Cinderella's POV
"Thank you dito babe." Sabi sa akin ni Veronica.
Napatingin ako at tsaka napakunot noo. At napatingin sa hawak hawak nyang pagkain. Well it was a cupcake. Na sa tingin ko ay masarap talaga sya. Pero alam ko hindi naman ako nagluto nang cupcake kanina. Although marunong talaga akong gumawa nun.
Nakita kong napatingin sa amin si Sam at si Hannah.
"Welcome babe. Surprise ko yan. Tikman mo!" Sabi ko sa kanya at saka ako ngumiti.
Gusto ko yatang magwala dahil sa pagpapanggap na to. Jusko!
Nakita kong tinikman nga ni Ver ang cupcake na hawak nya.
"Babe. This is one of my favorite cupcake. Hmmm.. Sarap! I mean this is the number one. Thank you babe."Sabi nya at saka nya hinawakan ang kamay ko.
Napatingin ako Kay Sam na nakatingin sa kamay namin. Tumingin sya sakin at saka sya ngumiti. Jusko! Ayoko na yatang magpanggap na girlfriend ni Veronica. Pag nalaman to ni Manang Letty . lagot talaga ako dun. Huhu.
Nasa classroom kami ngayon at nagkataon na wala kaming professor at mamaya pa darating yung isa naming professor.
"Excuse me!", sabi ni Sam at tsaka sya umalis na at tumayo.
Medyo nakahinga ako nang maluwang nang lumabas si Sam. Well! I guess kailangan ko din lumabas at magpahangin. I need some fresh air dahil nagugulat ako sa mga pinag gagawa ni Veronica.
"Labas lang ako." Paalam ko kay Veronica.
"Saan ka pupunta?" Tanong nya at nakasalubong ang kilay nya.
"Outside. Babalik din ako agad." Paalam ko sa kanya at saka ako lumabas.
Nasa labas ako nang maisip ko na hindi ko pala alam kung saan ba talaga ako pupunta kasi naman. Jusko! Ang daming tambay dito sa labas. Gusto ko nang tahimik na lugar.
Inikot ko ang paningin ko at naghanap nang matatambayan. Nang mapatingin ako sa taas. I guess I found a perfect place where I can be alone.
Naisipan ko na tumambay nalang sa rooftop. Tutal naman wala naman tumatambay dun kasi alam ko medyo madumi dun at doon tinatambak yung ibang mga sirang gamit nang school. At dahil school ito nang mga mayayaman. Ayaw na ayaw yata nilang nadadapuan nang kahit konting alikabok.
And finally. At the rooftop. Just like i expected. Wala ngang tao. A place where I can find a perfect place to be alone.
Napabuntong hininga ako. At napadungaw sa ibaba. Sinong mag aakala na ang isang Cinderella Houston ay makakapag aral sa isang sikat na university kung saan halos mayayaman ang mga nakakasalamuha ko.
Hindi ko pinangarap na makapag aral sa ganitong school. Simple lang naman ang gusto ko sa buhay. Makapagtapos lang ako at maingat ko ang sarili ko. Kung saan maipagmamalaki ako nang mga magulang ko kahit nasa kabilang buhay na sila.
Si Sam at Veronica. Haays! Di ko alam kung tama ba itong ginagawa ko. Paano kung mahal pa pala ni Sam si Veronica? What if she is a really willing to change para kay Veronica?
Haays. May pag asa pang magka ayos sila. Pero kunsabagay sa kalagayan at nangyari naman kay Veronica, sobrang nasaktan na sya at takot nang maulit yun kaya siguro iniiwasan nya si Sam.
Pero kasi naman parang sincere naman si Sam na magka ayos sila ni Veronica. Waaa! Ano ba ito?
Ginulo ko ang buhok ko. "Waa! Ang gulooooo!" Sabi ko nalang.
![](https://img.wattpad.com/cover/56812015-288-k153887.jpg)
BINABASA MO ANG
Modern Fairytale: Cinderella's Girl
Fiksi PenggemarThey said ako na daw ang pinaka malas na tao sa mundo. Bukod sa ulila na ako sa mga magulang ko ay kasalukuyan pa akong namamasukan at naninirahan sa isang marangyang mansyon na mayroong nag iisang heredera. Matapobre sila sa totoo lang pero no choi...