LENA's POV
Ngayong araw na ito pupunta sa lugar na aking kinabibilangan at lugar ng aking magulang. Hindi ako sigurado kung ano ang mangyayari sa akin doon lalo pa't doon ako mag-aaral. hindi ko rin alam pa gamitin ang kapangyarihan na mayroon ako. Sana nga maging maayos ang lahat.
Tapos na ako mag-impake ng aking mga gamit. Hinihintay ko nalang sina tito dahil ihahatid nila ako papunta roon.
"Halika na. Nasecure ko na rin ang bahay." sabi tito.
"Ok po. " sabi ko.
"ayos ka lang? " tanong ni tita
Opo. Sabi ko.
Hindi na kailangan ng sasakyan papunta doon. Gumawa si tito ng portal papunta sa lugar. Kaya pala hindi niya rineady ang sasakyan. Namangha ako sa aking nakita. Pumasok na kami sa portal at pagkatapos lang ng ilang segundo ay nakarating na kami. Tumambad sa amin ang isang napakalaking gate at napakaganda nito. Kumikinang na kulay ginto ang itsura nito. Hinarap lang ni tito ang kanyang kamay at nabuksan ang gate.
"Wow! ang ganda. Hindi naman ito parang university dahil mukha itong isang kaharian na napapalibutan ng hiwaga" manghang kong sabi. ang ganda kasi talaga at parang hindi ako mag-aaral dito. parang mamamasyal lang ako eh.
"Maganda talaga dito sa elementalia. punta na tayo sa principal." sabi ni tito.
Naglakad na kami papunta sa principal office. nang makarating na kami napansin ko na malaki ang pinto nito kaysa sa pinto ng principal's office sa William Academy. akala ko yun na ang pinakamalaki yun pala mas may malaki pa. plain lang naman ang pinto yet elegant. Humarap kami sa pinto at bigla nalang itong bumukas. Wow. High Tech dito. Sabagay, baka ginamitan ng magic. speaking of magic wala pa akong alam kung anong kapangyarihan ko except sa pagiging malakas ko.
"good morning mr. and mrs. ashford. anong maipaglilingkod ko? its been long time na hindi ko kayo nakita. I think almost ten years?" sabi ng principal.
Naguluhan ako. Bakit ashford ang tawag niya sa apilyedo nina tito? May nililihim na naman ba sila sa akin? May hindi pa ba ako alam?
"good morning din. Principal leopart. Ipapaenrol sana namin sayo ang anak namin na si lena ashford. hindi pa niya alam ang kanyang ability dahil nabuhay siya sa mundo ng mga tao. kaya namin siya dinala dito para mahasa ang kanyang ability." sabi ni tita.
"so all this time nasa mundo lang pala kayo ng mga tao?" shock na tanong ni Mr. Leopart
"wala namang masama doon diba? total tapos naman na din ang digmaan. payapa na ang lahat. hindi naman kami kailangan dito." sabi ni tito.
"Pero bigla nalang kayo nawala ng digmaan. ikaw pa naman ang leader ng maji forces. Pero ano? iniwan mo kami sa ere. tapos nagpakasaya ka lang pala sa mundo ng mga tao. ang kapal naman ng mukha mong bumalik dito." naghihimutok sa galit na sabi ni Mr. Leopart.
"Natapos na man ang digmaan ah. ligtas na kayo. ano pa bang ikinakagalit mo?" pagdedepensa ni tito.
"ang dami nagsakripisyo ng buhay tapos tumakas kalang? hindi ka manlang nahiya" dagdag ni mr. leopart
"wala kang alam kaya wag kang magsalita. mayroong mga nakatago sa kasaysayan ng elementalia ang hindi ninyo alam. wag kang mag-alala. aalis naman kami dit. huwag mong ibuntong ang galit mo sa amin sa anak ko. sana naman matanggap mo siya bilang maji." sabi ni tita
"anong ibig mong sabihin na may hindi kami alam sa kasaysayan?" nagtatakang tanong ni Mr. leopart
"Basta. Ingatan mo ang anak namin. Malaki ang tiwala namin sayo. sayo namin siya ihahabilin. babalik kami sa mundo ng mga tao." sabi ni tita.
"hindi ko kayo maintindihan." sabi ni mr. leopart
"maiintindihan mo din kami balang araw. ano tinatanggap mo ba ang anak namin?" sabi ni tito.
"o sige." parang napilitang sabi ng principal.
"Salamat Mr. Leopart. kakausapin lang muna namin ang anak namin bago kami umalis." sabi ni tito
"anak mag-iingat ka dito. huwag mo munang ipaalam sa kanila ang katotohanan. may posibilidad kasi na may mga traidor dito. mahal na mahal ka namin lena." sabi ni tita.
"opo. mag-iingat po ako." yinakap ko sila tito at tita saka gumawa ulit sila ng portal at umalis. naguguluhan parin ako sa nasaksihan ko kanina. mas mabuti sigurong alamin ko muna ang katotohanan sa aking pagkatao.
TO BE CONTINUED ...
BINABASA MO ANG
Elementalia Magicae Academia
FantasySi Lena Marie Aragon ay isang ordinaryong tao. Ulila na siya at nakatira siya sa kanyang inaakalang kamag-anak. Matalino, maganda, at mabait siya. Masaya siya sa kanyang buhay kahit di sila mayaman pero may kaya naman. Nag-aaral siya sa William Acad...