Cinderella's POV
I took a deep breath at saka inihakbang ang mga paa ko pababa sa bus na sinakyan ko. This is it! Nandito na ako sa Bicol ngayon. Ang tagal ko din hindi naka bisita dito. Bale mag e stay muna ako sa bahay ni Manang wala naman kasing nakatira dun pero malapit lang yun sa kapatid nya. Kilala na din naman na nila ako kasi nung bata pa ako dinadala ako dito ni Manang tapos minsan kapag bibisita sya dito.
Bumaba na ako ng bus at saka sumakay ng tricycle para sa final destination ko. Pagkababa ko ay nakita ko si Manang Gloria na nagwawalis sa bakuran nya. Napatingin sya sa akin.
"Ellaaaa ikaw ba yan?" sabi nya.
Tumango naman ako bilang pagtugon sa tanong nya sa akin.
"Ang laki mo na ah. At ang ganda mo pa. Anong ginagawa mo dito? Kasama mo ba si Manang?" sabi neto.
"Hindi ko po sya kasama. Bale bakasyon ko po kasi kaya nagpaalam ako na dito po muna ako magbabakasyon." paliwanag ko sa kanya.
"Hala ganun ba? Dito kana sa bahay kumain mamayang gabi ha?" pag aalok pa nya sa akin.
"Nako nakakahiya po." sabi ko.
"Ano ka ba? Ikaw pa ba? Alam mo namang para ka nang pamilya namin. O sya basta mamaya ha? Sige na at magluluto na ako papatawag nalang kita kay Totoy." sabi nya pa.
"Sige po. Salamat po" sabi ko.
Pumunta na ako sa bahay at saka ito binuksan. Binigay ni Manang sakin ang susi ng bahay bale kasi tag isa kaming copy. Para in case na mawala ko meron pa ring reserba. Maliit lang ang bahay ni Manang pero komportable dahil sa pang kusina may mga gmit na dun. May isang kwarto, alam ko kung paano pinaghirapan ni Manang na ipatayo ang bahay na ito. Simpleng bahay pero maganda tingnan. May kuryente naman dito kaso nga lang ang problema dito ay ang tubig minsan kasi walang tubig na lumalabas sa gripo kaya minsan kailangan mong mag igib sa poso.
Nakapahinga naman ako sa byahe kaya napag desisyunan ko na maglinis na lang ng bahay at kapag maaga ako matapos saka nalang ako ulit magpapahinga. At dahil nga maaga ako natapos ay nakapagpahinga na ako.
Mayat maya lang ay ginising na ako ng pinsan ko. Doon nga ako kila Manang Gloria kumain. Pagkatapos kumain ay bumalik na din ako sa bahay nila Manang para matulog.
Nakahiga na ako at saka napapaisip. Haaays! Ano ba Ella hindi ka naiisip ni Veronica, hindi ka nga nya maalalang etext o tawagan man lang. Malamang nag eenjoy yun kasi sila na ulit ni Sammie. For sure di nya man lang napansin na nawala ako sa kanya dahil simula pa man ay para na akong invisible sa kanya kapag andyan si Sam.
Lumipas ang isang linggo patuloy ang pamumuhay ko ng simple lang. May TV naman dito at yun yata ang naging libangan ko. Hindi naman ako mahilig mag cellphone kapag kailangan ko lang talaga.
Habang nanunuod ako ng TV ay biglang nag ring ang phone ko. Para akong naging estatwa dahil di ko alam ang gagawin. Sino ba ang tumatawag? Si Nica kaya yun. Kinuha ko ang phone ko at napatingin sa screen.
Calling .. Manang.
Oo na! Ako na itong si asang asa na tatawagan ako ng babaeng yun. Isang linggo na nga ang lumipas eh ni kahit text nga lang hindi sya maka alala tawagan nya pa kaya ako. Haaays! Sinagot ko ang tawag.
"Hello Manang" sabi ko.
"Hello Ella. Kumusta ka na ba? Ayos ka lang ba dyan?" tanong nya.
"Oo naman po. Ayos lang po ikaw po ba?" sabi ko.
"Okay naman ako. Sya nga pala nung nakaraang araw hinahanap ka sa akin ni Maam Veronica."
"Wag nyo po sasabihin kung na san ako!"
"Ha? Bakit naman? Itong batang ito oh. Hindi nya naman tinatanong kung nasan ka, Hinanap ka lang."
"Ano pong sabi?"
"Wala lang tinatanong nya lang kung bakit di ka nya nakikita sabi ko naman nagbakasyon ka sabi nya lang okay."
"Yun lang?"
"Bakit ano ba dapat sabihin nya?"
"Wa-wala naman po."
"Oh sige na mamaya na lang at magluluto pa ako. Ikumusta mo nalang ako kila Manang Gloria mo. Mag iingat ka dyan ha?" paalam nya
"Opo Manang salamat po Bye po" paalam ko din sa kanya.
Napabuntong hininga na naman ako.
Walanghiya talagang babaeng yun. Wala man lang pakialam sakin. Nakakagigil. Haaays kung nandito lang yun baka binatukan ko na yun nang malupit. Haaaaays!
![](https://img.wattpad.com/cover/56812015-288-k153887.jpg)
BINABASA MO ANG
Modern Fairytale: Cinderella's Girl
FanficThey said ako na daw ang pinaka malas na tao sa mundo. Bukod sa ulila na ako sa mga magulang ko ay kasalukuyan pa akong namamasukan at naninirahan sa isang marangyang mansyon na mayroong nag iisang heredera. Matapobre sila sa totoo lang pero no choi...