Cinderella's POV
Papasok na ako sa loob bang kotse ni Veronica nang bigla akong tinawag nang isang katulong doon.
"May naghahanap sayo?" Sabi nung katulong.
Itinuro ko ang sarili ko. "Ako?" Sabi ko na may pagtataka.
"Oo! Ikaw lang naman ang Cinderella Houston dito diba?" Sabi neto.
"Nasaan yung naghahanap sakin?" Tanong ko.
"Nasa gate. Mukhang may nagpadala sayo eh!" Sabi nito.
Napakunot ang noo ko at saka ako dumiretso sa may gate. Sa labas ng gate may nakita akong lalaki na may dalang bulaklak.
"Ikaw po ba si Miss Cinderella Houston?" Tanong nung lalaki.
"Ako nga po. Ano po ba yun?" Tanong ko.
"May nagpapabigay po neto sayo" sabi neto sa akin at saka iniabot sa akin ang bulaklak at saka sya may pinapirmahan sa akin bilang katibayan na na received ko na.
"Salamat po :)" sabi ko at saka ako umalis na.
Tiningnan ko ang bulaklak. First time ko kaya makatanggap ng bulaklak. Ang ganda naman neto. Tapos ang bango pa. Mukhang bagong pitas.
Bumalik ako sa may tapat ng kotse ni Veronica at sumenyas ako na iiwan ko lang yung bulaklak sa loob.
Pagkaiwan ko ay tsaka ako bumalik na sa kotse ni Veronica. Nang makasakay ako nakita kong magka salubong ang dalawang kilay nya.
"Ang tagal mo. Malelate na tayo!" Sabi nya sa akin.
"Sorry po." Sabi ko.
"Kanino galing yung flowers?" Seryosong tanong nya sa akin habang nakatingin sya nang diretso dahil nagda drive sya.
"Walang pangalan ih. Walang clue kung kanino galing." Sagot ko sa kanya.
"Bakit ka tumatanggap ng mga bagay na hindi mo alam kung kanino galing?" Tanong nya sa akin.
"Hi-hindi ko naman kailangan tanggihan. Tsaka bulaklak lang naman yun." Sabi ko sa kanya.
"Kahit na!" Sabi nya.
Dahil sa sinabi nya ay napatingin ako sa kanya. Napatingin din sya sa akin at saka muling ibinaling ang atensyon nya sa minamaneho nya.
"I'm sorry!" sabi nya sa akin.
Hindi ko alam kung anong problema sa pagtatanggap ng bulaklak.
"O-okay lang po." sabi ko.
Nakarating kami sa school na tahimik kami pareho at wala sa aming nagsasalita.
Nasa loob na kami ng classroom pero tahimik pa rin si Veronica. I don't know kung ano ang nasa isip nya..
Almost 30 minutes lang nag lecture yung professor namin then after that she told us na pwede na kaming umuwi kasi may meeting daw sila sa pinaka head nang university.
Lumabas muna ako saglit kasi alam ko hindi muna uuwi si Veronica. Ganun kasi sya kapag walang klase hindi sya umuuwi. Nasa loob lang sya ng room.
Dahil dun ay naisipan ko nalang na lumabas at magpahangin sa may garden. Nag paalam ako kay Veronica na pupunta muna ako sa garden kasi baka mamaya kailanganin nya ako.
Pumunta ako sa garden at naupo sa isang bench doon. Masaya talaga mag stay dito lalo na kapag gusto mong mapag isa.
Siguro 15 minutes palang akong nag iisa nang may nagsalita mula sa likuran ko.

BINABASA MO ANG
Modern Fairytale: Cinderella's Girl
FanficThey said ako na daw ang pinaka malas na tao sa mundo. Bukod sa ulila na ako sa mga magulang ko ay kasalukuyan pa akong namamasukan at naninirahan sa isang marangyang mansyon na mayroong nag iisang heredera. Matapobre sila sa totoo lang pero no choi...