Cinderellas POV
"Lets have an around of applause Veronica Collins" sabi nung Mc na nasa stage.
Nagpalakpakan ang lahat lalo na ang mga classmate namin at ang mga ibang estudyante na nakakakilala na kay Veronica.
Nasa unahang upuan ako katabi ko si Sammie at si Hannah bale nasa gitna nila akong dalawa.
Naupo si Nica sa harap nang lahat habang hawak naman ang isang acoustic guitar. Oo na napaka talented na nang babaeng ito. Pati ba naman sa gitara may alam pala sya. Sinimulan nya nang kumanta.
I met you in the dark
You lit me up
You made me feel as though
I was enough
We danced the night away
We drank too much
I held your hair back when
You were throwing up
Then you smiled over your shoulder
For a minute, I was stone cold sober
I pulled you closer to my chest
And nga bang kantang yan? Parang may gusto syang iparating. Napatingin sya sa gawi namin. Habang patuloy na kumakanta.
And you asked me to stay over
I said, I already told ya
I think that you should get some rest
Napaka seryoso nang kanta nya. Parang isang mensahe na gusto nyang iparating. Oo iparating hindi sakin kundi sa babaeng katabi ko ngayon. Nakatingin samin si Nica pero alam ko na ang mga mata nya ay nakatutok kay Sam.
I knew I loved you then
But you'd never know
Cause I played it cool when I was
Scared of letting go
I know I needed you
But I never showed
But I wanna stay with you
Until we're grey and old
Just say you won't let go
Just say you won't let go
Napabuntong hininga ako. Ano pa ba ang dapat kong asahan sa nararamdaman ko? Wala. Wala akong dapat asahan dahil wala namang patutunguhan ito.
This past few days inamin ko na sa sarili ko na ang kakaibang nararamdaman ko kay Nica ay isang pakiramdam na alam ko sa sarili ko na unti unti ko na syang minamahal. Pero para saan pa ang nararamdaman ko kung alam ko naman na wala namang mapupuntahan ito.
Natapos ang kanta ni Nica at sya ang panghuli na magpeperform. So kagaya nga nang napag usapan pagkatapos ng performance ng lahat ay nagsimula na nga ang party party para sa mga professor at mga estudyante na gusto magsaya.
As usual hindi kami umalis may kainan kaya tsaka nagbayad kami para sa event na ito. So kaya naman sinulit talaga nila ang mga bawat sandali sa party na yun. Samantalang ako ay hindi nag eenjoy sa party na ito. Gusto ko ng umuwi at mapag isa at magkulong sa kwarto. Gusto ko ng tahimik na lugar ngayon.
"Hoy! Ayos ka lang?" Agad na bumalik ako sa aking ulirat nang marinig si Hannah na. nasa likuran ko ngayon. Lumingon ako sa kanya.
"Ha? Oo okay lang ako. Medyo masama lang talaga ang pakiramdam ko ngayon." paliwanag ko sa kanya.
"Mukha nga. Kanina ka pa nga walang kibo at parang nasa ibang mundo eh." sabi nya sa akin.
"Excuse me lang ha? CR lang ako." paalam ko sa kanya dahil alam ko na may gusto na naman syang ipunto.
Umalis ako at dumiretso nga ako nang CR. Nasa labas palang ako ng cr ng mapansin ko na naka sarado ito. Sino kaya ang tao sa loob. Mga isang inch palang ang nabubuksan ko sa pinto nang may nakita kong isang tao sa loob na parang may kahalikan ito.
Hindi ko alam kung anong sumapi sa akin at ginusto kong alamin kung sino ang taong yun. Dahil sa one inch na nabuksan ko sa pinto ay nakita ko ang mukha ni Sam.
Si Sam ? Sino kaya ang kasama nya?
Hindi ko alam kung anong kaba ang bumabalot sa puso ko kung bakit ganito ang nararamdaman ko ngayon. Binuksan ko pa bang kunti ang pintuan dahil sa salamin na andun ay tsaka ko lang nakita ang mukha nang kahalikan ni Sam. Walang iba kundi si Nica.
Napahawak ako sa dibdib ko at dahil sa di ko maipaliwanag na nararamdaman ko ay napalakas ang pagsara ko nang pinto. Agad akong tumakbo palabas nang pinto. Napadaan ako kung nasaan si Hannah.
"Ella!" tawag ni Hannah pero hindi ko ito pinansin dumiretso ako sa labas na kung saan walang tao. Napaupo ako bench at doon na kusang dumaloy ang mga luha na hindi ko mapigilan kanina dahil sa nasaksihan ko.
Napayuko ako at saka ko ikinulong ang mukha ko sa mga palad ko. Pakiramdam ko parang pinupunit ang puso pa unti unti. Masakit pala. Masakit pala na makita sa ganung akto ang taong mahal mo.
"Ella!"
Naramdaman kong umupo sa tabi ko si Hannah. Dahil sa sama nang pakiramdam ko ay bigla ko syang niyakap nang walang sabi sabi. Tila nagulat sya sa ginawa ko pero mayat maya lang ay naramdaman kong yumakap na din sya sa akin.
"Hush! What happend ? Are you okay? Hush! Dont cry." pagpapatahan nya sa akin.
"Ganito pala kasakit kapag nalaman mong masaya na ang taong mahal mo sa iba. Diba dapat di ako nasasaktan? Diba dapat masaya ako? Pero bakit ganito? Nasasaktan ako! Nasasaktan ako" sabi ko habang patuloy pa rin na tumutulo ang mga luha ko.
Humiwalay sya sa pagkakayakap ko at saka nya ako hinawakan sa magkabilang pisngi ko.
"Kahit sabihin mo na kailangan mong maging masaya para sa kanya dahil yun ang tama, May mararamdaman ka pa ring sakit kasi mahal mo sya. Love hurts especially when your sacrificing." paliwanag nya.
Pinunas nya ang luha ko. Nakatitig lang sya sa akin. Hindi ko alam kung paano nangyari dahil naramdaman ko na lang ang paglapat ng mga labi nya sa labi ko. Nanlaki ang mga mata ko dahil sa gulat. Napaatras ako at saka napatingin sa kanya na may halong pagtatanong sa mukha ko.
"I-im sorry." paghingi nya ng paumanhin sakin.
Hindi ako makakibo at hindi ko alam ang una kong gagawin at hindi ko rin alam kung ano ba ang dapat kung sabihin. Kung ano ba ang dapat kung maramdaman. Dapat bang magalit ako sa kanya at kamuhian sya dahil sa ginawa nya? Dapat ba akong mainis dahil sinamantala nya ang pagkakataon na wala ako sa ulirat.
"I-im really sorry Ella, i didnt mean it. Im sorry, sorry!" paulit ulit na paghingi nya ng tawad sakin.
Tumayo ako at saka ko sya iniwan na walang anumang salitang lumabas sa aking bibig. Hindi ko alam ang dapat kung maramdaman. Halo halong emosyon ang namamayani sakin ngayon. Naguguluhan ako, Nasasaktan ako, Nahihirapan, Ewan ko.
Hindi ko tinapos ang party at umuwi na ako. Tinext ko nalang si Nica na mauuna na akong umuwi.
Umuwi na ako at saka nagbihis. Nahiga ako sa kama at napatingin sa kisame. Simula bukas ay bakasyon na. Siguro tama ang magiging desisyon ko. Tama na iwasan ko si Nica at magbakasyon muna ako. Dahil sa sobrang pag iisip ay di ko namalayan na nakatulog na pala ako.

BINABASA MO ANG
Modern Fairytale: Cinderella's Girl
FanfictionThey said ako na daw ang pinaka malas na tao sa mundo. Bukod sa ulila na ako sa mga magulang ko ay kasalukuyan pa akong namamasukan at naninirahan sa isang marangyang mansyon na mayroong nag iisang heredera. Matapobre sila sa totoo lang pero no choi...