prove to me that Chivalry is not dead and let's start eating breakfast ang sarap talaga tignan ng bacon.

Yes, my lady we'll eat our breakfast na.

Daks, natanggap mo ang message ni Ate Cha?

Hindi ko pa nababasa daks, tungkol saan ba?

Basahin mo hindi mo alipin ang reyna atsaka nag breakfast ka lang may love life ka na agad pak kabogera ka daks.

From: Ate Cha

No training for today guys sabi ni coach kasi may sakit si Ron-Ron walang mag-aalaga sa chikiting na sa Makati Med sila.

Mabuti nalang at wala kaming training ngayon dahil may time pa akong ayusin ang itatayo kung restaurant pero kawawa naman ang baby ko may sakit.

Thom, may pasok ka ngayon?

Wala baby why?

May sakit si Ron-Ron, puntahan natin siya please.

Sure after we eat okay.

Ara may kanta ako para sayo.

Ano naman yan Teng? Ayusin mo ang pagkanta ha.

"And they say (They say) chivalry is dead
(Dead, Dead)
Girl, let a real man pick up the slack
And treat you with respect, yeah."

Thomas Torres

I'm a real man baby and don't worry I'll treat with you respect *kisses Ara's forehead* and I will prove to them that chivalry is still present.

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

Yeeeey for my first one shot hope you like it and comments are highly appreciated, thank you for reading kung may nagbabasa man.


Songs About LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon