Cinderella's Girl: Chapter 20

3.7K 123 3
                                    

Cinderella's POV

"So kailangan kong pumunta sa ball then dance. Waaah! Ano ba to? Diko alam kung paano ako sasayaw. Lalalalala 🎶🎶."

Nasa kwarto ako at binabasa ang mga script na binigay sakin.

Inaaral ko kung paano makipag sayaw ang isang Cinderella sa story.

Left. Right. Left. Right.

Ginagawa ko at parang may ka partner ako. Kaso ang hirap pala mag pretend na may partner. Siguro mas okay na may ka partner talaga.

"Need help?"

Napatingin ako sa nagsalita at nakita ko si Veronica na nakasandal sa may pintuan while smiling.

"Ha?" Pag tataka ko.

"I mean you need help para mapag aralan yang sayaw na yan. I can be your partner." Sabi nya sa akin.

"Ha? Aah. Wag na. Nakakahiya naman."Sabi ko sa kanya.

"No! Let me teach you" she insist.

[A/N: Play the Song. Dito ka lang sa aking Tabi by Marte]

Lumapit sya sa akin. May kung anong kaba sa aking dibdib na hindi ko maintindihan. Yung kaba na palakas na palakas habang palapit sya.

"May I have this dance Princess?" Tanong nya sa akin.

Inilahad nya ang kanyang isang kamay at ang isa naman ay nasa likod nya. At saka sya ngumiti sakin.

Ngumiti ako sa kanya at saka ko inilagay ang kamay ko sa kanya at parang isang prinsesa talaga na sasayaw.

I don't know what is this feeling I've got right now. It just .. I don't know. I just can't explain. Im happy i guess. And im enjoying this moment.

Isinayaw nya ako na parang sumasayaw talaga kami sa isang malaking palasyo na katulad nang sa kwento ni Cinderella.

Is there any chance kaya na matulad ang buhay ko sa Cinderella na Prinsesa?

Is there any chance na mahahanap ko rin ang taong magmamahal sakin katulad ng pagmamahal sa kanya ng Prince charming nya na nagawa pang hanapin sya dahil sa isang sapatos lang na naiwan nya?

This Feeling right now habang sinasayaw ako ni Veronica. This feeling that ive never felt before. Yung ganitong pakiramdam na ngayon ko lang naranasan. Ngayon ko lang na encounter. Yung pakiramdam na ngayon lang ako kinabahan ng ganito. Whats this ?

And at the end of the dance. Tumigil kami at tsaka nagkatitigan. And naramdaman ko nalang na palapit na ng palapit ang mukha ni Veronica sa mukha ko.

Natulala ako at di ko alam kung ano ang gagawin. Dahil hindi ko magawang ibaling sa iba ang paningin ko. Pakiramdam ko may stiff neck ako at di ko kayang lumingon. I gulp at yung kaba na na doble. I guess na triple pa. 💓💓

Napapikit ako tsaka hinihintay ang paglapat ng labi nya sa labi ko. Alam kong konting konti nalang lalapat na yung labi nya nang biglang ...

"Ellaaaa!" Sabi ni Manang Letty mula sa labas ng pintuan at kumakatok.

Sabay kaming na palayo sa isat isa.

"Po?" Tanong ko.

"Tulungan mo ako sa pagluluto" sabi nya.

"Opo. Palabas na po." Sigaw ko.

At saka pareho namin narinig ang papalayong hakbang ni Manang Letty

Napatingin ako kay Veronica at nakita kong nakatingin din sya sa akin. At tsaka sya napangiti.

"I guess its Midnight already :)" sabi nya sa akin na halatang natatawa.

Dahil sa ganung pangyayari at pareho na lang kaming natawa sa nangyari.

After that ay lumabas na kami sa kwarto at saka sya dumiretso na sa kwarto nya. Ako naman at dumiretso na sa kusina.

Pero bago pa kami magkahiwalay at maakyat sya papunta sa kwarto nya.

"I'm going to find you Princess." Sabi nya sa akin at saka sya tumawa. Ngumiti naman ako sa kanya.

Dumiretso na ako sa kusina at tumulong kay Manang Letty sa pagluluto sa kusina.

Nang matapos ako dun ay naglinis na ako sa sala at sunod naman sa pool. Habang naglilinis ako sa pool at kumakanta pa ako.

"Ella?" Tawag sa akin ni Veronica. Napalingon ako at saka napatingin sa kanya. Nakangiti ako habang nakatingin sa kanya. Pero nawala ang ngiting yun nang makita kong may ahas na nakasabit sa leeg nya.

Nanlaki ang mga mata ko at saka napaatras. At dahil malapit ako sa pool alam kong isang atras ko nalang mahuhulog na ako. And yes umatras ako, kadahilanan para malaglag ako sa pool. And the worst thing is. Hindi ako marunong lumangoy. Yun yata ang isang bagay na di ko natututunan.

Pagkahulog ko at nararamdaman ko na nahihirapan na akong huminga at hindi ko alam kung paano ko igagalaw ang mga paa at kamay ko. Nung maramdaman ko na talaga na nahihirapan na akong huminga at pagod na ang mga paa at kamay ko ay biglang nagdilim na ang paningin ko at saka na ako napapikit bang tuluyan.





Veronica's POV

I was smiling at her habang hawak hawak ang ahas na nasa leeg ko. Mabait naman sya ii. Gusto ko sanang ipakita kay Ella, pero nung nakita nya ako ay umatras sya at saka sya nalaglag sa pool.

Our pool is 8ft ang lalim dahil natuto naman kaming lumangoy. At saka nag swimming lesson ako.

Nanlaki ang mata ko nang mahalata kong hindi yata marunong lumangoy si Ella. Binitawan ko yung ahas at saka ako tumalon sa pool at saka ko kinuha si Ella.

Inalis ko sya sa pool at nakita kong parang hindi yata sya gumigising. Palubog na sya sa ilalim nang masagip ko sya. Siguro madami na syang nainom na tubig.

I know how to do the CPR. Kaya naman mabilisan kong ginawa ang CPR. At Maya Maya lang at bigla syang umubo at may mga lumabas na tubig sa kanyang bibig.

Dahil sa sobrang tuwa at pag aalala ko sa kanya ay bigla ko syang niyakap.

"Oh god! Thanks god. You're okay." Sabi ko sa kanya at saka ko hinawakan ang magka bilang pisngi nya.

Cinderella's POV

Pagkalunod ko nagising ako na si Veronica ang nasa harap ko.

Bigla nya akong niyakap at "Oh god! Thanks god. You're okay." Sabi nya sa akin at saka nya hinawakan ang magka bilang pisngi ko.

Nakatingin lang ako sa kanya. At natutulala.

"Are you okay?" Tanong nya pa sa akin.

"Yeah. Yeah. I'm okay!" Sabi ko sa kanya.

"Anong nangyari sainyo?" Tanong sa amin na pareho kaming napa tingin kay Manang Letty.

"Wa-wala po Manang . Nalaglag lang ako sa pool. Nadulas kasi ako." Paliwanag ko kay Manang Letty.

"Ayos ka lang ba?" Tanong sa akin ni Manang Letty.

Tumango nalang ako. "Opo. Ayos lang ako. Sinagip po ako ni Ma'am Veronica." Sabi ko.

Tumingin si Manang Letty sa kay Veronica.

"Salamat po Ma'am." Pagpapasalamat ni Manang Letty.

"Wala po yun. Wag nyo na lang po palinisin ng pool si Ella" sabi ni Veronica at saka ito tumayo at umalis na.

Napatingin ako sa kanya na palayo na.

"Magbihis ka na dun Ella. Ayos ka lang ba talaga?" Tanong ulit sa akin ni Manang Letty.

"O-opo. Ayos lang ako." Tumayo na ako sa kwarto at saka nagbihis na.

Haays napabuntong hininga ako habang naaalala ko ang mukha ni Veronica.

Yung mukha nya na halatang nag aalala. Totoo ba yun? Waaah! Ano ba? Haaays .

[a/N: Sorry for the very lame chapter. Tsaka taghirap sa internet connection. Haha]

Modern Fairytale: Cinderella's GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon