Cinderella's POV
"Oh?!" sabay na iniabot sa akin ni Veronica ang isang bottle na tubig.
"Thank you!" sabi ko sa kanya at saka ako ngumiti sa kanya.
"Tara punta tayo dun!" pag yayaya nya sa akin.
"Sige!" sabi ko sakanya.
Kasalukuyan kaming namamasyal ngayon. At saka kami naupo malapit sa may dagat na andun.
"Ang ganda naman dito :D" sabi ko na may pagka mangha! Hindi kasi ako madalas na nakakapasyal kasi dati syempre may mga inuuna ako at saka hindi ako makalabas sa bahay nang mga Collins. Ngayon nakakalabas na ako dahil kay Veronica. Kapag namamasyal sya ay sinasama nya ako.
Nakangiti ako habang naka tingin sa malayo at tinitingnan ang malawak na dagat na kulay asul.
"Ang ganda nu?" sabi ko sa kanya.
"oo ang Ganda!" sabi nya.
"Tingnan mo ang ganda" sabi ko sa kanya.
"maganda sya!" sabi nya ulit.
Napatingin ako sa kanya at saka ko sya nakitang nakatingin sa akin. Pero imbes na iwasan nya ako nang tingin ay hindi nya ginawa yun. Nakatingin lang sya sa akin, hindi lang basta nakatingin as in nakatitig sya sa akin.
"ve-veronica" sabi ko nalang.
Hindi ko alam pero hindi ko maiwasan ang mga tingin nya sa akin.
"Ella!" tawag nya.
At saka ko napansin ang unti-unting paglapit ng mukha nya sa mukha ko.
At saka ko naramdaman nalang ang pagdampi nang labi nya sa labi ko.
I think it was just a two second at saka nya inilayo nang konti ang mukha nya.
Hindi ako makapaniwala. Nakatingin lang ako sa kanya at hindi ko alam kung ano ang una kong gagawin. Ang gulo nang utak ko.
Nakatingin lang ako sa kanya. Hindi ko maialis ang mga tingin ko sa kanya.
Pagkatapos nun ay bigla nya ulit akong hinalikan. At sa pangalawang hinalikan nya ako ay ramdam ko ang pagpikit nang mga mata ko at saka ko ramdam na ang paglapat nang labi nya sa labi ko.
At
"Ella! Wake up!" rinig ko na pag gising sa akin.
Napamulat ako nang mga mata ko. Nakita kong nasa harap ko si Veronica.
Napabangon ako at napatingin sa paligid ko.
Walang dagat! Walang dagat! Walang dagat!
Ibig sabihin panaginip lang pala ang lahat nang yun.
"Hay salamat! Panaginip lang pala." Sabi ko nalang.
"Anong panaginip lang?" tanong sa akin ni Veronica.
Napatingin ako sa kanya. At saka ako natulala. Waaaa!! Pumapasok pa rin sa utak ko ang napanginipan ko.
"Wa-wala po, ano pong kailangan nyo po?" tanong ko nalang sa kanya.
"wala naman! Hinahanap kasi kita kanina kay manang Letty sabi nya sa akin tulog kapa, sabi nya gigisingin kana kaso I insist na ako nalang ang gigisingin sayo." Paliwanag nya pa sa akin.
Napatingin lang ako sa kanya.
"okay ka lang ba? Kanina mo pa ako tinitingnan" sabi nya sa akin.
"Huh? Aah! Aaaano po. Wala po." Sabi ko nalang.
"Bilisan mo na, aalis tayo" sabi nya sa akin.
"Sa-saan po tayo pupunta?" tanong ko sa kanya.
![](https://img.wattpad.com/cover/56812015-288-k153887.jpg)
BINABASA MO ANG
Modern Fairytale: Cinderella's Girl
Fiksi PenggemarThey said ako na daw ang pinaka malas na tao sa mundo. Bukod sa ulila na ako sa mga magulang ko ay kasalukuyan pa akong namamasukan at naninirahan sa isang marangyang mansyon na mayroong nag iisang heredera. Matapobre sila sa totoo lang pero no choi...