Cinderella's Girl: Chapter 11

4.4K 168 6
                                    

Cinderella's POV

Ramdam ko ang bawat paghinga nya. Naririnig ko rin ang malakas na kabog nang dibdib ko. Magkalapit ang mukha namin ni Veronica na hals kulang nalang magkadikit na yung mga labi namin.

Nakasandal kami sa pader at nakokorner nya ako. Umabot kami sa ganitong sitwasyon na di ko alam kung bakit.

Basta ang alam ko. Bigla nya nalang akong hinila at isinandal sa pader na ito at bigla nyang inilapit ang mukha nya sa mukha ko.

In our position. Kahit sinong nasa likod ay iisipin na hinahalikan nya ako.

Ramdam ko ang lakas nang kabog nang dibdib ko. Nakatingin lang sya sa akin. Hindi ko alam bakit ganito nararamdaman ko?

Nakatitig lang ako sa kanya at hindi ko alam kung ano ang dapat na maging reaksyon ko dahil sa totoo lang naguguluhan ako sa mga nangyayari ngayon.

Inilayo nya ang mukha nya nang konti at saka sya ngumiti sakin.

Nakatitig lang ako sa kanya. At ramdam ko ang pag init nang mukha ko dahil sa mga titig nya na yun.

"Lets go!" Sabi nya sa akin.



Veronica's POV

Why am I doing this? Because I have to. Dahil kailangan.Dahil ito nalang ang naiisip kong dahilan.

Naglalakad kami ni Ella pabalik nang room dahil katatapos lang namin kumain nang lunch.

Naglalakad kami nang pagtingin ko sa side ko nandoon si Sam at sa way nang smile nya gusto nyang lumapit sakin. Para hindi sya makalapit ay bigla Kong hinawakan si Ella at saka ko sya isinandal sa may pader na andun.

At dahan dahan kong inilapit ang mukha ko sa mukha nya. Napatingin ako sa mga mata nya. Ngayon ko lang napansin ang ganda pala nang mga mata nya.

Sa totoo lang nakakaakit talaga yung mata nya. Yung mga mata nyang halatang nagtatanong kung ano bang nangyayari.

Napatingin ako sa labi nya and I gulp. How cute. Ang ganda nang hugis nang labi nya na sa tingin ko ang sarap halikan. Ramdam ko rin yung mainit na hininga nya. Kaya bago ko pa sya mahalikan ay inilayo ko na ang mukha ko sa kanya and then I smiled at her.

"Let's go!" Sabi ko sa kanya.

Napalingon ako, nandun pa rin pala si Sam at masama ang tingin sa akin. Hinawakan ko ang kamay ni Ella at saka kami umalis na.

I took a deep breath. And sigh!

I'm sorry Ella. I'm sorry! Haaays.

I'm sorry Sam. I don't want to go back in the place where I know i don't want to be with. I gotta move on and step forward.

Flashback...

Nasa CR ako nang bigla kong nakitang andoon rin pala si Sam.

Aalis na sana ako dahil iniiwasan ko talaga sya. Pero bigla nyang hinawakan ang braso ko para mapigilan ang pag alis ko.

"Ver?" Sabi nya.

Napalingon ako sa kanya.

"I have to go!" Sabi ko sa kanya.

"Let's talk."Sabi nya.

Dahil wala namang tao sa CR nun at kaming dalawa lang.

"For what? Wala na tayong dapat pag usapan." Sabi ko sa kanya.

Lumapit sya sa akin at saka nya ako niyakap.

"I miss you Ver! I miss you! I- im really sorry. Just give me another chance." Sabi nya sa akin.

Pinipilit ko syang alisin sa pagkaka yakap nya sa akin.

"Stop this Sam. Ilang beses kitang pinagbigyan. Just let me na magmahal nang iba. Let me move forward without you!" Sabi ko sa kanya.

"I still love you." Sabi nya pa sa akin.

"Im sorry. May mahal na akong iba Sam. I already have a girlfriend." Sabi ko sa kanya.

Hinawakan nya ang magkabilang pisngi ko.

"No. No. No. I know mahal mo pa rin ako Ver." Sabi nya at nakita ko yung pagpatak nang mga luha nya sa mga mata nya.

Bigla nya akong hinila palapit sa kanya at saka nya ako hinalikan. I didnt respond.

Im on the edge of moving on.

Binitawan nya ako

"Tell me that you still love me." Sabi nya sa akin.

"Hindi na kita mahal Sam." Sabi ko sa kanya.

I need to be strong! Oo inaamin ko mahal ko pa rin sya pero pagod na akong intindihan sya at balewalain nya ako.

"Sinong mahal mo? Yung Ella na yun? Yung babaeng lagi mong kasama huh? Sya ba huh? Sya ba ang napili mong ipalit sa akin. Tss wala man lang syang Class." Sabi nya pa sa akin.

"You have no rights to judge her. Mabuti syang tao. At sya ang klase nang babae na iniingatan at minamahal. You dont even know her. She is much better than you! I love her the way she is." Sabi ko sa kanya at saka ako tumalikod.

"Babalik ka sa akin Ver. Babalik ka. Im telling you! I go this far para lang may maayos tayo." Sabi nya habang nakatalikod ako sa kanya.

"Hindi ko hiniling na gawin mo yun." Sabi ko sa kanya. At saka ako umalis na.

End of Flashback

Napabuntong hininga ako.
Ang alam ni Sam si Ella ang girlfriend ko. Straight si Ella panu ko sya mapapapayag na magpanggap na girlfriend ko kapag nasa harap namin si Sam?

Uuurgh! Ano ba itong pinasok ko? Nadamay pa si Ella sa problema na tinatakasan ko.

Modern Fairytale: Cinderella's GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon