Lena's POV
Naglalakad ako pabalik sa dorm at napansin kong konti lang ang estudyante ngayon sa hallway baka siguro dahil hapon na. Nakasalubong ko si Harris. Kumunot ang noo nito ng makita ako. Nagkatitigan kami ng ilang segundo. Hindi ko alam ang aking naramdaman. Para bang isa siyang x-ray na sinusuri ang buo kong pagkatao gamit lang ang kanyang tingin at di ko nakayanan ang senasyon sa aming pagitan kaya ako ang unang bumitaw ng tingin. Hindi ko nalang siya pinansin at pinagpatuloy ko nalang ang paglalaka nang hinablot niya ang aking kaliwang kamay kay napaharap ulit ako sa kanya. Kinabahan ako bigla at ang lakas ng tibok ng aking puso! Aatakihin ako ng heart attack sa kanya eh! Pero tinago ko ang aking emosyon at pinanatili ko ang aking cold presence. Mahirap na kapag na point out niya ang weakness ko dahil pwede niya itong gamitin laban sa akin. Naglakas-loob akong magsalita dahil gusto kong malaman ang pakay niya sa akin.
"Anong kailangan mo?" tanong ko sa kanya
"Sino ka ba talaga Lena?" naguluhan naman ako sa tinanong niya? Imposible naman kasi na naobserbahan na niya ako ng wala pang isang araw ang nakalipas bago ang training.
"Anong ibig mong sabihin? Hindi kita maintindihan. At natural lang naman na hindi mo pa akong lubusang kilala dahil ngayong araw palang tayo nagkita." direkta at kalmadong sabi ko sa kanya.
"Bago ako nakatulog kanina nakita kong umilaw ang katawan mo." Nabigla naman ako a sinabi niya pero di ako nagpakita ng emosyon at sa totoo lang hindi ko alam ang pinagsasabi niya.
"Wala akong alam sa sinasabi mo." sagot ko sa kanya.
"Huwag ka nang mag-maangmangan pa. Ano ang kailangan mo dito sa Elementalia." sabi niya.
Nakaisip ako ng nakakalokong ideya para makatakas ako sa kanya at in my whole life ngayon ko lang gagawin to. Sana umepekto sa kanya.
"Bakit interesado ka ba sa akin?" pagkasabi ko noon ay nagsmirk ako ng mapang-asar at hinawakan ko ang kanyang kanang balikat at ang aking last move ay .... I smile at him seductively. Hindi ko alam kung anong spiritu ang sumapi sa akin at ginagawa ko ang mga bagay na ito. Lupa kainin mo na ako. nakita ko naman siyang napalunok at binitawan ang kamay ko at naglakad ng paatras dahil nakarap parin siya sa akin. Pero bumawii siya.
"Hindi ako interesado sayo. Pinahahalagahan ko lang talaga ang Elementalia." sagot niya.
Naglakad ako papalapit sa kanya at sinabing...
"Talaga?" at patuloy parin ako sa paglalakad at nacorner siya sa isang puno.
"Akala ko hindi ka maaapektuhan sa akin. Nagamali pala ako." I said seductively to him
"Anong ibig mong sabihin?" tanong niya sa akin.
"Eto o." At hinalikan ko siya sa gilid ng kanang parte ng kanyang labi at tiningnan ko ang expression niya. It was so priceless. At pagkatapos umalis na ako habang siya ay nakatulala parin. at nang 50 feet away na ako sa kanya sumigaw ako ng...
"I LIKE INOCENT GUYS!" Doon ko lang napansin na pinagtitinginan na kami ng mga estudyante at tumakbo na ako papuntang dorm at direderetso sa kwarto ko at linock ito. Ngayon lang ako tinablan ng sobrang hiya. Anong mukha ang ihaharap ko sa kanya lalo pa't isang dorm lang kami. Ano ba itong gulong pinasukan ko. huhuhuhu. Lord save me...
HARRIS POV
Bago ako natulog sa garden kanina ay nakita kong umilaw ang katawan ni Lena at nacurious ako about doon. Akala ko magigising siya pero hindi. halos half hour akong naghintay pero nabigo ako dahil nakatulog din pala ako. Paggising ko wala na siya. Naisipan kong bumalik sa dorm baka sakaling andoon siya pero habang nasa daan palang ay nakasalubong ko siya at nagkatitigan kami pero bumitaw siya at aalis pero pinigilan ko siya at hinawakan ang kanyang kamay upang tanungin kung ano ang nangyari sa kanya kanina pero nagsalita siya.
"Anong kailangan mo?" tanong niya sa akin.
"Sino ka ba talaga Lena?" tanong ko sa kanya at hindi sinagot ang tanong niya.
"Anong ibig mong sabihin? Hindi kita maintindihan. At natural lang naman na hindi mo pa akong lubusang kilala dahil ngayong araw palang tayo nagkita." ani niya
"Bago ako nakatulog kanina nakita kong umilaw ang katawan mo." sabi ko
"Wala akong alam sa sinasabi mo." angal niya.
"Huwag ka nang mag-maangmangan pa. Ano ang kailangan mo dito sa Elementalia." sabi ko sa kaniya pero alam ko na hindi naman siya masama kasi white ang kulay ng ilaw sa kanya kanina. yun lang kasi nag naisip kong tanong para mapaamin siya.
"Bakit interesado ka ba sa akin?" Nabigla naman ako sa ginawa niya dahil sa seductive smirk niya at nilagay niya ang kamay niya sa balikat ko at napaatras naman ako at dun ko lang namalayan na hawak ko pala ang kamay niya kaya binitawan ko ito at naghakbang paatras para dumistansya sa kanya at sinagot siya.
"Hindi ako interesado sayo. Pinahahalagahan ko lang talaga ang Elementalia." Napaatras ulit ako dahil humakbang siya papalapit sa akin.
"Talaga?" pang-aasar panito. bakit ba kasi nanghihina ako sa kanya. Nababakla naba ako? Sayang naman ang lahi ko. Nababaliw na sigurong babaeng to. Nabigla ako ng magsalita ulit siya.
"Akala ko hindi ka maaapektuhan sa akin. Nagamali pala ako." sinisiduce naba ako?
"Anong ibig mong sabihin?" tanong ko sa kanya
"Eto o." Sagot niya at parang nagslow movement ang paligid at nakatutuk lang ako sa mukha niya at hinalikan niya niya ako sa gilid ng labi ko. First time my naghalik sa akin na babae pwera kay mama. Napatanga ako sa ginawa niya. Ganoon rin ba siya sa ibang lalaki? At bakit naman feeling ko nagkakainteres ako sa babaeng iyon dahil sa pagkacurious ko sa kanya. Ahhh...napasigaw ako sa utak ko. Ano bang ginagawa akin ang babaeng ito. Narinig ko naman siyang sumigaw.
"I LIKE INOCENT GUYS!" SH*t doon ko lang narealize na nakalayo na siya at tumakbo. Napansin ko naman ang ibang studyante na nakiusyoso sa pangyayari. at sinigawan ko sila.
"ANONG TINITINGIN NIYO DIYAN? MAGSILAYAS NGA KAYO!" shit! talaga. Badtrip na babaeng yun. Maghanda siya sa akin. First time ko itong mapahiya sa maraming tao. Naglakad nalang ako papunta sa dorm. Makita lang kita Lena at malilintikan ka sa akin. LINTIK LANG ANG WALANG GANTI! sabi pa ng tatay ni Clara. (MARA CLARA)
______________________
TO BE CONTINUED...
Happy weekend :)
BINABASA MO ANG
Elementalia Magicae Academia
FantasySi Lena Marie Aragon ay isang ordinaryong tao. Ulila na siya at nakatira siya sa kanyang inaakalang kamag-anak. Matalino, maganda, at mabait siya. Masaya siya sa kanyang buhay kahit di sila mayaman pero may kaya naman. Nag-aaral siya sa William Acad...