Result

21 0 0
                                    

Chapter_14


Anca's POV



"Hoy,mirrel!! Bilisan mo nga magbihis, aalis na tayo eh, ang kupad mo talaga!!!"inis na sigaw ko kay mirrel, eh pano ba naman,usapan namin 8 am yung pagbisita namin sa dati naming tambahayan tapos bumangon 10 am, chakang toh, ang takaw matulog ,tulog mantika kase.





"Wait lang naman,hinahanap ko pa yung cellphone ko eh!!Gosh san ko ba nalagay yun."namomroblema nyang sabi, pinuntahan ko sya sa kwarto nya, pagkapasok ko, tae, ang gulo.. Si mirrel nga toh, nagkalat yung mga panty nya sa kama,may mga libro,lipstick,charger at kung ano ano pag nakalatag sa kama nya.





"Saan mo ba huling nilagay yun?"nakapamewang kong tanong  sa kanya, napakati naman sya ng ulo,at boom ,nakita ko di




"Tungaw!, ayan oh! Nasa kamay mo, saan ka ba naghahanap, hawak hawak mo lang,hinahanap mo pa eh!!"saad ko sa kanya sabay batok pa.




Tinignan naman nya yung kamay nya "Ayy , oo nga noh! Hindi ko kase nafifeel na nandito sya sa kamay ko eh, hehe" binatukan ko ulit sya,




"Aray naman!"




" Anong aray? Kung ano anong kalokohan mo,tara na nga ,tingnan mo yung oras oh, 11 am na, alam mo ba yung usapan natin 8 am,tapos magiging 11 am.!"





"Eto na nga oh, lalabas na, maglalakad na nga ako oh!"tapos umakting pa na naglalakad ng slow motion.




Nauna na ako sa kanya,ang kupad kumilos eh, naalala ko nanaman yung tambahayan,kumusta na kaya yun?tanong ko sa sarili ko,ay feeling naman sasagot eh noh! Ang dami ng pinagbago eh, dati,sa kalsada lang kami nakatira ni mirrel, ngayon naman,sa mansion na, ano kayang susunod,sa palasyo,hahahaha, charot lang eh noh,





"Uy wait lang naman girl,hintayin mo naman ako noh!"pasigaw na sabi nya saken





Lumingon naman ako sa kanya, tumatakbo sya, luh? Ganun ba ako kabilis maglakad?o baka naman ng teleport lang ako ng hindi ko namamalayan?





"Ambagal mo kasi eh!!Bilisan mo!"sigaw ko sa kanya





Ginamit namin yung kotse nya , syempre, alanganamang kotse KO! eh wala nga akong kotse eh! Sya yung nagdrive since gala naming tong dalawa,di naman ako marunong mag drive eh, si ate tristine kase,nasa cake shop nya kaya napagpasyahan namin ni mirrel na gumala ,wala naman kasi kaming magawa sa mansion eh,kaen, tulog,nood lang ako eh.





Habang nasa kalagitnaan kami ng byahe,dinakdakan nya ako.




"So sis, ano? Excited kana bang makita natin yung tambahayan natin dati?"tanong nya saken, napatingin naman ako sa kanya





''Oo, miss ko na yung tambahayan natin pero yung mga tao dun,hinde." tiningnan naman nya ako




"Eyy, ganern ba? Eh ako naman tanungin mo!"saad nya saken






"Kailan ka mamamatay?"tanong ko sa kanya, sabi nya magtanong daw ako sa kanya eh,sinunod ko lang naman noh





"Ayy ano ba yan,hindi naman yung ganyang tanong, tanungin mo ako kung ,namimiss ko ba si lance o kaya si fafatroy!"nagtanung pa ako kung sya din pala magdedecide ng itatanong ko sa kanya





"Shunga, eh bkt pa ako magtatanong sayo kung ikaw nagdedecide?"taas kilay kong tanong sa kanya





"Eh kase naman eh, bkt naman yung mamamatay pa, ayoko pang mamatay,virgin pa-aray! Ano ba? Bkt mo ako tinapunan ng tissue, di ko pa natatapos sinasabi ko eh!!" pagmamaktol nya habang nagdadrive.





Ms.Maarteng Pulubi  Meets Mr. MasungitTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon