Lepart's POV#
Nagtataka ako sa mga sinabi ng ashford kanina. Sila ang pinakamalakas na sundalo ng batalyon pero sila pa ang nawala ng digmaan. Tumakas sila. Tapos sasabihin nila na may hindi kami alam sa kasaysayn. SHIT SILA! Ang kakapal pa ng mukha pumunta dito.
Nasaan na kaya ang nawawalang prinsesa? Sabay sila nawala ng mag-asawang ashford. Ibig sabihin pwede ang anak nilang sinasabi ang prinsesa. Hindi naman siguro. Mag-iimbistiga ako. Meron kasi 25% possibility na siya nga ang prinsesa dahil wala naman silang anak bago ang digmaan at kung nagkaanak sila sa mundo ng mga tao mas bata pa dapat sa nakita ko kanina para kasing mas matanda sa bata ang nakita ko kanina. Parang seventeen na at kung ampon lang din nila wala dapat itong kapangyarihan dahil galing sila sa mundo ng mga tao. Kung siya nga ang prinsesa bakit nakay Albert. Kailangan ko malaman ang sagot sa tanong ko sa lalong madaling panahon. Kailangan din niyang mag-ingat kung siya ang prinsesa.
Lena's POV
Naglalakad kami ngayon ni principal Leopart papunta sa aking dorm. Linggo ngayon kaya wala masyadong estudyante. Nag-aalala ako dahil wala pa akong alam sa kapangyarihan ko. Super strength siguro.
"Lena, ilang taon kana? " tanong ni mr. Leopart. Nahinto ako sa pag-iisip upang sagutin siya.
"seventeen po. Mag-ieighteen po ako sa Nov." ani ko.
Parang nagtataka si Mr. Leopart sa edad ko.
"Bakit po?
"Napatanong lang. Para naman may alam ako sa mga estudyante dito. At isa ka doon." ani niya
"Ah. Ok po. Kinakabahan po ako kasi wala pa akong alam sa kapangyarihan ko. Hindi po kasi sinabi sa akin nina Mama at Papa. Nakakahiya po sa ibang studyante." totoo naman eh wala akong alam sa kapangyarihan ko. Mabubully ako siguro dito. Huwag naman sana.
"Okay lang iyan. Iyan ang pag-aaralan mo dito. Huwag kang mabahala."
Sana nga po madali lang tulad ng academics."Salamat po. Pati narin po sa pagtanggap niyo sa akin dito kahit parang galit po kayo sa magulang ko kanina. Wala po rin talaga sila nakwento sa akin tungkol dito sa elementalia. Sorry po rin sa kung anuman ang naging kasalanan nila."
Haaayyyy. Pano ba to? Wala naman talaga akong alam eh pero parang nagsisinungaling din ako dahil ako ang prinsesa. Pero tama sina tito. Dapat hindi ko muna sabihin na ako ang prinsesa. Hindi pa ako handa sa responsabilidad ko tapos hindi ko pa nakikita ang mga magulang ko."Hahahahahaha. Ano ka ba ba't ka humihingi ng tawad? Hindi ka naman ang may kasalanan."
"Kasi po parte ako nila dahil anak nila ako." na ako na ngayon ang best actress. Pero nagiguilty rin kasi ako dahil sa akin umalis sina tito. Ganoon siguro ang nangyari.
"Ang bait mong bata. Maayos ang pagpalaki sayo nina Albert."
Hindi na ako sumagot kay principal. Albert siguro ang pangalan ni tito dito. Ang hirap ng walang alam na nagmamarunong. Huhuhu. Ano ba tong sitwasyon ko. Ang gulo.
"Andito na tayo. "
Binuksan ni Mr. Leopart ang pinto. At wow! Ang ganda. Hindi naman to dorm ah. May sala pa. Bahay na to eh.
"Ito po ba talaga ang dorm ko? Ang ganda naman po" manghang sabi ko. Ang ganda kasi. Simple yet perfect sa taste ko."Oo. Kasama mo dito ang mga royals. Pero bukas pa yun dito darating galing sa kaharian nila. Sila ang anak ng mga hari at reyna sa apat na kaharian. Malalaman mo din yun sa discussion ninyo." ani ni principal.
"Nakakahiya naman po. Ang tataas ng kasama ko." sabagay prinsesa mandin ako. Hihihi
"Okay lang. Nasa mataas naman na katungkulan ang iyong magulang. Kasunod sila sa mga hari." wow! Akalain mo yun. Malalakas din siguro sina tita. Sabagay leader ba naman ng batalyon.
"Sige alis na ako. Enjoy your stay. Welcome to Elementalia Magicae Academia. See you again." with smile niyang sabi.
"thank you po ulit. See you din po sa susunod." nakangiti kong sagot.
Umalis na siya. Nakakapagod. Matutulog na muna ako. Maghalf bath muna din ako. Pagkatapos kakakain. Tulog ulit. Tama. Kailangan kong magbeauty rest para fresh ako bukas at mas maganda pa akong tingnan. Hindi makakaroon ng eye bags ang aking mga mapupungay na mata na nababagay sa poerselana kong kutis at parisan pa ng mahabang gintong kulay kong buhok. Matulog na nga ako. Naghahangin na dito sa kwarto ko. Hehehehe
TO BE CONTINUED...
Hello readers. Chao! 😊😊😊 Ngayon lang nakaud dahil katatapos lang ng aking final exam. Nagsummer kasi ako. May klase na ulit ako bukas. Ibang subject naman. Pero isisingit ko parin ang sched ko sa pag ud. I hope you enjoy my work...
Thank you ulit sa readers sa pagbabasa at hindi nilalamok tong story ko... Hehehehe.. Sorry po kung may mga typo errors..... Abangan ang mangyayari kay Lena sa susunod na chapters...
See you ulit sa next chapter... 😊☺☺👋👋👋
BINABASA MO ANG
Elementalia Magicae Academia
FantasíaSi Lena Marie Aragon ay isang ordinaryong tao. Ulila na siya at nakatira siya sa kanyang inaakalang kamag-anak. Matalino, maganda, at mabait siya. Masaya siya sa kanyang buhay kahit di sila mayaman pero may kaya naman. Nag-aaral siya sa William Acad...